Chapter 15: I can't help it

2470 Words
MIKA Nakaupo lang ako sa sofa, nanonood ng napakaboring na palabas nang makita ko si Rad na pababa ng hagdan. As usual, yung suot niya eh as seductive as ever pero no, I'm very much prepared. Binato ko sa kanya yung jersey ko, ewan ko ba, parang gustong gusto niya isuot mga jersey ko. Natawa na lang siya at isinuot na nga ang jersey ko. Lumapit naman siya sa akin at umupo sa lap ko, hala ka. "R-rad a-a-ano ba yan. May upuan pa oh." ngarag kong sagot, I don't want to be this close to her. "I want to have fun." sagot niya kaya nanlaki ang mata ko. "A-ano b-bang pinagsasasabi mo?" Hindi siya sumagot pero pinulupot niya ang 2 kamay niya sa leeg ko. Nakaramdam nanaman ako ng kung ano sa tyan ko. Sabagay, di pa kami nagbbreakfast. "Ah, eh, Rad tayo ka na. Magluluto na muna ako." sabi ko ng hindi siya tinitignan. "I want something new." bulong niya sa tenga ko, para akong nakuryente sa pagdampi ng labi niya sa tenga ko. "W-wala n-naman tayong ingredients sa ref eh." sagot ko. Tumawa naman siya kaya nagtaka ako. Kunot noo ko siyang tinignan, mata sa mata. "Mika?" "Hmm?" "I want you for breakfast." bulong niyang muli at kinagat ang tenga ko. Hindi ako makapagreact, hindi ako makagalaw sa narinig ko. Naririnig ko lang ang malakas na pintig ng puso ko. Pwede bang mag sign of the cross? Palapit na ng palapit ang labi niya sa labi ko. Napapikit ako... "Mika?" "Mika??" "MIKAAAAAA!" Napamulat ako ng mata, thank G, panaginip lang pala. Ilang beses ko na siya napapanaginipan at ang lala nung ngayon ha. Pero mas awkward yung nakita kong pwesto. Nakahiga ako and she's on top of me, smiling weirdly. "Sinong napapanaginipan mo ha?" tanong niya. "W-wala k-ka n-na d-dun." sagot ko habang nakatakip ang kamay ko sa bibig ko. Nakakahiya eh. "Nakanguso ka na eh, may ka kissing scene ka noh?" tumawa siya at dumagan sa akin. Bakit ba kasi hindi ko nilock yung pintuan ko kagabi? Napapikit na lang ako ng mariin, nakakahiya. Siya kasi yung nasa panaginip ko, ang awkward kung sasabihin kong ''meron, ikaw" diba? "Alis na jan." sabi ko. "Buhatin mo ako." "Yoko, ang bigat mo." "Please." At para matapos na ang pagtatalo ay pumayag na lang din ako. Kasabay ng pagbaba namin ay ang pagkatok sa pintuan, mabuti na lang at sinuot ko kay Rad yung jersey ko, kaya kahit nakapasan siya sa akin ay binuksan ko na din ang pinto. "Good morning!" nakangiting bati sa akin ni Ara. "Hi love birds." bati ni Den kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Nakita ko sila Ria at Bea, papunta din ata sila dito." dagdag ni Ara. "Ginawa niyo ng carenderia yung dorm namin, mas malala pa, libre pagkain niyo dito." pagrereklamo ko at bumaba na si Rad sa pagkakapasan sa akin. "35 lang oh, mura na yan. Presyong kaibigan." sabi ni Rad na nagpatawa sa amin. "We're hereeeeee!" sigaw ni Bea. "Malamang, nakikita nga namin diba?" pagtataray ni Den. "Ate Arss, bat masungit si ate Den? Di mo pinagbigyan kagabi noh?" tanong ni Ria.  Bigla namang sinabunutan ni Den si Ria, ayan kasi and bibig di mapigilan haha. Nang makapagluto na ako ay kumain na din kami agad. Binigyan naman ni Ria si Rad ng chocolates. "Ate, good morning pala pero mas maganda ka pa sa umaga." kinilig naman siya sa sarili niyang banat kaya natawa kami. "Akin na yan, sakin muna dadaan lahat ng manliligaw at nagkakagusto kay Chel." sabi ni Den at nilantakan na yung chocolate. "Bilisan niyo na, may meeting pa kayo diba?" sabi ni Rad. Binilisan na nga namin at sabay sabay ng nagtungo sa school, dumeretso na kami sa gym dahil nga mahalaga ang game namin mamaya, game 2 na ng finals at talo kami ng game 1 kaya kailangan naming bumawi. Nagshooting drills lang kami bago binigay ni coach ang game plan namin para mamaya. Lahat kami ay gustong manalo. Gustong gusto namin. Nanghinayang ako na hindi makakapanood si Rad ngayon pero gagawin ko na lang yung best ko para may game 3. To: Dyosa ng buhay ko Queen Tamaraaawwwww! I promise you, may game 3 :) do well sa work and sunduin kita mamaya. Nagtungo na kami sa venue, this is it. Lez go Tams ***** RACHEL Game 2 na ngayon ng finals pero hindi ako makakanood dahil absent yung isang employee kaya nakiusap sakin si mam na ipagpaliban ko muna ang panonood ko. Nagtext si Mika at nangangakong may game 3, I smiled, sana nga. To: Mika Labanos Matagal na akong hindi ang Queen Tamaraw haha, anyways Galingan mo Baby tamaraw! Lez go Tams! :) Sabihin mo din kanila Ara na galingan nila. Simula nang matapos yung game ay nagchecheck ako ng phone ko every minute, pero hindi pa rin siya nagtetext. Hindi naman din sumasagot ang magagaling kong kaibigan kaya wala talaga akong balita. From: Mika Labanos Queen :( Kinabahan ako sa text niya... Pleas tell me you won... Baby Tams, what happened? Hug me :( Aww huuuug. :( We're going to game 3 my queen! :) "Yes!" nasabi ko ng wala sa oras kaya napatingin sakin ang mga tao sa cafe kaya agad akong humingi ng pasensya at nagulantang ko ang buhay nila haha. Congrats baby Tams! Kami ni Ria, naispired dahil sayo hahahah yieee. Yieeee. Baliw! Anyways, uwi muna ako sa dorm bago kita puntahan. Okay! Back to work na muna ako. :) Ingat! Nakibalita naman si mam kung panalo daw ba sila Mika, talaga to si mam, feeling ko crush niya si Mika haha. Iba talaga ang baby tams ko. At dahil nga may game 3, sarado ang shop haha. Basta daw bigyan siya ni Mika ng ticket, ayiee mam, ikaw ha. Nang matapos na kami makapaglinis at nakapagsara na din ay wala pa ding text si Mika, I tried calling her pero hindi ko macontact. Marahil ay nakatulog na din siya sa pagod. I decided to go home na din dahil 12:30 na at antok na antok na ako buti na lang at 10 pa ang pasok ko. I noticed someone's following me, I stopped para lingunin kung meron nga ba talaga, pero wala akong nakita kaya nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. I heard those little footsteps kaya kinabahan ako, bakit ngayon pa na hindi ko macontact si Mika. I had no choice but to run, at ayun na nakita kong may sumusunod na talaga sa akin at tumatakbo na din ito. Wala man lang akong makitang pwedeng tumulong sa akin. "Holdap to, akin na bag mo." "K-kuya please, pang tuition ko po ito next sem." sabi ko dahil kakabigay lang ni mam ng sahod ko, s**t kung makukuha ito ngayon, magagalaw ko yung ipon ko para may pang baon ako. "Wala akong paki! Akin na pera mo!" sabi niya habang nakatutok yung kutsilyo sa likod ko. At dahil bida bida ako, hinawi ko ang kamay niya at sinipa siya sa balls saka nagtatatakbo. Mahina ata yung pagkakasipa ko dahil patuloy niya pa din akong hinahabol, this time bakal na tubo na yung hawak niya. Nagdasal na lang ako habang tumatakbo, jusko. Di ko alam kung malas ako o lampa lang talaga dahil nadapa ako. Ihahampas na sana niya sa akin yung tubo nang may biglang yumakap sa akin at tinamaan ito sa kanang balikat niya, yung nagligtas sa akin one time, naka strawberry mask pa din siya.... Napangiwi siya, syempre masakit yun eh. Tumayo siya, at mukhang bubunot ng kung ano sa likuran niya kaya tumakbo na yung holdaper, nagulat naman ako ng panyo lang ang binunot niya, ang talino. I saw blood dripping, I'm not friends with blood, the next thing I knew was nakauwi na ako sa dorm. Hindi ko na kinuwento kay Mika ang nangyari dahil ayokong mag alala siya, lalong ayoko sisihin niya ang sarili niya lalo't hindi naman niya ako responsibilidad. ***** MIKA Winner takes all, yan na lang ang naisip ko. Kalaban namin ang defending champs, ang National University. "Ye, eto na, konti na lang." sabi sakin ni Ara. "Baby tams! Kayang kaya niyo yan!" sigaw ni Rad na nasa likod ko, napangiti na lang ako. "Ayieee baby tams." pang aasar ni Ara. "Huy, wag ka nga." sabi ko kasi kinikilig ako, crush ko eh. "Landi mo baby tams haha." "Ihhhh wag kasi." sagot ko at naramdaman ko na lang ang pag init ng pisngi ko. "Tumayo ka na jan, at kailan ka pa nag shoulder support?" kunot noo niyang tanong. "Ngayon lang." sagot ko. Nag warm up na kami, at shet lang, ang sakit ng balikat ko. Buti na lang at marunong ako magshoot sa kaliwa. "Ano bang nangyari sayo?" tanong ni Jovs. "Di ko din alam. Uyy, galingan mo ha." sagot ko sa kanya at niyugyog yugyog siya. Nagsimula na ang game at sobrang dikit ang laban, di ko alam kung sinasadya ng mga players ng NU banggain yung balikat ko, ang sakit ha, kutusan ko kayo isa isa eh. May play ang NU na nakafocus sa akin, lahat tama sa balikat ko, siraulo tong mga to. Nilabas naman ako ni coach at tinanong kung okay pa ako, sabi ko namemersonal sila. "Baby tams!" "Queeny." "Kaya niyo yan, sampu lang yan." nakangiti niyang sabi at para bang nagradiate lahat ng optimism niya sa akin. "Oo naman, hindi ko sasayangin panonood ng queen tamaraw. I'll make you proud." sagot ko at kinindatan siya. Unti unti naman naming nabawasan ang lamang ng NU, 1 na lang ang kalamangan nila pero 5 secs na lang ang natitira. Full court press pa ang depensa nila. Si Ria ang nag inbound ng bola, nadala ni Ara hanggang half court bago ipasa sa akin dahil na trap siya. Shit ang layo ko pa. Bahala na. At dahil aabutan kami ng oras, ibinato ko na yung bola gamit ang kanang kamay ko. Pagkahagis ko, ay nakarinig ako ng kung ano sa balikat ko, at naramdaman ko na ang sakit. Napahiga na lang ako. "Reyes for the game winning shot!!!!!!" "Woooooooh!!!!!!!" "Pre ang galing mo! Panalo tayo!" "You saved our asses broooo." Rinig kong sabi nila pero nakahawak lang ako sa balikat ko at umiiyak, sobrang sakit. "Ye!" "Ate..." "Tabi dyan!" si Jovs. "Anong nangyari sayo?" "Ang sakit ng balikat ko." sagot ko. Tinulungan naman niya ako tumayo, hinanap muna ng mata ko si Rad, tinanong niya ako kung okay lang ako, I faked a smile and mouthed 'I'm fine'. Agad akong sinuri ng team doctor, maigi na lang at minor injury lang. Kailangan lang daw i-cast for atleast 2 weeks. Tinape muna ang shoulders ko at inilagay sa sling para hindi na magalaw. "And our 2017 champions! The FEU Lady Tamaraws!" "Woooh!!!" "And for our Finals MVP, who do you think??" "GONZAGAAAAAAAA!!!!" "GALAAAAANGGGGG!" "DE LEONNNNN!!" Napailing na lang kami, daming fan girls ng tatlong to. "Your 2017, Finals MVP, Mikaaaaa Reyesssss!" Kinuyog naman ako bigla ng mga kateam ko, umamba ako ng suntok kasi yung balikat ko nasasagi nila. "You deserve it, kung di dahil sayo di tayo mananalo." nakangiting sabi ni Jovs. "I'm sharing this with you, sayo naman ako natuto eh." sagot ko at ginulo na ang buhok niya. "Congrats Ate Ye." "Congrats Ye!" After ng ceremony ay agad naman akong dinala sa hospital para macast at sumunod na lang din ako sa team dinner, syempre may tagasubo ako haha. "Salamat Ara ha." "Ano ka ba, lab kita eh. Pakiss nga." sagot niya at ngumuso na. Ngumuso din naman ako at binato naman kami ni Ria ng kung ano. "Hindi bagay." sabi niya. "Bakit? Gusto mo ikaw? Oh sorry na wag ka na selos." inabot naman siya ni Ara para ikiss, mga abnormal eh. Puno ng tawanan at kulitan ang nangyari sa team dinner, hinatid naman ako ni Ara. Nandun din kasi sa dorm si Aby at Den. "Ye, okay ka lang?" bungad sa akin ni Den. "Ah oo, minor injury lang naman." sagot ko. "Oh siya mauuna na kami, bye Chel." sabi ni Aby at nagpaalam na. "Queeny." sabi ko at pinakita ang finals mvp award ko. Yumakap naman siya sa akin. Dug dug dug dug. "Okay ka lang ba?" tanong niya. "Okay lang ako, para sayo." sabay abot ko ng trophy na ikinataka niya. "I promised you diba, na may game 3 at ipapanalo ko. You are my inspiration kaya sayo to." ngiti kong sabi. "Psh dami mong alam baby tams." sabi niya at ginulo ang buhok ko. ----- It's been 3 weeks simula ng macast yung braso ko, hindi pa siya naaalis dahil sabi ni doc extended ng another 2 weeks. Alagang alaga nga ako kay Rad eh. Siya na ang nagluluto kaya 3 linggo na din kaming puro prito hahahaha, maliban na lang kung bibili siya sa labas. Dahil may bonus kami, nagpapalaundry na lang kami, nakakahiya kung siya pa maglalaba ng damit ko diba. Kahit naman hindi ako makapagwork ay sinusundo ko pa din si Rad, mahirap na... "Ye." "Bakit?" "Tara." "Ha? Wala ka bang work?" "Wala, day off." napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya, day off? Di naman uso samin yun. Lumulan na kami sa kotse ni Ara, kasama pala namin sila. Hindi ko nga alam kung saan kami pupunta eh. Nang makarating kami sa isang cliff, namangha na lang ako sa view. City lights sa baba tapos sobrang daming stars ngayong gabi. "Anong meron?" tanong ko. "Wala, you deserve this after working so hard." sabi ni Rad at hinawakan ang kamay ko. TAKE NOTE: As in holding hands mga bes! Nagpatay malisya na lang ako, nakikita ko naman din tong ginagawa niya kay Aby at Den, minsan nga ay kay Ara pa. Ang daming alitaptap sa paligid, ang ganda pagmasdan. Humuli ako ng isa at humiling. Let me protect her at all cost. Hinipan ko na ito at hinayaang muling magbigay ilaw sa kapaligiran. Humigpit naman ang hawak ni Rad sa kamay ko. "Enjoy the night, kanila Den muna ako." sabi niya at nginitian ako. Tumango na lang ako at pumunta na sa tabi ni Ara na nakangiti habang pinagmamasdan si Den.  "Mahal na mahal mo talaga noh?" tanong ko sa kanya. "Sobra." all smiles niyang sagot. "I'm glad na naglet go ako, nakikita ko kasing mas mahal mo siya and masaya naman siya sayo eh." saad ko. "Nakikita mong mahal na mahal ko si Den pero hindi mo makitang mahal mo na siya." sabi niya na nagpakunot ng noo ko. "Masaya ka bang nakikita siyang masaya?" tanong niya. Tumungin ako kay Rad na ngayo'y libang na libang sa panghuhuli ng alitaptap. "Oo." sagot ko. "Ayaw mo ba nasasaktan?" "Ayoko." "Gusto mo ba siyang makitang napapasaya ng ibang nagkakagusto sa kanya." "Ayoko." "Wala akong pangalang binanggit pero may pumasok sa isip mo, alam mo? May tama ka na." sabi ni Ara, ngumiti lang ako. I can't deny it anymore. Wala akong ibang niloloko kundi sarili ko. "Ara, I'm screwed." sabi ko. "Saan?" "I can't help it anymore." "Ang alin ba???" naguguluhan niyang tanong.  Ngumiti ako, yung sobrang sayang ngiti, na pati yung puso ko feeling ko nakangiti na din dahil sa wakas... Sa wakas naamin ko na sa sarili ko. "I'm falling inlove." saad ko habang nakatingin kay Rad. Hinampas hampas naman niya ang braso ko, dinaig pa ang ibang babae sa kilig eh. Buti na lang at nasa may kaliwa ko siya, baka maituktok ko sa kanya yung cast ko kung nagkataon.  "Kilig si ako bruh." sabi niya. "Di bagay sayo." sagot ko at kinutusan siya. Ang sakit kaya ng mga hampas niya. "Grabe, kung chocolate si Chel kanina pa natunaw yan sa kakatitig mo." komento niya. "Gusto ko siya palaging makita, may mali ba dun? Ayoko ng ialis yung paningin ko sa kanya." sagot ko. "Malala ka na talaga." Tumingin si Rad sa gawi namin at nginitian ako, kaya ngumiti rin ako pabalik. Alam ko hindi ko lang siya simpleng gusto.... "Mahal ko na talaga, mahal ko na si Rad."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD