Chapter 13: Heavy rain and growing feelings

1242 Words
RACHEL Wala akong ibang magawa sa buhay kaya naman pinagtitripan ko na lang tong higanteng nasa harapan ko. Kinikiliti ko siya sa may batok niya. "Rad, wag kasi." "Eh gusto ko, bakit ba." "Nakikiliti ako eh." "Eh syempre kinikiliti kita! Magulat ka kung kinikiliti kita tapos umiyak ka diba?" sagot ko at napairap na lang, common sense dude. "May naiiyak naman sa sobrang kiliti ah." "Sobrang kiliti ba ginagawa ko sayo ha?!" Tiklop ang mokong. Dahil tinakpan niya na ang batok niya ay yung tenga naman niya ang pinagtripan ko, mamili siya, tenga kikilitiin ko o batok?! Hahaha. "Mika, pinapaabot ng fan mo." sabi ng kaklase namin kaya napatingin kami sa may pintuan. "Thank you!" sigaw ni Mika kaya tumili yung babaeng nagbigay ng regalo. "Woohoo! Lalaki na ulo mo niyan." komento ko. "Selos ka naman agad, ikaw lang sapat na noh." kumindat pa siya kaya tinampal ko ang noo niya. "Kahit ilan pang regalo matanggap mo, wala. akong. pake. okay?" sagot ko at kiniliti na lang ulit siya. Dumating naman ang prof namin pero sinisimplehan ko pa din ang pag kiliti kay Mika pag nakatalikod ang prof namin. Inis na inis na yung mukha niya pero hindi man lang ako mapagsabihan. Gusto ko na nga matawa kaso masungit prof namin. "Mika, madaming nag aabang sayo sa labas." sabi ng kaklase namin nang makalabas na ang prof namin. "Bakit daw?" tanong ni Mika pero nag shrug lang ang kaklase namin. "Crush ka ng mga yan. Mas bagay kasi sayo nakacontacts, mas malinis ka tignan. Tsaka mas gwapo ka." honest kong sagot. Totoo naman yun eh. "Oh namula ka na jan, pinuri ka lang ng crush mo namula ka na kaagad. Nako Ye." dagdag ko. "Basag trip ka talaga kahit kelan." sagot niya at lumabas na. Nagtititili naman ang mga fans niya sa labas, yung crush nila, ako kasama sa bahay, pinagluluto ako, pinapasan, wala eh dyosa haha. Mainggit sila ng sobra sa akin. Nagbubulungan pa sila nang kunin ni Mika ang dala kong libro, at doon ipinatong ang mga regalo sa kanya, mamatay kayo sa inggit haha! "Aray!" sigaw ko nang may bumato sa akin ng matigas na bagay. "Sino may gawa nun?!" kunot noo kong tanong nang ibalik ko ang tingin sa mga fans kuno ni Mika. "Salawahan ka! May Gonzaga ka na, may Reyes ka pa!" sigaw ng isa. "Manloloko!" "Two-timer!" "Malandi ka!" Napangiti na lang ako dahil sa sobrang inis. Una sa lahat, wala akong balak mag girlfriend. Pangalawa, kailan ko naging jowa ang isa sa kanila? Pangatlo, anong meron kay Jovelyn? Pang-apat wala naman akong nilalandi, inaasar meron. May binato pa yung isang babae ngunit agad itong nasambot ni Mika. "Kaibigan namin siya parehas, ang malisyosa niyo. Makita ko pang saktan niyo si Rad hindi niyo magugustuhan ang gagawin ko sa inyo." Napatingin naman ako kay Mika, never ko siya narinig magsabi ng ganun, yung tipong gagantihan, ngayon lang. "Eto na yung mga regalo niyo, salamat na lang pero kung bibigyan niyo ako ng regalo para masaktan ang kaibigan ko, hindi bale na lang talaga, salamat na lang." sabi niya at hinatak na ako. Hindi na nakaimik ang mga fans niya, miski ako. Hindi ko akalain talagang masasabi niya yun, hindi pa maabsorb ng utak ko, medyo nakakatakot siya pag seryoso. "Ye?" "Hmm?" lumingon siya sa akin, and parang walang nangyari kasi hindi na kagaya kanina yung mata niya. "Ah wala. Eto na yung room ko." nagitla din siya, marahil madaming iniisip. "Ah sige, may game pa kami mamaya, last game for today, ingat pauwi." saad niya. Nagpaalam na siya kaya naman ay pumasok na rin ako sa klase. Dumiretso na ako sa cafeteria pagkatapos ng klase ko. Biglang bumuhos ang ulan, malakas at mukhang hindi titigil anytime. Malas.  Bulalas ko nang makitang wala sa bag ko ang payong ko, so ano? Dito ako matutulog ganun? No way! 10 pm pa lang pinapauwi na ako ni mam, maaga na lang daw siya magsasara dahil nga malakas ang ulan at mas mahihirapan ako kung mamaya pa ako uuwi. Kaysa abutin ako ng siyam siyam ay inayos ko ang gamit ko. Binalot ko ng plastic ang mga mahahalagang bagay na hindi dapat mabasa at saka sinuong ang ulan. "Rad!" sigaw ng isang taong nakapayong. "Mika?" "Bakit ka nagpapaulan?! Paano kung magkasakit ka?!" "Kailangan ko na makauwi eh. Naiwan ko payong ko." Inabot naman niya ang isang payong sa akin. Kinuha niya ang bag ko at naglakad na papunta sa dorm. "Bakit pupunta ka pang shop?" tanong ko. "Nasa bag ko yung dalawang payong eh. Tapos biglang bumuhos yung ulan agad kitang naisip kaya aantayin na sana kita." paliwanag niya. "Magsasara daw ng maaga si mam kaya pinauwi na din ako." Hindi na siya sumagot at nang makarating kami sa dorm ay agad na din akong naligo dahil nabasa nga ako ng ulan. ***** MIKA Kasabay nang pagkawala ng ilaw ay ang isang malakas na kulog at malakas na hiyaw ni Rad ang narinig ko, kaya naman kinuha ko muna ang phone saka binuksan flashlight nito, very useful. "Rad anong problema?" Hindi siya sumagot, tinapatan ko siya ng ilaw. Ang mukha niya ay nasa tuhod niya na at ang dalawang kamay niya ay nasa tenga niya. Muling kumulog dahilan para sumigaw siyang muli kaya niyakap ko siya. "I'm here." saad ko habang sinusubukan siyang pakalmahin. "Matulog ka na okay? Dito lang ako hanggang makatulog ka." dagdag ko. Para siyang batang umiling iling. Ay wow, ang bullyng si Rad takot sa kulog at dilim. Muli namang kumulog kaya napayakap na siya sakin at umiyak, para namang akong natuod sa nangyari. Para ding may kulog sa dibdib ko. "R-rad, mag earphones ka na lang para hindi mo marinig yung kulog." suhestyon ko. Umiling iling siya habang nakayakap pa rin siya sa akin. Dahil ayaw niyang umalis sa pagkakayakap sa akin ay nilagay ko na lang ang legs niya sa may bewang ko at binuhat siya papunta sa kwarto. Mas malaki kasi ang kama doon, wag kayong ano. Naupo naman siya sa kama ko kaya kinuha ko ang gitara ko at tinugtugan na lang siya, wala naman akong music sa cellphone ko, radyo lang haha. Fingerstyle o plucking ng it might be you yung tinugtog ko para naman kumalma siya. Time, I've been passing time watching trains go by All of my life Lying on the sand, watching seabirds fly Wishing there would be Someone waiting home for me  Something's telling me it might be you It's telling me it might be you All of my life  Maigi na lang at hindi na kumukulog ngunit malakas pa rin ang ulan at wala pa ding ilaw. Napatingin ako kay Rad na nasisilayan ng konting liwanag ang mukha, nakatingin lang din siya sa labas, malayo ang tingin, malalim ang iniisip. Why am I being drawn to you? Why can't I bring my self to hate you sa lahat ng pangtitrip mo? Why can't I take my eyes of off you pag hindi ka nakatingin sa akin? I hate what I'm feeling... I looked away, hindi na ako muling tumingin, natatakot ako. Natatakot ako na baka nga.... baka nga nagugustuhan ko na siya. Hindi pwede lalo't walang pag asa. Maniniwala akong hindi ko siya gusto. Tama, hindi ko siya gusto. Nagpatuloy na lang ako hanggang sa matapos ko ang kanta, maigi naman at nakatulog na siya. Maybe it's you (it's you) Maybe it's you (it's you) I've been waiting for all of my life...  Nahiga na din ako at tumalikod na sa kanya. As much as possible ayoko ng titigan, o tignan siya. Tama, yun nga ang gagawin ko. Medyo nayanig ang mundo ko nang maramdaman kong yumakap siya mula sa likod ko, kaya pala may hotdog na unan to dahil gusto niyang may kayakap sa pagtulog. dug dug dug dug How can I sleep kung ganito naman na nag-uunahan ang dugo ko, may karera sa dibdib ko at halos marinig ko na ang bawat pintig nito. Naglagay na lang ako ng earphones at nakinig sa radyo, baka sakaling kumalma ako at makatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD