Chapter 14: I'm not Jealous, Aren't I?

1422 Words
MIKA "Anong problema mo?" tanong ni Ara sa akin. "Wala." sagot ko. Since that night na tabi kami matulog, naging mabait na sa akin si Rad. Oo gustong gusto kong tigilan niya na ang pambubully niya sa akin pero ewan ko, ewan ko talaga. "Malala ka na ate Ye. Parang isang linggo ka ng ganyan." sabi ni Bea. "Ha?" "Yung kanin ginagawa mong spaghetti, kanina mo pa iniikot jan yung tinidor mo." sagot ni Bea. "Ha?" "Ano ba nangyayari dito sa kaibigan natin?" sabi ni Ria. "Ano bang problema niyo?" tanong ko at kinuha yung bote malapit sa akin at ininom. Ayy grabe! Hot sauce pala iyon! Nagsitawanan naman tuloy ang mga kasama ko at agad kong pinag iinom ang mga tubig nila. "Ayan, iniisip mo nanaman ba ang dyosa ng buhay mo?" napakunot naman ang noo ko. Simula nang pumasok siya sa isipan ko, hindi na siya umalis. "Tigilan niyo ako, asan na ba si Jovs?" tanong ko. "Ang kulit, may lakad nga. Deretso na nga siya sa venue ng game natin mamaya eh." kamot ulong sagot ni Ara. "Lagi na lang wala eh." "Aww tampo na kay bestfriend." Napailing na lang ako at kumain. Nakatingin kasi ako sa kabilang sulok kung nasaan si Rad, kasama niya si Aby at Den atsaka isang lalaking maputi din. Nak ng sino yun? "Sino kasama nila Ate Chel?" tanong ni Ria. Buti na lang crush niya si Rad kaya interesado siya. "Ahh. Manliligaw niya." sagot ni Ara. "Ano?!" sabay naming sabi ni Ria. Tinignan naman ako ni Ara ng nakakaloko. Di ko na lang siya pinansin, miski ako nagulat sa reaksyon ko. Bakit hindi ko alam na may nanliligaw na kay Rad? Nawalan na ako ng gana kumain, parang mas gusto ko na lang umalis sa lugar na 'to. Tumayo na ako at nagpunta na sa room ko pero sa kasamaang palad kaklase ko nga pala si Rad. Hinatid din siya nung lalaking hilaw. "Mark dito na ako." rinig kong sabi ni Rad. "Sige, so uhm see you later?" tanong nung Mark.  Tumingin naman sa akin si Rad pero agad akong umiwas ng tingin, ewan ko din ba anong problema ko sa buhay. Syempre chismosa na din ata ako, muli akong sumalyap at nakita kong bumeso yung Mark. Hala pare bawal yun, bilis mo ah, ninja ka ba? Umupo na si Rad sa likod ko at kinalabit ako. Hindi ako lumilingon, pero dahil ang kulit niya wala naman na din akong ibang nagawa. "Oh? Problema mo?" tanong ko sa kanya. "Hala ang sungit, meron ka ba?" "Wala." sagot ko at binatukan niya ako. "Ano ba?!" reklamo ko. "Ano? Bat mo ko iniirapan? Inaano ka?" taas kilay niyang sagot pero kumunot noo lang ako. "Anong oras game niyo? Manonood kami." dagdag niya. "2nd game kami." sagot ko. Hindi na siya muling nagtanong pa. Mabilis kong tinapos ang quiz ko, ang arte kasi ng prof naming masungit. Ayaw akong payagan na mag special quiz. Hindi na ako nagreklamo, baka ibagsak pa ako, mahirap na. "Ate Ye!" sigaw ng kakampi ko at naramdaman ko ang bola sa likod ng ulo ko. "Ano ba yan Ye, focus naman." sabi ni Ara. "Ano ba iniisip mo ha?" tanong ni Jovs pero umiling lang ako. Kanina pa kasi dapat andito sila Rad, sabi niya manonood siya eh. "Darating din yun." sabi ni Ara with matching taas baba kilay. "Ewan ko sayo." Nagsimula na ang game, feeling ko nga mababali na yung leeg ko kakapalinga linga, pero wala pa din akong nakitang hilaw na german. "Here's the darling of the crowd! Mikaaaaa Reyesssss!" sigaw nung announcer na nasa may committee, naghiyawan naman ang tao. "Fan favorite, lakas naman. How to be you po?" sabi ni Bea at tinusok tusok ako. "Wow, galing talaga sayo? Napaka chick girl mo kasi, makalaglag panty yung ngiti." saad ko. "So nalaglag panty mo?" tanong niya na dahilan para magsalubong ang kilay ko. "Kilabutan ka Bea." Nagpatuloy na ang laban, pucha. Ang pangit ng laro ko. Nakita ko na si Rad, pero nakaakbay sa kanya yung Mark. Kuya, kanina lang kita nakitang kasama si Rad tapos kung makaakbay ka wagas? Sipain kaya kita sa balls nang matauhan ka ha? O kaya suntukan na lang? Kahit sino ipantapat dito sa WBT eh di hamak na mas gwapo pa sa Mark na yun. "Huy!" "Ay Mark!" "Ayusin mo naman, para kang wala sa sarili. Ganito na lang, wag mo muna isipin yang iniisip mo. Pag hindi ka pa umayos, ikaw taya sa lunch ng isang linggo." sabi ni Jovs. "Aba, oh game na! Tara na! Depensa!" sigaw ko, ayoko maglibre noh. Kinalimutan ko na ang nakita ko, hindi na ako muling tumingin sa gawing iyon. Dikit ang score 51-52 lamang sila. Last 15 seconds nalang. Si Jovs ang nagbaba ng bola, ipinasa niya kay Ara, 12 secs.  "Go Mika Reyessssss! Woooh!" Bigla akong ginanahan, alam ko naman kung kanino galing yun. Kahit ba daan ang nanonood dito, maririnig at maririnig ko siya. Tumakbo ako papunta sa top, at dun ipinasa sa akin ni Ara ang bola, 9 secs. "Mika! Ikikiss ka ni Chel pag nanalo kayo!" sigaw ni Den dahilan para mapangiti ako. Nagdrive ako pakanan, 7 secs. Umikot ako sa kaliwa, 6 secs. Umikot ako muli pakanan, 5 secs. Nagpump fake ako na kinagat naman ng bantay ko, 4 secs. Pumasok ako sa loob, 3 secs. Tumalon ako, 2 secs. Dunk! 0.3 secs left. Naghiyawan ang mga tao, timeout ang kabilang team, ang sabi ni coach bantay lang ng maigi, at no fouls. Ganun na nga ang nangyari, panalo kami. Agad naman akong binuhat ng mga kateam ko, siraulo din eh. Si Ara naman ay inaasar ako, inspired daw. Syempre chineer ako ni crush diba. Crush lang ba? Nagtungo na kami sa dugout, at dahil pasok kami sa semis ay may team dinner kami, pinapasama na ni coach sila Rad, kilala sila, dumadaan kasi talaga sila sa gym pag may time kaya nakakakwentuhan din sila ni coach paminsan. Nauna ako umakyat sa shuttle, nakaupo na nga ako lahat lahat eh pero nang makita kong tatabihan ni Mark si Rad ay lumipat din ako at nagpatay malisya. Bale ako sa may window side, si Rad tapos si Mark. "Bakit?" tanong ni Rad. "Shh." at nag quite sign pa ako. Sumandal naman ako sa balikat niya nang maalala ko bigla yung sinabi ni Den. "Asan na kiss ko?" tanong ko na parang bata. "Seryoso ka ba?" balik tanong niya. "Sabi ko nga matutulog na lang ako eh." sabi ko at sumandal na lang sa bintana.  Hindi naman ako makatulog kasi ang landi ng Mark na 'to. Parang pag kumurap ako eh naka ninja moves na agad. Nakatulog na si Rad at napansin kong pasandal na ang ulo niya sa lalaking hilaw, agad ko namang ipinaling ang ulo niya sa gawi ko at isinandal siya sa balikat ko. Hindi ko na tinignan ang pagmumukha nung lalaking hilaw, nanggigigil lang ako. Wala namang friend yung Mark sa team pero ang kapal na mukha para sumama sa team dinner, ni as friend nga hindi siya belong eh. Tumabi pa kay Rad, sinubuan pa ito. Baldado ba? May kamay siya diba? Pabibo ang peg? "Umuusok ka na." sabi ni Ara. "Ha?" ngumuso naman siya sa gawi nila Rad, nasa harap kasi namin sila. "Selos ka noh." "What?! No way!" sagot ko. "Ay wow, akala ko sa loob ka lang ng court magaling dumepensa, ang defensive mo teh!" natawa na lang ako sa sinabi niya, hindi bagay sa kanya mag sabi ng teh. "Di ako defensive." "Okay, selos lang?" "I am not jealous." "Wow pare, english." Nagtawanan na lang kami at paulit ulit niya pang sinabi na nagseselos daw ako, hala. Anong kalokohan yun. Inihatid pa ni Mark si Rad sa dorm namin kahit paulit ulit kong sinabing wag na dahil kasama naman ako ni Rad pero ang kulit! Hindi ko alam kung ilang beses siya inire ng nanay niya at napakakulit niyang nilalang. Nauna na ako pumasok ng dorm. "Sure ka safe ka dito?" tanong ni Mark. Aba malamang! Tagal tagal na dito niyan, edi sana matagal ng may nangyaring masama kung hindi safe. Bopols! Di nag iisip! "Bakit naman?" tanong ni Rad. "Hindi ka ba ginugulo ni Reyes? Wala ba siyang masamang ginagawa sayo?" Ay wow talaga, alam mo Mark? Pabibo ka talaga. Mas safe pa sakin yan kesa sayo "Ang praning mo. Sige na, papasok na ako. Ingat pauwi." sabi ni Rad. Tumayo naman ako at saktong nakita kong hahalik ang kumag kay Rad. Binuksan ko ang pinto at hinatak si Rad saka ito sinara ng malakas. Hindi ako informed na hokage pala siya. Akala ko ninja lang. Hindi na ako tumingin kay Rad at kumuha na lang ng tubig. After kong uminom ay nag good night na din ako sa kanya at dumiretso na ng kama. From: Ara Bansot Selosa. HAHAHAHAHAHAHAHA. Anong sinasabi mo? Wala! HAHAHAH! AMININ MO NA YAN. BAKA MAUNAHAN KA PA! CAPSLOCK PARA INTENSE HAHAHAHA! Baliw! Itinabi ko na ang phone ko, pinilit kong makatulog pero hindi ako makatulog, nagpapaulit ulit lang sa ulo ko yung salitang selos. Selos? Ako? Magseselos? Bakit? Crush ko lang si Rad. Crush lang diba? Hindi naman ako nagseselos, diba? Wala lang to, dala lang to ng init ng ulo. Tama. Di ako nagseselos. Hindi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD