Chapter 49 Baby Jade NAPANGITI at sumaya ang kapaligiran ni Britney nang makita niyang bumaba ng sasakyan niya si Alpa. Halos mag-iisang buwan na rin kasing hindi niya ito nakikita at sa tuwing mini-message niya ang dalaga ay sinasagot siya nito ng busy sa pag-aaral. Kaya na-surprise siya nang makita ito ngayon sa hacienda. Kaagad niyang itinaas ang kanang kamay, para kawayan ang dalaga. Agad naman siyang nakita nito at nakangiting naglakad palapit sa kanyang kinauupuan sa ilalim ng punong mangga malapit sa isang kubo, na may kalayuan sa mansion. Kanina kasi naglakad-lakad siya at doon nga napadpad ang mga paa niya. Pagkarating ni Alpa sa kanyang puwesto. Kaagad siyang tumayo at hinalikan sa pisngi ang hipag. Muli siyang naupo at pinagmasdan ang kapaligiran. “Sino’ng kasama mong pu

