Chapter 11: I think she's falling for her

1394 Words
MIKA Nagwawarm up na kami nang makita ko si Rad na dumating sa venue, start na kasi ng UAAP at first game namin ngayon. Agad ko naman siyang nilapitan. "Asan si Aby at Den?" tanong ko. "Nag-CR lang. Galingan mo ha. Pinapanood ka ng crush mo kaya dapat ikaw ang player of the game." natatawa niyang biro. "Mas inspired yung isa, pinapanood ng girlfriend niya eh." sabay turo ko kay Ara. "Balik ka na dun. Pagalitan ka pa ng coach mo, lumalandi ka nanaman." natawa na lang ako sa sinabi niya, ang kapal naman talaga. Bumalik na ako sa pagwawarm up, hindi pa kami kasama ni Ara sa first 5, mas maganda daw work namin ni Ara kung magkasama kami, kaya kami ang spark off the bench. Nagsimula na ang game, ang best friend ko ay umarangkada nanaman, 8 points in 3 minutes. Walang nakakalusot na bola sa paint area dahil kay Ria at Bea, ang lakas ng depensa. Ipinasok kami ni Ara nung 3 minutes na lang ang natitira sa first quarter, walang nagbabantay sa akin. Sino ba naman gusto magbantay sa nakasalamin at mukhang lampa diba? Baka naisip nilang matangkad lang ako haha. "Ayaw ka bantayan pre, pakitaan mo nga." natatawang komento ni Ara nang pababa na kami para sa opensa. "Kalma, papakitaan natin yan." sagot ko kay Ara. 21-4 na ang score, last minute na, nagdrive si Ara papasok. Nagbackdoor cut naman ako at inihagis niya sa ere ang bola. I jumped to catch the ball and hammered it down. Natahimik bigla ang crowd. May violation ba akong nagawa? "Woah! Did we just saw a girl dunk?!" "That was AMAZINGGGG!" "REYES REYES!!" I heard the crowd chant. "Crowd favorite na ba?" nakakalokong asar ni Ara. "WAG LUMAKI ULO OY!" napalingon ako saan galing yung boses, si Rad pala. Loko loko talaga. Natukso nanaman tuloy ako ni Ara, hindi pala niya alam na manonood din sila Rad.  "Inspired pala yieee." sabay sundot niya sa tagiliran ko. "Sira ka." umiling iling pa ako. "May paticket pa, yieee." natawa naman ako sa sinabi niya. "Ewan ko sayo." Natapos na nga ang laban namin at player of the game kami ni Ara. 15 points, 7 rebounds, 3 assists ang stats ko at 13 points, 6 assists naman ang kay Ara. "Naks, player of the game." sabi ni Jovs. "Ang galing niyo ate." sabi ni Ria at nakipag apir sa amin ni Ara. "Shot na yan! Woohoo!" sabi ni Bea. "Teka tanungin ko lang si Aby kung pwede tayo sa kanila." sagot ni Ara. May tinawagan nga siya, at dahil sunday naman bukas ay pumayag si Aby na mag overnight dun. Wow, ang lakas naman ni Ara kay Aby. Tinanong namin kung sinong mga sasama, lahat naman sila umoo pero ako, si Ara, Ria at Bea lang ang mag oovernight. May lakad pa daw si Jovs bukas at yung iba naman ay nahihiya. Hindi na din kami namilit dahil syempre, hindi naman kami ang may ari ng bahay. Kinita namin sila sa labas na ng arena, at dahil malakas kami kay manong ay idinaan niya na kami sa bahay ni Aby. Ikikiss ko pa sana si manong bilang pa thank you kaso binatukan ako ni Jovs, napakaselosa naman ng bestfriend ko kaya siya na lang ang ikikiss ko. Hinalikan ko siya sa pisngi at agad naman niyang pinunasan hahahaha! Aba, lugi ba siya? "Kadiri ka Ye." pag reklamo niya. "Swerte mo nga eh, dami ngang gusto ng kiss ko tapos ikaw ayaw mo?" natatawa kong sagot. "Edi sa kanila mo ibigay kadiri." at pinupunasan niya pa din ang pisngi niya. "Wooh! Ang hangin! Kapit!" side comment ni Rad. "Epal mo." at inirapan ko siya. Nahahawa na ko sa kakairap niya sakin, very bad. Nang makapasok na kami ng tuluyan sa bahay ni Aby ay napakabehave ng iba naming teammates. Marunong din pala mahiya ang mga to. (play song kung gusto niyo ) Nakatingin lang ako kay Rad habang nag aayos siya ng kung anong kailangan namin nang makaramdam ako na may sumusundot sundot sa tagiliran ko.  "Matunaw yan uy." napalingon naman ako kay Ara dahil sa sinabi niya. "Anong pinagsasasabi mo?" kunot noo kong tanong. "Kako si Chel, baka matunaw. Kanina ka pa nakatitig eh." sagot niya dahilan para mag init ang pisngi ko, nakakahiya. "A-ano, h-hindi n-naman ah." sagot ko dahilan para matawa siya, too obvious Mika. "Ay talaga ba? Kanina pa kita napapansin, crush kita eh." biro ni Ara. "E-ewan ko sayo." Hindi ko na din maintindihan ang sarili ko, I want to see her smile yun lang ang alam ko. Naconscious tuloy ako bigla lalo na nang tinabihan ako ni Rad. Kanina halos hindi ko maialis yung mata ko sa kanya, ngayon naman na katabi ko na, hindi na ako makatingin. When I look at her, right into her eyes, I get lost inside. "Ye. Kain na." "A-ah s-sige." Tumabi naman sa kanya si Jovs at nakipagbangayan nanaman. Napailing naman ako at kumuha na din ng pagkain ko. Nilabas naman ni Aby ang magic sing niya at pinakanta kami isa isa, bawal daw hindi kumanta. Nakakahiya hindi naman ako marunong talaga kumanta. Maigi na lang at nauna sa akin kumanta si Bea at Ria, mas naboost yung confidence ko kahit papano. "Oh Ye, ikaw na." sabay abot sa akin ni Ara ng mic. Random song lang naman, maigi na lang at alam ko ang kantang napatapat sa akin. Napatingin naman ako sa gawi ni Rad, may nafeel nanaman akong kung ano sa tyan ko nang nginitian niya ako, nasa may kusina siya, kumukuha ng inumin. I am trying Not to tell you But I want to I'm scared of what you'll say So I'm hiding what I'm feeling But I'm tired of Holding this inside my head  Feeling ko familiar na sa akin yung nararamdaman kong to. Pilit kong inaalala kung saan o kailan ko naramdaman to.  I've been spending all my time Just thinking about ya I don't know what to do I think I'm fallin' for you I've been waiting all my life And now I found ya I don't know what to do I think I'm fallin' for you I'm fallin' for you  Ah, naalala ko na. Naramdaman ko to nung narealize ko na gusto ko na si Den...... No. Si Rad? Gusto ko si Rad? No. Hindi hindi.  Hindi... Hindi ko gusto si Rad... ***** ARA Nakaakbay lang ako kay Den ngayon habang sumasabay sa pag kanta ni Mika. Nakatingin lang ako kay Mika parang may iniisip na kung ano. "Konti na lang talaga magseselos na ako kay Mika." reklamo ni Den habang naka pout. "Dapat lang, matakot ka." tugon ko at humalik ng mabilis sa labi niya saka tumawa ng mahina. "Magnanakaw." saad niya. "Ikaw din naman ah." sagot ko. "Wala akong ninakaw sayo noh!" galit niyang sagot. "Meron. Puso ko." sagot ko at kinindatan siya. Nagtago naman siga bigla sa may kili kili ko, ang mahal ko kinilig. Iba talaga pag Ara Galang ang bumanat haha. Nang matapos ang kanta ni Mika ay parang may kung anong naalala at hindi makausap ng maayos. Maya maya ay umuwi na din ang ilan at kami kami na lang ang natira. Si Ria na medyo may tama na ay naging clingy kay Rachel, natawa na lang ako dahil pilit siyang inilalayo ni Mika dito kaya tawa lang ng tawa si Rachel. "Umiinom ba si Mika?" tanong ko kay Den. "Hindi. Bawal uminom yan." sagot niya at tumawa ito. "Bakit?" pang uusisa ko. "Nagiging kissing monster yan." sagot niya saka tumawa. Napakunot na lang ang noo ko, ano namang kalokohan yun? Pwede ba yun? Uso ba yung ganun? Chansing lang yun eh.  "Seryoso?" "Oo nga." "Weh? Nagkiss na kayo ni Mika?" curious ako bakit ba. "Hindi. Mabait yan si Mika, bata pa daw kami para sa ganung bagay." ay conservative ang ate niyo haha. "Love, may pag asa ba si Mika kay Chel? Sa tingin mo?" seryoso kong tanong. "Hindi ko alam. Mas straight pa daw sa ruler yan sabi ni Aby." parehas kaming natawa sa sinabi niya. "Pupusta ako, babaliko yan." natatawa kong saad. "Ayy, marunong tumugtog yan si Mika. Kunin mo gitara ni Aby." sabi niya. Kinuha ko naman iyon at inabot kay Mika. Sabi namin tugtog lang siya at kami na ang kakanta. Si Bea naman ay nakatulog na sa sahig, ganun din si Ria na nakayakap kay Bea, sweet nila noh? "Love, tignan mo si Mika. Hindi na maialis yung tingin kay Chel." sabi ko. Nakikipag usap kasi si Chel kay Aby. "Kung ano ano pinapansin mo. Lagi ka na lang Mika Mika." natawa naman ako sa antics niya! haha! "Sige na aamin na ako." natatawa kong saad kaya kinurot ako ni Den. Aww. "Brutal mo" dagdag ko. "Ano ba yun?!" galit na siya. "Tungkol to kay Mika." saad ko.  Huminga muna ako ng malalim at lumapit naman ako sa kanya para suspense. I brushed the strands of her hair papunta sa likod ng tenga niya para maintindihan niya ng maigi yung sasabihin ko. "I think she's falling for her."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD