"Callum! C-callum!" sigaw niya nang pumutok ang panubigan niya. Nakatayo lang siya at nakahawak sa kaniyang malaking tiyan. Narinig niya ang mabibigat na yabag ng asawa papunta sa kwarto. "What happened— oh, f**k! s**t, wait... okay, calm down first..." Napapikit siya dahil sa sakit na gumuguhit. "S-susi!" sigaw niya rito dahil mukha itong na blanko at hindi alam ang uunahin gawin. "Oh yes! Fuck... I'm sorry, baby." Kinuha nito ang sus isa side table at mabilis siyang inalalayan kaagad. Pati si Jura at manang Conching ay tumulong na sa pagbitbit ng mga hinanda nilang gamit ng baby pati sa kaniya. Papunta na talaga sila ngayon sa hospital at nakaayos na ang lahat dahil bukas daw siya manganganak pero napaaga ata ng ilang oras. "Callum!" sigaw niya ulit dahil sa sakit. Naipasok na siya n

