RACHEL
"So close, so close and still so far." kanta ko dahil sobrang na LSS ako sa kinanta ni Mika nung nalock kami sa library.
"May iniisip ka nanaman ba?" tanong sakin ni Den.
"Wala, sino naman iisipin ko?"
"Ewan ko, huy nga pala! Sali ka daw sa Mr. and Ms. FEU 2017! For sure madali lang kumuha ng supporters, sa lima pa lang tiba tiba ka na eh." pahayag ni Den.
"Ayoko, edi ang dami ko ding bashers niyan." sagot ko at inirapan siya.
"Inggit lang sila sa abs mo, dali na. Isipin mo na lang yung mapapanalunan mo, pang tuition mo na next sem. Makakabayad ka pa ng utang mo kay Mika."
Napaisip naman ako sa sinabi niya, malaki din naman ang maitutulong nun sa akin kaya why not give it a try diba.
"Fine. Kayo bahala ah, wala akong ilalabas ni singkong duling."
"Naman, kami bahala." at kinindatan naman ako nito.
"Makikikain." nakangiting sabi ni Mika nang mailapag niya ang order niya.
"Ye, sasali si Rachel sa Mr. and Ms. FEU 2017, kayo bahala sa votes niya ha. Alam niyo na."
Kumunot naman ang noo ni Mika, pasubo na sana siya eh, naudlot nung sinabi yun ni Den.
"Seryoso?" tanong niya.
"Bakit? Wala bang chance?" malungkot kong tanong, nakakababa ng self esteem eh.
"Hindi pa nga nag uumpisa panalo ka na eh, cheer up my beauty queen" kumindat pa ito saka niya ginulo ang buhok ko kaya pinalo ko ang kamay niya.
"Panalo saan? Sa puso mo ba?" panunukso ni Den kaya sinamaan ito ni Mika ng tingin, natawa na lang ako sa kanilang dalawa.
"Kung hindi ko lang kaibigan si Ara, sasabihin kong mas bagay kayo eh." komento ko.
"Aba, mas bagay kaya kayo." singit ni Ara na kakarating lang.
"Oo naman, bagay na bagay, diba Ye?" kinindatan ko naman ito at ang bruha namula! Haha!
"E-ewan ko sa inyo." sabay inubos niya na din ang pagkain niya.
Sabay na kami pumunta sa susunod naming klase dahil magkalapit lang ang room namin. Tuloy tuloy lang ako sa paglakad at hindi ko napansing wala na si Mika sa tabi ko. May mga tao nanamang nakaharang sa daraanan ko. Hindi ba sila napapagod?
Inangat naman nila ang kanilang kamay at ibinato ang mga hawak nitong libro, ready na sana ako matamaan pero may humatak sakin at niyakap ako.
"Sabi ko sayo saglit lang eh." nag alalang sabi ni Mika. Humarap naman ito sa mga babae.
"Naalala ko kayo, kayo yung pinagsabihan ko noon diba? Ano bang gusto niyo?" tanong ni Mika.
"Niloloko ka lang niyan" sagot ng babae.
"Paano naman ako lolokohin? Magkakaibigan lang kami, ang hirap sainyo napaka malisyosa niyo. Mga walang bait sa sarili."
Kita ko yung galit sa mata ni Mika kaya hinawakan ko na lang ang braso niya para pigilan siya.
"Hi, I am Gale. What seems to be the problem here?" singit ng isang babaeng mestisa na matangkad din.
"Why do you care?" mataray na tanong ni Mika.
"Kasama sila sa sorority namin and they are just newbies, did they bother you?" tanong nito at lumingkis kay Mika.
"Hindi sa akin, sa kaibigan ko." galit pa din ang mga mata ni Mika kaya ihinilamos ko na ang kamay ko sa mukha niya.
"Tara na Ye." nakangiti kong saad.
"Reyes diba? Join me for dinner maybe?" malanding pag anyaya nito.
"She's a very busy person. May training at trabaho pa siya." inis kong sagot at hinatak na si Mika palayo sa babaeng haliparot.
"Selos ka?" tanong ni Mika nang makalayo na kami. Agad kumunot ang noo ko sa narinig.
"Ha? Anong sinasabi mo? Ayoko lang talaga sa malalanding babae." may pag irap kong sagot sa kanya.
"Joke lang eh, pasok ka na. Magtext ka ha? Sa kahit sino sa amin, you can't walk alone here." saad niya at inabot ang flyer ng Mr. and Ms FEU bago tuluyang umalis.
Dec. 12, pwede na. Atleast may pang handa ako kahit simpleng dinner if ever.
Nagregister na din ako agad nang matapos ang klase ko, para sa 20k, kakayanin ko to.
-----
Dumaan ang ilang screenings and luckily, I made the final cut, agad ko naman ding ibinalita iyon sa mga kaibigan ko kaya nagpakain sila.
Pauwi na kami ni Mika nang mapansin ko naman na nakabusangot siya.
"Problema mo?" tanong ko pero umiling siya kaya binatukan ko, pwede bang nakasimangot tapos walang problema.
"Naisip ko lang na baka sumikat ka tapos dadami na ulit friends mo tapos makakalimutan mo na ako." may himig ng pag-aalala niyang sinabi.
Natawa naman ako, pwede ba naman yun eh nasa iisang dorm lang naman kami, isa pa, kahit kailan hinding hindi ko kakalimutan ang taong to. Binuksan ko na muna ang pinto ng aming dorm bago siya sagutin.
"Awww wala pa nga selos na agad ang baby tams ko." paglalambing ko sa kanya at niyakap siya.
"Queen tamaraw ka na ulit pag nanalo ka."
"Pero ikaw lang naman Ang baby tams ko." nginitian ko siya at piningot ang ilong niya ng mahina.
"Promise?" nakapout pa ang loko.
"Promise." I smiled at sumampa na sa kanya na parang bata. Kaya naman niya ako mapa likod man o harap eh.
"Diet ka na, bigat mo na eh." natatawa niyang komento pero di niya ako maloloko.
"Good night queeny."
"Good night baby tams."
-----
First rehearsal namin at doon ko lang napansin si Gale, yung babaeng nasa sorority eme na kung makalingkis akala mo naman close sila ni Mika.
"Hi. Rachel diba? We've met before." maarte niyang saad. Gusto kong irapan pero nevermind.
"Hello." matipid kong sagot.
"May number ka ba ni Reyes? Yung basketball player? Pwede bang mahingi?" napataas ako ng kilay ko, pero sa isipan ko lang, as if namang ibibigay ko, di bagay ang malandi kay Mika.
"Kay Mika mo na lang hingiin." tugon ko at nginitian siya ng pilit saka tumayo.
-----
Mabilis dumaan ang mga araw at last rehearsal na namin today, lumapit nanaman sakin si Gale. Tuwing may rehearsal kami ay dikit siya ng dikit sakin, super halata naman na nakikipagplastikan lang siya.
Lagi niya akong tinatanong about kay Mika, at dahil nga sinusundo ako ni Mika ay sumasabay din siya with matching lingkis.
"Rachel. Drop this contest." bossy niyang saad.
"Why?" kunot noo kong tanong sa kanya.
"Drop this or I'll make your life miserable." taas kilay niyang sagot pero hindi naman talaga nasagot ang tanong ko.
"Oh? Akala ko ba sure na sure kang mananalo ka dito?" nakaismid kong tanong dahil lagi niyang pinagmamayabang sa akin iyon.
"Drop this or you're dead." gigil na si ate niyo.
"Rad!" sigaw naman ni Mika at ngumiti nang pagkacute cute, agad namang nawala ang mataray na mukha ni Gale.
"Hi Mika" pacute na sabi ni Gale, gusto ko masuka sa kalandian niya eh.
"Rad, tapos na kayo?" tanong niya sa akin at hindi pinansin si Gale.
"Tara na." ngiti ko sa kanya at umangkla sa braso ni Mika. Anong akala ni Gale? Siya lang pwede? LoL.
"Rachel yung pinag usapan natin ha?" saad ni Gale at ngumiti ng plastic, pwe.
"Bye Mika my love!" sigaw niya and that's it! Super landi.
*****
MIKA
Agad na din naman kami nagprepare ni Rad dahil mamaya na nga ang contest.
Nang makarating kami sa backstage, I kissed her cheeks, as a goodluck. Chansing.
"Galingan mo." saad ko at niyakap siya.
"Hahanapin kita sa crowd ha?" abot mata naman siyang ngumiti.
"May banner kami, Go Queen Tamaraw."
"Baliw."
"You'll always be my queen naman. Mamaya ikaw na ang beauty queen ko." hindi ko alam kung kinilig siya o ano pero tinulak niya na ako palabas kaya natawa na lang ako.
-----
Nagstart na ang pageant and damn no other girls caught my eyes except her, my queen. I'm no pageant enthusiast pero kung siya lang din ang papanoorin ko, I wouldn't miss it for the world.
"Oh baka pumasok ang langaw, pakisara." sabi ni Den kaya naconscious naman ako.
"Sobrang ganda." bulalas ko.
"Everyone knows that." sabi ni Ara.
They were wearing their bikini's at itong katabi ko hindi na kumurap kaya naman binatukan ko.
"Aray ate Ye." reklamo ni Ria.
"Tunaw na lahat ng candidates sayo." komento ko.
"Alam mo naman yan si Ria, lahat sa kanya maganda lalo pag sexy." saad ni Bea kaya nagsakitan nanaman sila.
"Ang ganda." bulalas ni Jovs nang si Rad na ang rumarampa.
"Ayiee crush mo na noh?" tanong ko pero sana humindi siya, yoko ng karibal haha.
"Hindi, maganda lang." walang buhay niyang sagot kaya nagkibit balikat na lang ako.
Then the candidates walked with their long gowns, Rad is a standout. She has the height advantage, actually siya ang pinakamatangkad sa kanila.
After nila rumampa ay tatawagin na ang top 3 para sa Q and A.
"No. 1" Yun yung babaeng nasa sorority, Gale ata yun.
"No. 12" Jia Morado, isang volleyball player.
"Ayiie pasok crush niya." pang aasar ni Ria kay Bea.
"Akala ko stick to all ka? Bakit nagkaroon ka ng crush?" biro ko kay Bea dahil yun ang pananaw niya. Lahat pantay pantay kaya wala siyang crush.
"Ate, sobrang talented niyan." sagot ni Bea.
Lagot na, mukhang pati si Bea tinamaan na. Big girls na pala ang mga kaibigan ko. Pero hindi pa natatawag si Rad kaya napahawak ako sa balikat ni Ara at pumikit.
Please please....
"No. 13!" sigaw ng emcee kaya napahinga na kami ng malalim, pasok si Rad.
Naunang tinawag si Gale para sa Q and A. Iisa lang ang tanong sa kanila kaya ang iba ay nakaheadset. About Love ang topic nila dahil iyon ang nabunot ng isang judge.
"Anong gagawin mo kung ang taong mahal mo ay mahal din ng matalik mong kaibigan?"
"Thank you for that wonderful question, but before that, I love you Mika Reyes!" sigaw ni Gale. Naghiyawan naman ang mga tao. Hala.
"Naks naman." pang aasar ni Ara at hinatak ako palapit sa kanilang dalawa ni Den.
"Anong plano mo? Kailan ka aamin?" tanong ni Den at napakamot na lang ako sa ulo ko.
"Soon, as in soon. Baka bukas." sagot ko.
"Binata ka na." may pagpahid luha effect pa si Ara, kainis.
Mabilis na natapos ang 2 contestant at si Rad na ang tinanong, ang sagot niya:
Mag uusap kami, nakadepende pa din naman yun sa taong mahal namin.
Nagkatinginan naman kami ni Rad, I mouthed I love you, hindi naman kasi niya mababasa ang labi ko, haha.
Madaming tao sa mundo pero mahirap kung palalagpasin natin yung taong para sa atin. We'll never know if we'll never try. True friends stay naman diba.
"Woooh! TROPA NAMIN YAN!" Sigaw ni Ara, natawa na lang ako.
-----
Nilapitan ko na siya at binigyan ng isang mahigpit na yakap. She won, my queen won. She's officialy the queen tamaraw again, 1st runner up si Jia at 2nd runner up naman si Gale.
"I'm so proud of you." sabi ko sa kanya.
"Thank you sa support niyo." maiyak iyak nanaman siya.
"Hey, wag ka umiyak, masisira make up mo." natatawa kong biro sa kanya.
"You'll regret this Rachel." sabi ni Gale at binangga siya kaya agad naman nagshift ang mood ni Rad.
"Halika na, wag mo ng pansinin yun." saad ko at kinuha na ang kamay niya. yiieee.
Umuwi na din kami agad dahil nga anong oras na din. Nakakunot pa din ang noo niya, ang sarap na plantsahin dahil sobrang gusot ang mukha niya, maigi na lang pala nabili ko na kanina ang birthday gift niya, atleast tanggal stress niya tuwing uuwi siya.
Tinakpan ko muna ang mata niya, nagreklamo pa, para nga surprise eh. Pagbukas naman ng pinto ay naghihintay na iyon sa kanya kaya tinanggal ko na din ang kamay ko.
Napatingin ako sa relo ko. 12:00 na.
"Happy birthday my beauty queen." bati ko sa kanya.
"Totoo ba to?" naiiyak na siya.
"Real na real." nakangiti kong sabi at niyakap niya ako.
I'd do everything to make you smile my queen. Your happiness is my happiness.
Niyakap naman niya ang regalo ko sa kanya, isang cute na cute na shitzu, edi tatlo na kami sa dorm diba.
"Babae ba to o lalaki?"
"Babae po, no boys allowed dito." natatawa kong sagot.
"Mimi na lang name niya tutal sayo naman siya galing. Hi Mimi." napangiti na lang ako sa nakikita ko.
"Hoy hindi ko inire yan." sambit ko.
"Parang timang."
"Matutulog na ako Rad" sabi ko at umakyat na.
"Thank you Mika. Sobra sobra." saad niya at sinuklian ko na lang iyon ng ngiti.
"Uy Ye," nilingon ko naman siya dahil paakyat na sana ako sa kwarto ko.
"Ikaw lang baby tams ko." at kinindatan pa ako.
"Dapat lang."
"Good night baby tams! Thank you ng sobra. Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya."
"Good night my beauty queen." nakangiti kong sagot sa kanya.
At dahil siya nga ang nanalo sa pageant, tiyak na madami nanaman magkakagusto sa kanya kaya kailangan ko ng magmadali.
-----
"You look stunning Rad." saad ko nang makita ko siya na papalapit sa akin with her messy hair and well, jersey ko nanaman suot niya.
"I know." sagot niya at ngumiti ng mapang akit.
I don't know why, pero I suddenly had the urge to tell her, wala man lang akong maramdamang kaba.
Hinapit ko naman siya papunta sa akin at isinandal siya sa pader. Tinitigan ko naman siya, mata sa mata.
"I know madaming beses mo na 'to narinig pero, ang ganda mo." sabi ko.
"Ikaw din, maganda. Magandang gwapo." sagot niya at hinawakan ang pisngi ko.
"You are one crazy chick." nakangiti kong sabi at inilapat ang noo ko sa noo niya.
"Crush mo naman."
Tumawa ako ng mahina at umismid.
"No girl, I'm inlove with you." sagot ko.
Hinalikan naman niya ako sa magkabila kong pisngi ng paulit ulit kaya napapikit na lang ako hanggang sa nakarinig ako ng tawa
Pagmulat ko ng mata ko ay nasa harap ko na si Mimi. Kaya pala ang tapang ko, panaginip lang pala. Nak ng tokwa.
ANDUN NA EH... NASABI KO NA TAPOS PANAGINIP LANG? NASAAN ANG HUSTISYA?
"Good morning baby tams. nakangiting bati sa akin ni Rad kaya naman napangiti na lang ako.
"Good morning my beauty queen. Happy birthday." hindi ko alam kung anong sumapi sa akin at niyakap ko siya mula sa likuran pero ang braso ko ay nasa may leeg niya.
"Clingy ng baby ko."
Ah okay. Sht diba? Baby niya? Hindi na ako nananaginip diba? Oh my ghad.
baby ko
baby ko
baby ko
baby ko
baby ko
baby ko.
Mas humigpit na lang ang yakap ko sa kanya. Sarap ulit ulitin nung sinabi niya.
Wala kaming pasok ngayon sa school man o sa work pero umalis si Rad dahil may pupuntahan daw siya at gagabihin siya. Mamayang gabi na lang daw siya magcecelebrate.
Then I guess, today is a good day para sabihin na sa kanya kung gaano ko siya ka-gusto.
May kumatok sa pintuan kaya naman binuksan ko iyon at nakita si Jovs.
"Napadaan ka?" tanong ko.
"Di ko na kaya, help me get her." saad niya.
She told me her plans so umoo na lang ako... Wow sabay pa talaga kami? Nawa'y parehas maging maganda ang resulta ng gagawin namin.