Napatingin siya sa pagkain na nasa harapan niya. Umaga na dahil maliwanag na sa labas. Nasa third floor siya at kita niya bintana ang liwanag sa labas. Hindi naman siya sinaktan at tinali ng ina ni Callum, sadiyang kinulong lang siya sa kwarto na ito. Wala ang gamit niya sa kaniya kaya hindi niya magawang tawagan ang binata. Hindi rin siya makakatakas dahil nasa pangatlong palapag siya. Nagpakawala siya ng isang buntong hininga bago kumain ng binigay na pagkain sa kaniya. Hindi na siya mag-iinarte dahil talagang nakaramdam siya ng matinding gutom. Kagabi kasi ay hindi siya kumain ng maayos, hindi dahil sa nagwawala siya para makaalis sa lugar na ito kun'di dahil hindi niya gusto ang nakahalong sibuyas sa ulam. Para siyang nasusuka na hindi niya maintindihan, kahit hindi niya maamoy iyon

