MIKA Nakarinig ako ng kung ano ngunit hindi ko na lang pinansin iyon at hinigpitan lang ang yakap sa unan ko. May tumatapik sa kamay ko pero hindi ko naman pinansin iyon. "Gising na lovebirds!" sigaw ng kung sino kaya napamulat na lang din ako. Doon ko lang narealize na nakayakap nga pala ako kay Gretch. Nakita ko naman si Ria at Bea sa may pintuan kasama ang nakacrossed arm na si Rad. "Behave pala ha." taas kilay na sabi ni Rad. "Wild nga nito kagabi." singit ni Gretch dahilan para manlaki ang mata ko. "Gretaaaaa!!!" sigaw ko at kinurot siya sa tagiliran niya. Umalis naman si Rad at itong dalawang kulugo ay tawa ng tawa kaya tumayo na ako at tinuktukan sila. "Anong tinatawa tawa niyo?!" "Ang sweet niyo eh. Wild pala ah yiee." sabay tinusok tusok pa ako ni Bea sa tagiliran ko. "A

