PUNO ng pagtatakang napatingin si Britney sa digital clock na nasa itaas ng working table ng asawa. Ala una ng hapon. Ngunit ang taong hinihintay niya ay wala pa rin hanggang ngayon. Nakaalis na si Alpa. Dahil may pasok pa ito sa school. Dalawang beses na rin siyang inalok ni Miss Lorena na mananghalian. Ngunit tinanggihan niya ang mga ito. Dahil mas gusto niyang kasalo ang asawa at nami-miss na niya itong kasabay sa pagkain. Tatlong linggo na halos mula ng maupo itong President ng kompanya nila ay hindi na halos sila nag-uusap ng asawa. Dahil laging busy ito. Sa umaga maaga itong umaalis para iwasan ang traffic at sa pag-uwi naman nito sa hapon ay laging nakabadbad sa library kasama ang laptop. ‘Mukahang hindi 'ata siya magla-lunch dito,’ malungkot niyang tanong sa sarili. Huminga mun

