CHAPTER 23

1662 Words

"Grabe! Ilang tao ang na-hire mo para rito?" tanong ni Arianna sa kaniya. Nasa event hall sila kung saan siya magpo-propose kay Kristel at pagkatapos no'n deretso kasal. Nagmamadali sila kaya hindi na siya nakapagplano agad para pag-propose sa dalaga. Kahit natanong niya na ito ng ilang beses ay gusto niya pa rin mag effort para rito. He's willing to give everything for her. "Alam mo bang kakagaling lang namin sa honeymoon? Mabuti na lang gusto ko si Kristel!" "What a reason, hindi ba pwedeng dahil pinsan mo rin ako?" Inirapan siya ni Arianna nang makaupo. Malapit na matapos ang pag-aayos ng event hall na ni-rentahan niya. Kinuha niya kasi si Arianna dahil magaling ito sa mga pagdi-disenyo hindi lang sa loob ng bahay kun'di kahit anong klaseng event. "One million ang talent fee ko ha?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD