MIKA
Naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko at agad ko namang tinignan kung sino ang magtext.
From: Dyosa ng buhay ko
I'm off to work Ye! Galingan mo. Sorry hindi ako makakapanood. Alam ko namang kayang kaya mo yan. Aja!
Oh, wag kayong ano. Siya ang nagsave ng pangalan niya sa phone ko at nung one time na pinalitan ko yun at chineck niya ang phone ko ay nagalit siya at napingot ako. Hindi na ulit ako nangahas na palitan yun lalo na't chinecheck niya talaga ang phone ko. Daig pa ang nanay eh.
"Ngiting ngiti ah!" komento ni Ara at sinuntok ako sa braso.
"Chismosa." sabay layo ko sa kanya ng phone ko.
Hindi ko namalayang andun pala si Bea kaya nakuha niya ang phone ko. Pinagsigawan lang naman niya na nagtext ang dyosa ng buhay ko. Buti at naagaw ko na bago pa nila mabasa yung message. Kinutusan ko naman silang dalawa, maigi at kami na lang ang naiwan sa dugout, lumabas na kasi yung iba dahil nanonood sila ng first game.
"Uy sino yan ha? Sumbong kita kay ano." pagbabanta ni Ara. Kung alam mo lang, iisa lang sila ng pagsusumbungan mo.
"Wala ka na dun. Napakachismosa niyo." sagot ko at nag compose na ng irereply ko.
To: Dyosa ng buhay ko
Oo naman :) Punta ko jan after game. Behave! Hahahaha!
Itinabi ko na ang aking phone at lumabas na din ng dugout.
Dikit ang laban, Si Ria ang sentro, kami ni Bea ang forward at si Ara at Jovs ang nasa guard, kalagitnaan na ng laro at nagkakainitan na din ang mga players. Nakita kong nagkakapikunan na si Jovs at ang captain sa kabila kaya agad ko silang hinarang kaso mo naman, dahil bida bida daw ako eh binato ako ng bola sa mukha ng isa player.
Shit. Pare solid!
Nadamage ang salamin ko. Nagkaroon ng lightning effect yung isang lens. Nanlumo ako dahil wala naman akong pambili ng bagong salamin at lalong wala akong pampalit dito.
"Ate Ye, okay ka lang?" tanong ni Bea.
"Okay lang, nabasag lang salamin ko." saad ko at napa buntong hininga na lang.
"Siraulo yun ah." nag amok naman si Bea kaya agad kong pinigilan at binatukan.
"Dadagdag ka pa eh." sabi ko.
I had to sit down, hindi ko makita ng maayos yung mga kakampi at kalaban ko. Ang ending tuloy, natalo kami.
"Sorry..." sabi ko kay Jovs nang makalabas kami sa dugout.
"Ano ka ba Ye, kasalanan ko. Sorry." sagot niya.
"Dapat kasi di na ako umawat eh noh." natatawa kong saad kaya binatukan niya ako.
"Baka kung di mo ako inawat nasuntok ko na yun. Masususpend pa ako next game." sagot niya.
Naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko kaya agad ko ding chineck.
From: Dyosa ng buhay ko
Kamusta game niyo?
Ayun talo :( nabasag pa salamin ko.
Okay naman mata mo? I mean hindi ba natalsikan ng bubog or what?
Okay naman. No worries, may lightning effect lang yung lens haha.
Maigi naman. Ingat pauwi!
I will :)
Ibinulsa ko na din ang phone ko at sumakay na ng shuttle, katabi ko si Ara. Hindi ko alam kung bakit ako kinukulit nito. Crush ata talaga ako ng kumag na to.
"Pst, sinong dyosa ng buhay mo?" pangungulit niya.
"Secret, walang clue." sagot ko.
"Ang damot mo, bago mong chicks?" natawa naman ako, ginawa pa akong babaero.
"Wala akong chicks noh." sagot ko.
"Weh? Pinagpalit mo na agad si Chel, di ka pa nga umaaming gusto mo."
"Hoy, h-hindi ko siya g-g-gusto noh."
"Mamatay ka man ngayon?"
"Mamatay man."
"Keep denying kahit halatang halata ka na." bulong niya na hindi ko naman narinig.
Hindi ko na lang siya pinansin at nang makarating kami sa school ay agad na din akong nagpunta sa coffee shop.
"Hi mam." bati ko sa manager namin.
"Oh Ye, bakit pumasok ka pa? Hindi ka ba napagod sa game niyo?" tanong niya.
"Uhm kasi mam di ko naman pwedeng hayaan umuwi yan mag isa." turo ko kay Rad na busyng busy sa pagpupunas.
"Kayo na ba?" nagulat naman ako sa tanong ni mam.
"Ayy hindi po mam." nakangiti kong tugon.
"Pero bagay kayo, ligawan mo na." natawa naman ako.
"Mam, friends lang po kami niyan." kamot batok kong sagot.
Dumating naman si Den kasama si Aby at may inabot kay Rad. Nagpaalam naman ako kay mam kung pwedeng makitulog muna sa gilid, pumayag naman siya.
"Mam gising na, sarado na po kami." rinig kong sabi ng kumakalabit sa akin.
Nag inat naman ako, at nakitang malinis na yung shop. Nagpaalam na kami kay mam at nagsimula na din maglakad pauwi. Dahan dahan lang ako maglakad, dahil nga sira ang salamin ko.
"Aww." napahawak ako sa noo ko, dahil kaka tingin ko sa daraanan ko ay hindi ko na pansin yung kahoy.
"Ano ba yan. Di nag iingat." galit niyang sabi.
"Sorry naman." sagot ko.
Nagitla naman ako nang hawakan niya ang kamay ko, heto nanaman tayo, may nagkakarera nanaman sa dibdib ko.
Kalma heart, bat ka ba nagmamadali? Wala naman tayo karera, hinawakan lang naman yung kamay ko para hindi tayo mabunggo ulit. Kalma na please, ayoko talaga... Hindi ko siya gusto diba? Hindi Hindi.
Paulit ulit kong sinabi iyon sa sarili ko. Nakaramdam na lang ako ng pagtampal sa noo ko, hindi ko namalayang nasa dorm na pala kami.
"Matulog ka na. Good night." sabi niya.
Bago pa ako makasagot ay napagsaraduhan na ako ng pinto. Good night.
Nang mapatingin ako sa orasan ko ay Alas siete na. Alas otso ang pasok namin ni Rad kaya nagmadali na akong bumaba, medyo nadulas pa ako sa hagdan.
"Ano ba yan? Mag ingat ka naman. Bakit ka ba nagmamadali?" kunot noo niyang tanong.
"Magluluto pa ako ng ulam mo." sagot ko habang hawak hawak ang balakang ko at nagtungo na sa kusina.
"May ulam na." sagot niya.
Pagtingin ko sa lamesa ay meron na nga! Nagpabalik balik ako ng tingin kay Rad at sa ulam. Kahit malabo ay hindi ako makapaniwalang nakapagluto siya.
"Kumain ka na, baka malate ka. O baka naman gusto mong paliguan ka pa?" kahit pa malabo ang mata ko ay naaninag ko ang pilya niyang ngiti, siraulo talaga.
"Tigilan mo ko Rad ha." sagot ko sa kanya.
"Di pa nga ako nag uumpisa tigil agad?" at tumawa naman siya ng malakas.
Napailing na lang ako at kumain na, medyo sunog pa yung niluto niyang hotdog pero pwede na.
After ng morning rituals ko ay dahan dahan na din akong bumaba, baka madulas nanaman ako eh. Naabutan ko naman si Rad na prenteng nakaupo sa sofa.
"Oh, isuot mo. Baka madapa ka pa." sabay abot niya ng kung ano.
"Ano to?"
"Edi buksan mo" sabay inirapan ako.
Binuksan ko naman ang binigay niya, isang contact lens.
"Hala, wala akong pang bayad dito." saad ko.
"Pinapabayaran ba ha?" masungit niyang sagot.
"Thank you." kamot batok kong sagot. Bawal naman ako magreklamo eh. "Uhm Rad?"
"Oh?" nakakunot na agad ang noo niya, ano ba yan.
"H-hindi ako marunong mag lagay eh." nahihiya kong tugon.
"Upo."
Umupo naman ako. Kinuha naman niya yung isa at inilagay na sa mata ko. Infairness ang bango niya, ang puti, ang pula ng lips. Ganun din ang ginawa niya sa kabila.
Hindi pa siya agad umalis sa harap ko. Nakalock yung dalawang kamay niya sa magkabilang gilid ko kaya napalunok na lang ako ng laway nang titigan niya ako.
Wag po, marupok ako. Charot.
"A-alis na. M-malelate n-na tayo." utal utal kong saad. s**t.
"May time pa tayo." sabi niya which sounded so sexy.
"R-rad a-ano b-bang g-ginagawa mo?"
She bit her lower lip. Damn. Inilapit naman niya ang mukha niya, ako naman ay pilit na lumalayo. Bakit ganto? Noon pa naman niya ako ginaganito pero ngayon lang ako nakaramdam ng kung ano sa dibdib ko. Parang gustong lumabas ng puso ko.
Sagad na yung pag iwas ko, inilapit niya pa ang mukha niya at lumapit sa may tenga ko. Nakikiliti ako sa pagdampi ng hininga niya sa tenga ko jusko. Pwede ko bang itulak tong babaeng to? Ayoko talaga ng nararamdaman kong nagrarambol sa tyan ko.
"Aray!" sigaw ko dahil kinagat niya ang tenga ko at tumayo na.
"Ang cute cute mo talaga pag pinagtitripan ka." natatawa niyang saad.
"Psh crush mo ko noh?!"
"Talaga ba? Namumula ka nga kanina eh, siguro may gusto ka na sakin?" at ngumiti siya ng nakakaloko.
"A-asa k-ka!" sagot ko na ikinatawa niya.
"Anyway, you look cuter sa suot mo. Pasok na tayo." saad niya.
You look cuter...
"Oh wag lumaki ang ulo ha? Saka ko na sasabihin ang gwapo mo lalo sa contacts mo kasi you know, baka lumipad ka sa sobrang laki ng ulo mo." dagdag niya pa.
Ang gwapo mo lalo...
Hindi ko alam, pero parang ang high ng nararamdaman ko. Para ata akong nakadrugs sa mga sinabi niya.
Hindi ko alam na natulala ako sa sinabi niya, hinawakan niya ang kamay ko at hinatak ako. Lalo ata akong nawala sa wisyo sa ginawa niya. Ang lambot sobra ng kamay niya.
Ang sarap hawakan,
nang pang matagalan.
I tried to compose myself. Stop thinking about her Ye, you can't. She's straight and wala kang pag asa. So hindi...
No..
Never kang maiinlove kay Rad...