RACHEL "Hoy girl, kanina ka pa nakatulala dyan." sabi ni Aby kaya napatingin ako sa kanya. "Ha?" "Ano ba iniisip mo at kanina ka pa nakatulala dyan?" "Wala." "Wala? Kaya pala kanina ka pa namin kinakausap pero ni tumingin sa gawi namin ay hindi mo magawa ano?" Napabuntong hininga na lang ako at muling tumingin sa malayo, hindi ko din alam bigla na lang akong natutulala. Nasa dorm kami ngayon "Miss mo na?" tanong ni Den. "Oo." sagot ko. "Pauwi na din naman sila Jovs mamaya ah." Natauhan ako sa sagot ni Den dahil hindi si Jovs ang taong pumasok sa isip ko sa tanong niya. Si Mika. I shook my head. Bakit si Mika ang naisip ko? May girlfriend ka Rachel, tapos ibang tao iniisip mo. Tinuktukan ko na lang ang sarili ko dahil na din sa katangahan ko. "Hala girl, magpacheck up ka na

