“ANO ang ibig sabihin ng mga iyan? Akala ko ba naka-hold lahat ng balita tungkol sa iyo at sa babaeng iyan? Bakit may nakalusot?” galit na galit na tanong ni Doña Emerald sa anak. Sabay hagis nito ng news paper sa itaas ng mahogany table saka namaywang at naghabol ng hininga. Sa sobrang galit nito kulang na lang maputol ang ugat nito sa leeg. Dinampot ni Joel news paper at tiningnan. Saglit lang iyon at agad ding inihagis sa lamesa. Na para bang walang kwentang bagay. Nasa front page ng news paper ang mga litrato nila ng kanyang asawa. Kuha ang mga iyon sa Boracay. Malinaw ang kuha niya sa litrato at naka-blurbed naman ang sa asawa. ‘Isa sa tagapagmana ng MEDRANO EMPIRE ay ikinasal na pala. Sino kaya ang masuwerteng babae na ito?’ Iyon ang nakasulat sa front page ng news paper. “Sa p

