“ANO kaya ang mas bagay sa kanya dito?” nalilitong tanong ni Britney sa sarili. Hawak niya ang dalawang relo ng asawa at tinitingnang maigi kung alin sa dalawa ang babagay sa suot ng asawa. Sa huli napagpasyahan na lamang niyang iterno sa suot ng asawa ang pinaghalong kulay ng black and silver watch ng asawa. Ngayon kasi malalaman ang resulta ng ginawang botohan ng mga board of directors, para sa posisyon ni Joel at kailangan ding present ang asawa niya roon. Kaya kagabi bago siya natulog personal niyang inayos at chenik ang closet ng asawa. Maya-maya pa at lumabas na rin si Britney sa closet ng asawa. Bitbit ang mga napiling gamit na gagamitin ng asawa mamaya. Maingat niyang inilapag iyon sa sofa at saka tumungo ng banyo. Upang asikasuhin naman ang sarili. Bago siya tuluyang pumasok d

