Chapter 45 President HINDI napigilan ni Joel ang sarili na kabahan sa mga oras na iyon. Alas onse na nang tanghali, ngunit wala pa ring resulta ang ginawang botohan ng mga board of directors at investor sa kanyang posisyon, bilang President ng Medrano Empire. Nasa loob siya ng opisina ng kanyang Uncle Fabian at matiyagang naghihintay. Nakakailang tayo na rin siya sa inuupuang swivel chair, para mag-relax. Ngunit sadyang malakas ang dagundomg ng kanyang puso dahil sa kabang nararamdaman. Kulang na lang talaga maihi siya sa kanyang slack. “f**k!” malakas niyang sambit saka tumayo at humarap sa glass wall. Kung saan tanaw na tanaw niya ang siyudad ng Sibugay. Huminga siya ng malalim at saka marahas na pinakawalan sa ire. Isang taon lang siya halos nawala sa kanyang bayan. Pagbalik niya r

