RACHEL Isang linggo ko ng iniiwasan si Mika dahil naguguluhan ako kung bakit. It's been a month simula nang makauwi sila from training sa SG at next week ay lilipad ulit sila para sa game nila. Sobra akong naguguluhan kaya I'm trying to assess kung ano ba itong nararamdaman ko. Bakit hindi ako mapakali pag nariyan siya? Bakit hindi ako makahinga pag sobrang lapit niya sa akin? Bakit naninikip ang dibdib ko kapag magkasama sila ni Gretch? Am I jealous? No. This can't be! "Aray!" singhal ko dahil binato ako ng kutsara ni Den. Nasa cafeteria kasi kami ngayon. "Girl kanina ka pa kinakausap ni Mika." At nagpanic ang puso ko, napatingin ako sa tinuro ng labi ni Den at nandun nga si Mika. Heto nanaman ang puso kong kumakabog kabog. Kahit wala akong ginagawa ay feeling ko nagtataksil ako.

