Four
Diwata's POV
Shems kung alam lang niyang mas nakakainip pa sa pagsu-surveillance ang bago niyang assignment sana nagpunilit nalang siyang wag tanggapin ito.
Kanina pa sila dumating sa opisina ng binabantayan niya.
At mula noon hindi na siya kinibo nito, pinakilala lang siya nito kanina sa secretary nito tapos wala na.
Ito nakaupo na siya sa receiving area nito. natapos na din kasi siyang mag-ikot ikot sa loob ng opisina nito. wala pa naman siya nakikitang kahinahinala sa loob ng opisina niya. Pero hindi naman siya sigurado. Wala pa kasi ang mga gamit niya.
Kaya naman sa sobra pagkainip niya masimple niyang tinawagan ang partner niya para dalin ang mga gamit niya.
"Hello, de Gracia dalin mo ditto ang mga gamit ko. 'yong blue na back pack ko"utos niya sa tauhan niya.
"Copy boss"sagot lang nito.
Nag-aalangan naman niyang tiningnan ang binatang kasama niya. Sobrang busy kasi nito ngayon kala mo wala ng bukas kung magtrabaho ito ngayon.
Kaya pala sa murong edad nito mayaman na agad ito kasi subsob naman kasi sa trabaho.
"Ahm, Mr. McDaniel"alanganin niyang tawag sa binata.
Nakita niyang nag-angat ito ng ulo at tiningnan siya nito.
"Yes?"takang tanong naman nito.
"Ahm, may tauhan akong pupunta ditto, dadalin niya ang gamit ko pwede ba akong bumaba para kunin?"paalam niya ditto.
Hindi siya nito sinagot, bagkus inangat nito ang telephone sa tabi nito.
"Jacob, go to reception area. Pick up my girlfriend things"utos nito sa kausap sa telephone.
Napataas ang kilay niya sa narinig niya.
Aba ang bilis naman naka-adopt ng mokong. Pinanindigan na nito na girlfriend ako nito.
Matapos itong makipag-usap sa telepono nagpatuloy ulit ito sa ginagawa nito.
Hindi na naman siya nito pinansin.
Ilang sandali lang naman ang hinintay niya kasi alam naman niyang nasa malapit lang ang mga tauhan niya at katulad niya nagbabantay lang din ang mga ito.
Nakarinig siya ng katok sa pinto bago bumukas iyon at pumasok ang secretary ng binata.
"Sir, ito na po ang gamit ni Miss Diwata"ani ng secretary niya.
Well, may kasama silang ibang tao kaya naman masusubukan na naman ang acting skills niya ngayon.
"Kuya pogi, here can you leave it here na"maarteng agaw niya ng pansin sa secretary ng binata.
Alangan naman na lumapit sa kanya ang lalaki.
"G*dd*mmit, Jacob!!!"pagwawala naman bigla ni Lance ng makalapit na sa kanya ang secretary nito.
Parang itinulos naman sa kinatatayuan ang kawawang secretary nito. kitang kita ang takot sa mukha ng lalaki, napataas naman ang kilay niya sa nakikita niya.
Grabe naman itong si Lance kala mo isang matapang na tigre kakagatin ang mga taong lalapit ditto.
"Hey, baby? What is G*dd*mmit?"painosenteng tanong niya kay Lance.
Yuck, kainins mukha akong tanga sa kainosentehan na iyan. Sermon niya sa sarili niya.
Nanlalaki ang mata na tinitigan siya ni Lance, matagal din itong nakatingin sa kanya bago nito binalingan ang secretary nito.
"Just leave that damn things in the table Jacob then go"pagalit na utos nito sa secretary nito.
Nagmamadali naman na sinunod ng lalaki ang utos ni Lance. Sa isang kisap-mata nakalabas na agad ang tauhan nito opisina nito at naiwan na naman silang dalawa sa loob.
Naiiling nalang siyang naupo sa dati niyang kinauupuan at kinuha ang laptop niya.
Isa pa sa kinaiinis niya, ang laptop na dala niya ay bigay sa kanya ni Chief Makaso.
Sobrang pagirlie, mantakin ba naman niya may mga sticker iyon ng Hellow Kitty.
Pero syempre kailangan iyon para sa disguise niya.
"Pwedeng malaman ang password ng wifi"tanong niya sa binata ng mabuksan niya ang laptop.
Ang buong akala niya sasabihin lang sa kanya nito ang hinihingi niya pero laking gulat niya ng tumayo ito at lumapit sa kanya. umupo pa nga ito sa tabi niya at inagaw ang laptop sa kanya.
Ito na mismo ang nagconnect sa kanya sa wifi.
"Don't go near with a random guy while they knew were in a relationship"bulong sa kanya nito habang nagta-type ito sa laptop.
Napataas naman ang kilay niya sa tinuran nito.
"There"at iniabot sa kanya ang laptop.
Tumayo na ito at iniwanan na naman siya nito at nagpatuloy sa ginagawa nito.
Hindi nalang niya pinansin ang mga sinabi nito kanina. Inabala nalang niya ang sarili niya sa mga bagay na kailangan niyang gawin.
Sinimulan na niyang ihack ang CCTV ng buong building kung nasaan sila. Buti nalang kompleto ang ng application ang gamit niyang computer.
Pinagana na din niya ang iba pa niyang alam sa tech na natutunan niya noong pinadala siya ng mga magulang sa ibang bansa para magsanay sa pag-iimbistiga.
Shit!!! Bingo. Napangiti siya ng may mapansin siyang kakaibang nangyayari sa loob ng kompanya ng binata.
Isang upuan pa lang siya pero mukhang malaki na agad ang nakikita niyang butas sa kompanya ni Lance na magtuturo sa kung sino ang gustong pumatay ditto.
Sa sobrang enjoy niya sa ginagawa hindi niya napansin na maggagabi na pala. Kung hindi pa kumalam ang sikmura niya hindi pa niya papansin ang oras.
"Let's go"gulat pa siya ng makitang nakatayo na sa harapan niya ang kasama niya.
"Wait, ayusin ko lang ito"turo niya sa laptop niya.
"You can leave it here"iritang sagot naman sa kanya ni Lance.
"Hindi pwede"matigas na tanggi niya.
Nakipagtitigan pa sa kanya ito, pero bandang huli wala din naman nagawa pa ang binata kundi ang umupo sa tapat niyang upuan at hintayin siyang matapos sa ginagawa niya.
Hindi naman siya matagal mag-ayos ng mga gamit niya kaya naman nakaalis naman sila agad. Pinabitbit pa niya kay Lance ang bag niya na lalong ikinainis ng binata sa kanya.
Nang nasa parking lot na sila laking gulat niya ng makita na ibang sasakyan na ang tinatahak nilang dalawa. Hindi na kasi ito ang sasakyan na gamit nila kanina galing sa presinto.
"Wait"pigil niya sa binata.
"Ano na naman?"iritang humarap ito sa kanya.
"Asan ang sasakyan mo?"takang tanong niya ditto.
"Well, this is my real car. 'yong gamit natin kanina spare car lang iyon kasi kasama ko ang mga body guard ko kaninang umaga ng pumasok ako kaya iyon ang ginagamit ko pansamantala"paliwanag nito.
Ang mayaman talaga ang daming sasakyan. Naisip nalang niya.
Wala naman na siyang nagawa kundi ang pumasok na din sa loob ng sasakyan nito. gaya kaninang umaga agad niya pinagana ang mata niya at inobserbahan ang loob ng sasakyan nito.
Kung kaninang umaga simpleng kotse lang ang gamit nila ngayon naman isang mamahaling sports car ang gamit ng binata.
Mahahalata mo na ito talaga ang ginagamit ng binata na sasakyan, amoy palang sa loob masasabi mo ng kay Lance nga itong sasakyan na iyon.
May bigla nahagip ang mata niya sa may dash board nito. maging sa malapit sa may pintuan ng sasakyan nito.
"Alam mo---"tinakpan niya ang bibig ng lalaki.
Kung tama ang hinala niya isang listening devise at camera ang nakikita niya sa loob ng sasakyan nito.
Inilapit niya ang mukha niya sa binata at bumulong. Sinigurado niyang magmumukha silang naghahalikan na dalawa sa paglapit niya.
"Wag kang maingay, may listening devise at hidden camera ang sasakyan mo. So you have to act sweet, like a lovey dovey"bulong siya sa binata.
Nang lumayo siya ng konti nakita niya ang pagkagulat sa mukha nito.
"Baby saan na tayo pupunta uuwe na ba tayo ngayon?"pinalambing niya ang boses niya.
"Ha..ahh"parang gulat pa din ito hanggang ngayon.
"I'm tired na, baby"sumandal pa siya sa balikat nito at hinimas himas ang braso nito.
"Okay"iyon nalang ang nasagot nito at nagsimula ng magdrive.
Tahimik lang sila sa buong biyahe pero hindi siya umaayos ng upo, nakahilig pa din siya sa binata.
Hanggang sa makapasok sila sa isang subdivision, sa tingin niya panay mayayaman lang ang mga nakatira doon. Lahat kasi ng madadaanan nilang bahay malaki at napakagagandan ng bahay.
Naghuhumiyaw na mayaman ang mga nakatira doon sa sobrang engrande ng mga bahay.
Hindi na nga maalis ang mata niya sa labas ng bintana ng sasakyan ni Lance kasi humahanga siya sa bawat bahay ng madadaanan nila.
Mas lalo siyang humanga sa bahay sa harapan nila, nasa pinakasentro ito ng daan.
Sa palagay niya ito ang pinakamalaki at pinakamagandang bahay sa subdivision na iyon.
Sobrang ang paghanga niya, ngayon lang siya nakakita ng ganitong klase ng bahay sa tanangbuhay niya.
Wala naman kasing ganito sa probinsya nila. Maging noong nagpunta siya sa ibang bansa para magsanay wala naman siyang nakita na ganito kagandang bahay.
Mansion na nga ito sa palagay niya.
Lalo pang nanlaki ang mata niya ng doon sila mismo pumasok ni Lance. Hindi na nga kailangan na magbusina ni Lance kasi kusang bumukas ang gate nito para makapasok ang sasakyan ng binata.
"Dito ka nakatira?"hindi na niya napigilan na tanungin ang kasama n iya.
Nakita niyang nagsmirk lang ang binata.
Pinarada ng lalaki ang sasakyan nito sa entrada ng mansion nito. May sumalubong sa kanilang deuniformeng lalaki at inabot ang susi ni Lance at ito na ang nagpark ng sasakyan nito. nanlaki pa lalo ang mata niya ng makita kung saan pinarada nito ang sasakyan na gamit nila ni Lance.
Paano naman hindi lalaki ang mata niya, makita ba naman niya ang iba't ibang klase ng mamahaling sasakyan ang nakaparada doon.
Oh sige ikaw na ikaw na ang mayaman at madaming sasakyan na may malaking bahay. Manghang naisip niya.
Hindi pa nga siya nakakabawi sa pagkamangha niya sa mga sasakyan ni Lance, nadagdagan pa kasi pumasok na sila sa loob ng bahay nito.
Kung maganda sa labas, de hamak na mas maganda sa loob nito.
Napakaelegante ng bahay nito sa loob.
"You like it?"bulong sa kanya ni Lance.
Wala naman sa sariling napatango nalang siya bilang sagot.
"Sir, maghahanda na po ba kami ng hapunan niyo?"tanong kay Lance ng isang medyo may edad ng babae.
"Sige po manang"nakangiti namang sagot ni Lance sa ginang.
Nakita niyang tinapunan siya ng pansin ng matandang tagasilbi ng binata. Kaya naman naisip niya na kailangan niyang galingan ang pagpapanggap kahit nasa loob na sila ng bahay ng binata.
"Hindi mo ba ako ipapakilala, Baby?"tanong niya kay Lance.
Nakakunot ang noo nito na tiningnan siya.
"Di bale ako nalang ako magpapakilala sa sarili ko. Hi po ako si Diwata Mayumi Demaguiba, 24 years old, from the rice granary of the Philippines, Nueva Ecija"pagpapakilala niya sa sarili niya.
Inalala niya ang pagpapakilala na tinuro sa kanya ni Tiffany. Kung siya ang tatanungin feeling niya sumasali siya sa Miss Gay sa paraan ng pagpapakilala niya.
Kaya lang kailangan niyang gayahin ito kasi naman wala naman ibang nagturo sa kanya kundi ang baklitang iyon lang. malamang magmumukha siyang sasali sa Miss Gay talaga.
Nakita niyang tumawa ang mga naroon sa loob ng bahay ni Lance kasama ang matandang kaharap nila.
"Naku sir, nakakatawa naman ang kasama niyo"nakangiting turan ni Manang.
"Salamat Manang, I intension to give you happy face"siya ang sumagot sa matanda at sinadya pa niyang maging wrong grammar para mas maging katuwa-tuwa ang dating niya.
"Enough with that Diwata"saway naman sa kanya ni Lance.
Nang tingnan niya ito hindi niya alam kung ano ang reaction nito. para kasing galit na nagpipigil lang na tumawa ang nakikita niya sa mukha nito.
"Bakit baby? Mali ba ako? Dapat ba I like happy face nalang ang sinabi ko"painosenteng dagdag pa niya.
Lalo naman lumakas ang mga nagpipigil ng tawa ang mga tao sa paligid nila.
Pero wala siyang pakialam sa mga iyon ang lahat ng atensyon niya ngayon ay nakay Lance. Nakangiti na kasi ito ngayon na halatang halatang nagpipigil ng tawa.
Pero infairness naman ang gwapo nitong ngumiti. Parang naaakit siyang ipagpatuloy ang katangahan niya para makita naman niyang tumawa ito ng malakas.
Baka mas pogi siya kapag nakatawa. Naisip pa niya habang nakatitig sa mukha ng binata.
"Naku Ma'am, nakakatuwa talaga kayo. Tayo na nga po sa loob ng Dinning room baka nagugutom na kayo"agaw ng pansin niya na turan ng kaharap nila.
Nakapout pa siya ng tumango siya sa matanda. Totoo na ang reaction siya, nagugutom na siya. Kasi naman hindi man lang ba naisip na kumain ng tanghalian nitong kasama niya.
Ngayon lang niya naalala na hindi sila kumain ng tanghalian na dalawa.
"Please manang, I starving na, tingin ko nga sa kasama ko pagkain na. parang ang sarap kainin"sabay tingin niya kay Lance.
Napataas ang kilay niya ng mapansin niya ang pamumula ng pisngi ni Lance.
Tama ba siya ng nakikita niya nagba-blush ang binata.
Oh lala, mas gwapo siya kapag nagba-blush kaysa sa nakangiti. Natulala na siya sa harapan ni Lance sa nakita niya.
............