RACHEL
"Ano nanaman ba ang nangyari sayo? Bigla na lang may magtetext na nasa clinic ka na." pahayag ni Aby.
Agad ko namang inilibot ang tingin ko para hanapin siya, pero wala akong nakitang ibang tao.
"May nakita ka ba pagdating mo na nakahood? May strawberry print na mask?" tanong ko.
"Wala 'day, ikaw lang ang nandito at saka yung nurse." Sagot ni Aby.
"Chel!" napatingin naman kami sa may pintuan at doon nakita namin si Ria at Bea.
Nagulat naman ako nang bigla niya akong yakapin, miski naman din Si Aby at Bea ay nagulat.
"Okay ka lang ba?" natawa na lang ako sa tanong niya, seryoso ba siya? Ikaw ba pag napagtulungan, magiging okay ka?
"Malayo sa bituka." Sagot ko, I tried not to reply with sarcasm kaya yun na lang ang sinagot ko, kahit ang totoo niyan ay masakit ang katawan ko.
"Chel iwan na kita sa mga kolokoy na 'yan. May klase na ako. Itext mo ako kung may kailangan ka ha? Bye." Sabi ni Aby at nagpaalam na.
"Ilan klase mo for today?" tanong ni Bea sa akin.
"2 lang." sagot ko.
"Sinong profs?" tanong pa niya.
Binigay ko naman ang pangalan ng dalawa kong prof, kumuha siya ng excuse letter sa nurse at umalis na.
"Tara na." sabi ni Ria.
"Ha?"
"Ieexcuse ka na ni Bea for today, magpahinga ka na lang sa dorm niyo" ngumiti naman siya na halos mawala ang mata at kinuha ang gamit ko.
"Kaya mo ba?" tanong niya habang inaalalayan ako bumaba ng kama.
Medyo nanlalambot ang tuhod ko kaya binuhat niya ako, bridal carry.
Oh my G. Nakakahiya.
"Huy, ibaba mo ako." Reklamo ko.
"Ang bagal mo eh, I can manage, kaya ka naman ng muscles ko. Kapit maigi." Wala na akong nagawa kundi kumapit na lang.
Syempre, hindi maiiwasan ang mga bubuyog, chismis nanaman. Napapahamak lang ako kakasama sa mga taong to eh. When in fact, naging kaclose ko lang sila dahil teammate sila ni Mika, na palagi kong pinagtitripan noon, na naging kadorm ko, na naging kaclose ko.
Sumakay naman kami sa kotse ni Bea at hinintay siya saka nagtungo sa dorm.
"Ri... Bakit mo ba ginagawa to?" tanong ko.
"Kasi gusto ko Chel, gusto ko naman kasi alagaan ka. Ginagawa ko to kasi... kasi mahal kita." Napabuntong hininga na lang ako sa sagot niya.
"Pero Ri..."
"I'm not forcing myself pero please let me do this."
Mabait naman si Ria, pero kasi... Alam mo yun, wala talaga eh. Naghain na si Bea at kumain na kami. Hindi na namin ulit napag usapan iyon at nagkwentuhan na lang kami ng iba pang bagay.
Nagpaalam na sila dahil may training pa sila, saka ko lang napansin yung suot ni Ria, gray jacket, kagaya nung sa taong tumutulong sa akin in times of trouble.
"Ri" hinawakan ko naman ang wrist niya.
"Bakit?"
"Ano... Do you happen to like strawberries?" tanong ko sa kanya.
"Ay ate, favorite niya yun." Sagot ni Bea at siniko naman siya ni Ria.
Bigla naman bumilis ang t***k ng puso ko. Siya nga kaya? Hindi ko na kasi maalala yung mukha ng taong nagliligtas sa akin.
"Ah wala, natanong ko lang. I-ingat." Saad ko.
"Magpahinga ka na lang jan." sagot niya at ngumiti.
Damn palpitations.
*****
MIKA
"Bakit gising ka pa?" Tanong ko kay Rad nang makauwi ako.
"Di ako makatulog." Sagot niya.
"Matulog ka na. Maaga ka pa bukas diba?" muli kong tanong.
"Fine. Help me." Sabi niya kaya lumapit ako sa kanya.
Dahan dahan naman siya tumayo, nakita ko namang may mga pasa siya.
"Anong nangyari sayo?" tanong ko but instead of answering ngumiti lang siya.
"Wag ka ng pumasok bukas kung ganyan lang din, ako na bahala sa mga profs mo at kay mam." Sagot ko at inakay na siya papunta sa kwarto niya.
"Mika." Pagtawag niya sa akin nang nasa pinto na ako ng kwarto niya, papunta na kasi ako sa kwarto ko.
"Hmm?"
"Bakit parehas kayo ni Ria ng jacket?" napatingin naman ako sa suot ko.
"Sa Basketball team to eh, bakit?"
"Do you like strawberries?"
"Ha?"
"Strawberries.. Kung mahilig ka."
"Ah. Hindi eh." Sagot ko. "Bakit?"
"W-wala. Good night."
Nagkibit balikat na lang ako at nagtungo na sa kwarto ko...
-----
After 3 days...
Nagising ako sa mga hikbing narinig ko at napansin kong ang dilim na sa library. Chineck ko ang relo ko at Alas gis na ng gabi! Paano nangyaring ganun katagal ang tulog ko?! Palibhasa wala kasi kaming training at work ngayon. Agad naman akong bumangon at nauntog sa kadahilanang ayoko nga ng istorbo ay nagtago ako sa ilalim ng lamesa.
(AC: sorry wala akong alam sa FEU hahaha)
Napahimas na lang ako sa ulo ko dahil ang sakit nang pagkakauntog ko, pero nawala na din iyon nang muli akong makarinig ng mga hikbi.
Hindi naman ako takot sa dilim, pero kung may maririnig ka naman talagang kagimbal gimbal ay matatakot ka din.
Palakas ng palakas ang hikbing naririnig ko, kaya medyo nag umpisa na akong magdasal. Pero dahil nagbibo ako ay hinanap ko kung saan galing yung mga hikbi at nakakita ako ng babaeng nakaupo habang nakatungo.
Mahaba ang buhok niya, paano kung bigla na lang mag exorcist to jusko. Inilawan ko naman siya kaya umangat siya ng tingin. Slowly but surely.
Dug dug
Dug dug
Sobra po akong kinakabahan at natatakot. Sino bang hindi diba?
Napahinga ako nang malalim, si Rad pala iyon. Paano naman siya napunta dito?
"Rad."
"Ye?"
Tumakbo naman siya papunta sa akin at yumakap, takot nga pala to sa dilim. Bat kasi nagpupunta pa sa madilim?
"Bat ka nandito?" tanong ko habang inaalo siya.
"Napagtripan nanaman ako ng mga fan girls niyo." sabay pingot niya sa akin. Grabe kasalanan ko ba iyon?
"Hayaan mo, akong bahala sayo." sabi ko sabay gulo sa buhok niya.
Hinawakan ko naman ang kamay niya, kilig si ako ayiee. Joke, ginawa ko lang naman yun para di siya matakot. Pumunta naman kami sa medyo naaaninag ng liwanag.
Nakahawak pa rin siya sa kamay ko, ganun siya katakot sa dilim. Nakakahiya nga kasi medyo pasmado ako pag kinakabahan. May falls na yung palad ko.
"Karma ko na siguro to sa lahat ng pangbubully ko noon." natatawa niyang sabi nang makaupo kami sa sahig.
"Baka nga, napaka mo eh." pag sang-ayon ko kaya hinampas niya ako, napakabigat ng kamay eh.
"I'm glad I met you." sabi niya at sumandal sa balikat ko.
Nakaramdam naman ako ng kiliti sa puso ko nung sinabi niya ang mga salitang iyon.
"Bakit naman?" tanong ko dahil curious ako.
"Alam ko kasing nagbago ako dahil sayo. You showed me nothing but goodness, siguro naadapt ko na lang din yung pagiging mabuting tao mo."
"Kikiligin na ba ako?" Natatawa kong saad pero kinikilig na talaga ako.
"Baliw" sabay suntok niya ng mahina sa braso ko. "Pero seryoso Ye. Thank you for making me a better person."
"Baka naman mafall ka na sakin niyan ha." biro ko pero sana nga diba. Sana talaga.
"Sana nga sayo na lang eh." bulong niya na hindi ko narinig.
"Ano?"
"Wala. Bakit ba kasi tayo nalock dito eh."
"Ako nakatulog eh. Ikaw? Lumaban ka kasi. Tapang tapang mo eh."
"Tapang lang, pwede ba magrequest?"
"Tignan natin, ano ba iyon?" tanong ko.
"Kanta ka."
"Anong kanta ba?"
"Ikaw bahala."
(play song in media ❤️)
Nag isip ako ng kantang nakakarelate ako, alam mo yung tipong simpleng parinig kaso wala eh, nuknukan naman din to ng manhid na akala mo pinainom ng isang drum ng anesthesia.
You're in my arms, and all the world is calm
The music playing on for only two
So close together and when I'm with you
So close to feeling alive
Tumayo naman ako at inilahad ko ang kamay ko sakanya. Tutal dalawa lang naman kami dito edi magbaliw baliwan na kami.
"Dance with me my queen?" nakangiti kong sabi sa kanya.
"I am honored, perhaps my king?" ngumiti naman siya at umaktong para siyang may palda at nagbow.
A life goes by, romantic dreams ,must die
So I bid mine goodbye and never knew
So close was waiting, waiting here with you
And now forever I know, all that I wanted to hold you so close
Natawa na lang ako sa mga pinaggagagawa namin. We were dancing habang kumakanta ako, talented noh? Multitasking eh.
Inikot ko naman siya at itinapon palabas saka hinatak pabalik. We stayed at that position while locking our eyes.
"Sobrang ganda mo." wala sa loob kong naibulalas. Pahamak na mga labi.
"Alam ko." ngumiti siya sabay pinch ng ilong ko.
So close to reaching that famous happy end
Almost believing this was not pretend
Now you're beside me, and look how far we've come
So far we are so close
We continued dancing habang tawa kami ng tawa baliw lang talaga.
Naupo na kami pero para makatulog siya ng maayos ay pinaunan ko siya sa lap ko. Hinubad ko din ang jacket ko at ikinumot kahit papaano sa kanya para hindi naman siya lamigin.
"Good night my king."
"Good night my queen."
Sinuklay suklay ko naman ang buhok niya hanggang sa makatulog siya. Pwede bang makulong na lang dito? Okay naman ako na kami lang ang nandito.
Napangiti na lang ako habang pinagmasdan ang maganda at maamo niyang mukha, hindi ko ipagpapalit ang araw na to sa kahit ano.
Sana magkaroon na ako ng sapat na lakas na loob para sabihin sayo kung gaano kita kagusto.
So close, so close and still so far.