Halos mapatalon siya sa gulad nang may bumukas na projector. Malaki ang screen at halos malula siya roon. Umawang ang kaniyang labi nang mag-play ang video roon. Nanubig ang kaniyang mata nang makita ang stolen pictures niya na sigurado siyang kuha ni Callum dahil ito lang naman ang lagi niyang kasama sa mga lugar na 'yon. Mayroon na kumakain siya, nakanganga ng malaki ang bunganga, galit, iritado ang mukha, gulat at kung ano-ano pa. "Nasan ka ba?! Baliw ka talaga! Akala ko may nangyari na talaga sa'yo!" sigaw niya at pilit na hinahanap si Callum sa rooftop. Napabuga siya ng hangin nang hindi niya ito makita kaya pinanood niya na lang ang nasa screen. Sunod-sunod na lumabas ang pictures nilang dalawa at ang kasunod doon ay ang mukha ni Callum na halatang kabado at hindi komportable sa ha

