Three

4187 Words
Three Diwata's POV Kanina pa siya nilalamok sa pwesto niya, kaso hindi naman siya makakilos ng maayos dahil baka may makapansin sa kanya. Nasa ilalim siya ngayon ng isang sasakyan malapit sa nangyayaring trasaksyon ng pagbebenta ng bawal na gamut. Ngayong gabi nila lulusubin ang nasabing lugar kung saan iyon nagaganap. At kanina pa siya sa pwesto niya mula yata kaninang magdadapit hapon. Nanghihintay lang siya ng magandang timing para lumabas sa kinatataguan niya. Nakapalibot na ang mga tauhan niya sa paligid. Pero hindi pa kasi niya nakikita ang tauhan niya sa loob ng sindikato kaya hindi pa siya makapagbigay ng go signal sa iba niyang tauhan. Kainis naman ang mga lamok na ito. mukhang namamaga na ang paa ko kakakagat niyo. Baka hindi na ako makatakbo mamaya nian. Reklamo niya. Sinilip niyang muli ang labas kung ano na ang nangyayari. Nasa isang liblib na barangay sila di kalayuan sa pinakasentro ng lungsod. Dito madalas mangyari ang bentahan ng droga kasi medyo malayo ito sa mga kabahayan. Isang abandunadong piggery ang lugar na iyon kaya naman malaya ang mga masasamang loob na pumunta sa lugar na iyon. Hindi din kasi pansinan dahil medyo malapit na bundok ang lugar na iyon. Nang makita niya ang kasamahan niyang asset, hinintay nalang niyang mabigay ito ng go signal sa kanya. Ang usapan nila maglalaglag ito ng panyo paanan nito sa oras na nagaganap na ang trasakyon ng mga ito. At iyon ang nakita niya kaya naman dali dali niyang binigay ang go signal sa mga kasama niya Naingat naman niyang pinaputukan ng baril ang isang bumbilyang nagsisilbing liwanag sa lugar na iyon. Mabilis siyang kumilos para mahuli ang pinakapinuno ng sindikato. Mabuti nalang at nasanay na sa dilim ang mga mata nilang magkakasama kaya naman hindi sila nahirapan na makipagbunong braso sa mga kalaban nila. Hangga't maari hindi sila gagamit ng baril ng mga kasamahan niyang pulis. Gusto kasi niyang mahuli ang mga ito ng buhay. Pero kung alanganin na ang sitwasyon gumagamit na sila ng baril. At laking pasasalamat niya at hindi naman masyadong nanlaban ang mga kalalakihan na hinuli nila. "Matagal ka ng sinusubaybayan ng mga tauhan ko para mahuli ka sa akto. Lulusot ka pa talaga ngayon."gigil niyang pinagtutulak ang nahuli niyang isang drug pusher sa isang barangay di kalayuan sa bayan nila. Kakatapos lang ng isang entrapment operation nila para sa mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. At isa sa mga pakay nila sa lakad na iyon ay ang mahuli ang isa sa mga bigatin na nagbebenta nito. "Inspektor Dimaguiba kami na pong bahala dito"ani ng isa sa mga tauhan niya. Tinanguan lang niya iyon at ibinigay ang nahuli sa mga ito. Nagpatuloy naman siya sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa police mobile na sinakyan niya patungo sa lugar na iyon. Pabalik na siya sa istasyon ng may tumawag sa kanyang hindi kilalang number. "Hello"sangot niya sa tawag. "Good evening Inspector Dimaguiba, these is PNP Chief Makaso. May I speak with you for a minute"sagot naman ng nasa kabilang linya. Pagkarinig pa lang ng salating general bigla niyang naapakan ang preno ng sinasakyan niya. Buti nalang wala siyang kasunod kundi nabunggo na siya sa ginawa niya. "Sir!"napasaludo pa siya sa sobrang gulat. Ikaw ba naman kasi kausapin ng PNP Chief of Police hindi ka mabibigla. Kahit pa nga hindi ito nakatingin sa kanya mapapasaludo ka talaga ng wala sa oras. "I want you to report in my office immediately. If possible tomorrow morning your at my office"maawtoridad na utos nito. "Sir yes Sir"sagot naman niya agad. Iyon lang ang sinabi sa kanya ng kausap at pinagpatayan na siya ng tawag nito. Nagtataka na pinagmasdan niya ang cellphone niya matapos ang makikipag-usap niya sa Boss nila. Hindi siya makapaniwala na nakausap niya ang PNP Chief nila. Isa lang naman siyang hamak na provincial police. Ano naman kaya ang nagawa niya at bakit siya pinapatawag nito sa office nito. At bukas na agad ang gusto nitong pakikipag-usap sa kanya. Isang malakas na busina ang narinig niya mula sa likuran niya ang nagpabalik sa wisyo niya. Napapailing nalang siyang nagmaneho pabalik sa office nila. Pero hindi mawala wala sa isip niya ang tawag na natanggap niya. ................... Kinabukasan maaga palang nasa biyahe na siya papuntang Manila. Ngayong araw niya kakausapin ang PNP Chief nila, medyo kinakabahan siya. Nang ikwento nga niya sa nanay at tatay niya ang tungkol sa tawag niya. Nakita niyang mukhang natuwa ang mga ito, they are a proud parents. Ang iniisip ng mga ito ay baka parangalan siya ng PNP Chief nila kaya naman pinatawag siya nito. Pero paano naman kung hindi naman pala parangal ang dahilan kung bakit siya pinatawag nito ngayon. Ayaw niyang mag-isip ng negative pero napapaisip talaga siya. Hindi pa naman kapara-parangal ang nagawa niyang operation kagabi. Ni hindi pa nga sila nakakagawa ng report kagabi para makaabot na sa kaalaman ng PNP Chief ang nagawa niya. "Terminal, terminal.."sigaw ng konduktor. Nagulat siya sa sobrang lalim ng iniisip niya nakarating na pala sila sa Cubao ng hindi niya namamalayan. Pagbaba niya sa bus, agad siyang pumara ng taxi at nagpahatid sa CRAME. Hindi naman siya nahirapan na makapasok pinakita lang niya ang kanyang ID. Hindi naman siya nahirapan na mahanap ang opisina ng PNP Chief nila dahil mag nag-assist sa kanya para makarating doon. "SIR!"sumaludo siya dito ng magkabukas pa lang ng pinto. Sinenyasan siya nito na pumasok na sa loob at maupo na. maingat siyang pumasok sa loob at naupo sa katapat nitong upuan. Mukha ngang hinihintay siya nito dahil wala naman itong ginagawa pa ng mga oras na iyon. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa Ins. Demaguiba. Pinatawag kita ngayon dito dahil gusto kong ikaw ang humawak ng kaso ng isang malapit sa akin."iniabot sa kanya ang isang folder. Medyo nakahinga na siya ng maluwag, hindi naman pala siya pagagalitan nito kundi kukunin nito ang serbisyo niya. pero nagtataka naman siya kung paano siya nakilala ito gayong napakaraming pulis sa buong pilipinas na pinamumunuan nito. "Nagkakata ka ba na nandito ka ngayon at sayo ko ibibigay ang assignment na iyan."nabasa marahil nito ang pagtataka sa mukha niya. Nahihiyang tumango nalang siya. "Kilala ko ang ama mo. Actualy kabatch ko ang tatay mo noon sa training. Tinawagan ko siya noong isang araw para magtanong kung mayroon siyang kilalang isang mahusay na Police women. At ikaw nga ang sinabi niya sakin, hindi ko alam na may anak pala siyang babae na sumunod sa yapak nilang mag-asawa"paliwanag nito. "Actualy po, lahat po kaming magkakapatid mga pulis na po"nahihiya niyang sabi. Humalakhak lang ang naturang opisyal sa kanyang sinabi. "Mas lalo akong nabilib sa pagpapalaki sa inyo ng kaibigan kong si Juan. Mantakin mo lahat ng anak niya pulis din pala."masaya pang sagot nito. Nawala na ang pag-aalinlangan niya sa mga oras na iyon. "So, back to your assignment. I want you to guard my godchild, he's having a trouble regarding in his safety. I already review your profile Ins. Dimaguiba, kaya alam na alam kong iniisip mong malayo ang propesyon mo sa binibigay ko sayo. But I find it an advantage, hindi mo lang naman babantayan ang inaanak ko. You will also investigate kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito"paliwanag sa kanya nito. Tumatango naman na binuksan na niya ang folder na binigay sa kanya nito at binasa ang laman nito. LANCE MCDANIEL Iyon ang pangalan na nakasulat sa ibabaw ng folder na hawak niya. Napataas ang kilay niya ng makita ang litrato ng babantayan niya. Wow naman ang gwapo ha... puna niya dito. Para siyang may kamukhang artista hindi lang niya maalala ang pangalan. Hunk ang unang pumasok sa isip niya kung ide-describe niya ito. Tantalizing greenish eyes, kissable lips, prominent jaw line, maputi at matangos ang ilong. Medyo nakafocus lang sa mukha ang picture kaya hindi niya makita kung macho din ba ito. Isa itong kilalang business man. Sa murang edad nagawa na nitong mapalago ng bongga ang negosyo ng mga magulang nito at kabi-kabila ang negosyo nito hindi lang sa dito sa bansa maging sa ibang bansa din. Binuklat buklat pa niya ang folder nito. Nasa pinakadulo ang detalye ng assignment niya. Nanlalaki ang mata niya ng mabasa ang gagawin niya sa binigay sa kanyang assigment. Magpapanggap siyang girlfriend nito para makasama niya ito sa kahit na anong lakad nito, maging sa loob ng bahay nito. "Sir, may mali yata sa binigay niyo sakin na trabaho. Ako? Magpapanggap na girlfriend?"baling niya agad sa pinakapinuno nila. Tango lang ang nakuha niyang sagot mula dito. Binalikan niya ang litrato ng babantayan niya. Nagawa naman na niyang maging body guard ng anak ng governor nila sa probinsya pero purely pagbabantay lang ang ginawa niya at hindi na niya kailangan pang magdiguise para lang sa trabaho na iyon. "Mas mababantayan mo siya kung makakasama ka niya kahit saan siya magpunta bilang girlfriend niya. isa pa mas makakapag-imbestiga ka din ng malaya kung ganoon ang status niyong dalawa. Malaya kang makakapasok sa lahat ng sulok ng opisina o bahay niya para maobserbahan mo ang mga tao sa paligid niya. Kung ang alam lang ng mga tao na may body guard siya mas lalo pa siyang lalapitan ng gustong pumatay sa kanya na walang kahirap hirap"paliwanag nito. May punto naman ang paliwanag nito sa kanya. "You perfectly fit to the job"sabi pa nito sa pagitan ng katahimikan niya. "Paano po ang trabaho ko sa probinsya naming?"natanong niya kahit alam naman na niya ang sagot. "Ako na ang bahala doon, may iba ka pa bang sasabihin?"tanong nito. "Ako lang po ba ang involve sa trabahong ito?"alangan niyang tanong. Gusto kasi niyang isama ang buong team niya. hindi naman alangan ang mga kasama niya, lahat naman iyon ay natrained na niyang mabuti. Kaya alam niyang hindi siya mapapahiya sa mga ito. "May gusto ka bang isama sa misyon mo na ito?"ganting tanong nito sa kanya. "Yes, sir. Gusto kong isama ang team ko. Apat lang naman po kami. Kasi naka discreet lang po sila"sagot niya. "Sige papayag ako, may tiwala ako sa mga galaw mo. Alam kong mapamumunoan mo silang mabuti"sagot pa sa kanya nito. "pag-aralan mong mabuti ang magiging role mo sa misyon ito. Ins. Demaguiba. Bibigyan kita ng isang linggo para maghanda sa misyong ito. itatawag ko nalang sayo kung kailan at saan ka magsisimula."iyon lang ang huling sinabi nito bago siya umalis sa tanggapan na iyon. Dala na niya ang folder ng hahawakan niyang kaso. Sa bahay nalang niya pag-aaralang mabuti ang lahat ng detalye ng misyon niya. ............. Magpapanggap siyang girlfriend ng subject niya. ipapaalam naman nila ang lahat ng detalye sa kanyang babantayan. She will act like a naïve girl infront of everybody kapag kasama niya ito. Ipapakita niyang isa siyang simple, mahinhin, childlike girl at higit sa lahat mahinang babae sa mga tao. Ang pinakaayaw pa niyang ugali sa lahat. Kapag nakakakita nga siya ng mga ganitong asal ng kapwa babae niya, naasar siya. Feeling niya ang aarte ng mga ito. tapos ito ngayon ang gagawin niyang pagpapanggap. "Kainis!!!!"kulang nalang ibato niya ang folder na hawak niya. Hindi na siya pumapasok ngayon sa presinto nila. Pinaghahandaan na kasi niya ang gagawin niyang misyon. Binigyan pa nga siya ng allowance para sa misyon na iyon. May instruction kasi na babaguhin niya ang style niya ng pananamit at posture niya para maging kapani-paniwala siya sa harapan ng ibang tao. Problema niya ngayon kung sino ang lalapitan niya para magpaturo ng mga kilos na iyon. Wala naman kasi siyang kapatid na babae o kaya naman malapit na kaibigan na kagaya ng sinasabi sa instruction. "Ang aga-aga ang init ng ulo mo"sita sa kanya ng kuya Andres niya. Nasa mini gym sila ngayon ng kapatid niya. madaling araw pa lang nga naman pero ang lalim na ng iniisip niya. "Nakasimangot ka? Anong nangrayi sayo?"puna din sa kanya ng Kuya Dominador niya. Himala at maagang nagising ang kuya Dominador niya. "May bago akong mission"sagot nalang niya sa mga kapatid niya. Nilapag niya sa lamesa ang folder na hawak niya at nagsimula na siyang mag exercise. Kung iisipin na naman niya iyon ngayon baka hindi siya makagalaw maghapon sa kakaisip kung kanino siya magpapaturo kung pano magpakaclumsy na girlfriend. Kainis naman kasi bakit ba naman kasi wala sa dugo nila ang magpakalampa. Isama pa na wala pa siyang experience sa pakikipagrelasyon. Paano niya gagampanan ang role niya bilang girlfriend kung kahit sa pinakamaliit na detalye sa pagiging girlfriend o pagiging clumsy eh hindi niya alam. "Bago 'yan ah. Mukhang hindi mo gusto ang bagong mission mo. Pinapahirapan ka talaga ni Katakutan"ani ng kuya Andres niya. Huminto siya sa pagsi-sit-up para sagutin ang kuya niya. "Hindi naman ang hepe ko ang nagbigay sa akin ng trabaho. Si PNP Chief Makaso ang nagbigay sa akin ng mission ko"nakasimangot na sagot niya. Napahinto naman sa ginagawa ang mga kuya niya, at bigla siyang nilapitan ng mga ito. "Loko ka, bakit kung makasimangot ka parang kang lugi sa binigay sayo na trabaho. Hoy masuwerte ka kasi napansin ka ng PNP Chief natin"sita sa kanya ng Kuya Dominador niya. Hindi niya sinagot ang mga sinabi nito, bagkus binigay niya ang folder sa mga ito para doon nalang makuha ng mga kapatid niya ang dahilan ng pagsimangot niya. Halos mag-agawan pa nga ang mga ito sa folder. Alam niyang bawal ang ginawa niyang pagbibigay sa mga kapatid niya ng folder pero alam naman niyang hindi siya ipapahamak ng mga ito. Ilang minuto lang mula ng ibigay niya sa mga kapatid niya ang folder, narinig na niya ang malakas na tawa ng dalawa. Kaya naman mas lalo pa siyang nainis. "Stop laughing"naiirita niyang sita sa mga kapatid niya. "Kaya naman pala hindi maipinta ang mukha mo dyan. Halla sige mag exercise ka na dyan. Sasamahan kita kay Tiffany, sigurado ako matuturuan ka 'non"tumatawa pa din sagot ng kuya Andres niya. Naghahaba ang nguso niyang sinunod ang kuya niya. hindi niya kilala si Tiffany na sinasabi nito. pero alam niyang matutulungan na siya ng kapatid niya. buti nalang talaga nasabi niya sa mga kapatid niya ang problema niya. .................. Nanlalaki ang mata niya ng makilala niya ang sinasabi sa kanya ng kuya Andres niyang si Tiffany. Kulang na lang din malaglag ang panga niya sa sobrang gulat niya. Ang buong akala niya babae ang tinutukoy nitong Tiffany iyon naman pala isang bakla. "Oh, fafa Andy, naligaw ka sa akin kaharian"malanding bati nito sa kanyang kuya. Nagtataka naman siya sa kapatid kung paano ito nagkaroon ng kakilalang bakla na mukhang close pa nito. "Hoy, Tomas ikaw tigil tigil mo ako sa kaka fafa mo sakin. Tatamaan ka na talaga sakin"banta naman ng kapatid niya. Lalo naman siyang nagulat sa tinawag ng kapatid niya sa kaharap. Kilala niya si Tomas. Iyon kasi ang alam niyang bestfriend ng kuya Andres niya simula pa noong bata sila. Pero ang alam niya lalaking lalaki iyon, hindi isang bakla na kaharap nila ngayon. "Hmp, hindi ka na malambing ngayon"kunwari ay inirapan pa nito ang kuya niya. "Oh Diwata Mayumi, kasama ka pala ng Kuya mo."baling nito sa kanya. "Kilala mo ako?"tinuro pa niya ang sarili niya. "Ay, ano ka ba naman Diwata. Ako ito si Tomas. Tiffany na nga lang nayon"pinalaki pa nito ang boses nito kaya naman nakilala niya ang kaharap niya. Ganoon nalang ang lakas ng tawa niya sa nalaman niya. "Grabe sya oh...tama na ganda. Alam ko na epic ang transformation ko. From maton to super sereyna"malanding saway nito sa kanya. "Tama na iyan. Dinala ko ang kapatid ko dito para turuan mo siyang maging girl na girl. Alam mo na siguro ang ibig kong sabihin. 'kaw na bahala sa kanya."iyon lang ang binilin ng kuya niya bago siya nito iniwanan sa kaibigan nito. Pinaliwanag naman niyang mabuti dito ang lahat ng kailangan niyang matutunan, at game na game ang lola niyo. Tuwang tuwa pa nga ito sa pagiging beauty consultan daw niya. Naiiling nalang siya sa kalandian ng kasama niya. Hindi pa nga din siya makapaniwala na bakla ang kaibigan na ito ng kuya Andres niya. Ito ang kasama niya sa loob ng apat na araw. Itinuro na nito ang lahat ng alam nitong kalandian at kaartehan sa katawan. Tinulungan na din siya nito sa pamimili ng mga gagamitin niya para sa mission niya na iyon. Maging ang make over niya ito na din ang gumawa. Buti nalang may parlor na ito kaya naman hindi na siya nahirapan pa. Kinulayan nito ng blond ang buhok niya at tinuruan siya kung paano mag-ayos ng sarili niya. kung paano siya maglalagay ng make-up sa mukha niya. Lahat iyon tinandaan niyang lahat dahil malapit na siyang bumalik sa Manila para sa mission niya. Tinawagan lang niya ang mga team niya ng mga gagawin ng mga ito. hindi na siya nagpakita pa sa mga ito kasi alam niyang mag-aalaska lang ang mga ito kapag nakita siya ng mga ito sa bagong itsura niya. From being a plain provincial girl to a sophisticated Manila girl. Kahit siya hindi niya nakilala ang sarili niya matapos ang make over sa kanya ni Tiffany. Maging ang mga magulang niya ay hindi makapaniwala sa naging resulta ng itsura niya ngayon. Ang unang sinabi nga ng tatay niya nagmukha siyang japayuki. Iyong mga dalagang pilipina na umalis ng bansa papuntang japan pagbalik kala mo nga amerkanong hilaw na dahil sa kulay ng buhok. Pinaliwanag naman niya sa mga ito ang dahilan ng pagbabago niya at naintindihan naman ng mga ito. maayos din siyang nagpaalam sa mga ito na sa manila muna siya lalagi para sab ago niyang mission. Kaya pinaghandaan niya ang pagbalik niya sa Manila. Nang tawag siya ng PNP Chief nila na lumuwas na siya handang handa na siya. Kagaya ngayon tumawag sa kanya si Chief Makaso na ngayon na niya makikilala ng personal ang babantayan niya. ang utos pa sakanyan on character na siya pagpunta niya sa lugar kung saan niya makikilala ito. Kuntodo make-up siya at lahat ng tinuro sa kanya ni Tiffany ginawa niya para naman hindi siya mapahiya. Hindi pa niya kabisado ang Manila kaya naman hindi niya dinala ang kotse niya. nagtaxi lang siya papunta sa sinabi sa kanyang lugar ni Chief Makaso. Nagulat pa nga siya ng makitang police station ang hinintuan ng taxi na sinakyan niya. Building address lang kasi ang sinabi sakanya kaya hindi niya alam. Pagpasok niya sa loob, the usual scenario sa isang presinto. May mga nagrereklamo, may nirereklamo, at mga pulis na nakatambay habang wala pang ganap. Lahat sila natahimik pag pasok niya, pero sandali lang bigla din kasi umingay ang paligid niya at pumuno ng paghanga sa kanya. "Ang ganda mo naman miss may boyfriend ka na" "Libre ka ba mamaya miss" "Ang ganda at ang sexy" Ilan lang iyan sa mga sinabi sa kanya ng mga kalalakihan doon, gusto na nga niyang manuntok at manutok ng baril ng mga oras na iyon kaso pinigilan niya ang sarili niya. On character siya. Meaning isa siyang maarting, sosyal na babae na taga Manila na hinahanap ang boyfriend niya. Hindi ang isang probinsyanang pulis na isang maling kilos mo lang manununtok na o aangilan ang mga nambabastos sa kanya ngayon. Kaya naman nagtitimpi siyang lumapit sa information desk ng presinto at ginalingan ang pag-arte. "Ahm.. I'm looking for boyfriend..si Lance McDaniel. I heared na dito siya dinala kanina"parang may imaginary magulong buhok pa siyang inaayos habang nagsaalita niya. Gusto niyang masuka sa pinaggagawa niya kaso kailangan niyang panindigan ang lahat ng ito. "Boyfriend?"parang magpanghihinayang na tanong naman sa kanya pabalik ng pulis na kausap. "Yeah, iyon muntik ng makidnap"maarte niyang sagot. "sayang"bulong iyon pero rinig na rinig niyang sinabi ng mga kalalakihan doon. Maging ang mga pulis naki 'sayang' na dialog din sa mga tao doon. Nginitian niya ang mga ito ng sobrang tamis. Kaya naman mas lalong nag-ingay ang mga ito ng mga oras na iyon. "Ahh...ano nga ulit miss ang pangalan mo..este ng hinahanap mo?"tanong sa kanya ng pinagtatanungan niyang pulis. "Lance McDaniel, my boyfriend"at nginitian niya iulit ang mga ito. Buti nalang at nakashades siya kaya hindi nakikita ng mga ito na nakairap siya ng mga oras na iyon. "Oh, diba iyon 'yong kausap ni PNP Chief Makaso sa loob ng opisina ni Hepe"bulong naman ng katabi nito. "Oo nga"sagot naman nito. Nakuha pang magdaldalan sa harapan ko... naiinis niya sita sa mga ito sa isip niya. "Ahh.. dito miss samahan na kita"prisinta pa ng kaharap niya at itinuro ang daan papunta sa pupuntahan niya. Hindi naman na siya sumagot pa kasi naasar na siya sa mga kaharap niya. nakakita lang ng nakaayos na babae kala mo nga natubigang palaka na sobrang ingay sa pagpapansin sa kanya. Hanggang sa nakarating sila sa second floor ng tanggapan na iyon, nagpaiwan na siya sa pulis na sinamahan siya. Isang mahinang katok lang ang ginawa niya at pumasok na siya sa loob. Pagpasok niya sa loob nakita niya ang apat na kalalakihan, at nasa unahan ang kausap niya si Chief Makaso. Tuwid lang ang tingin nito sa kanya nito, mukhang kinikilala pa siya nito. hindi pa kasi sila nagkita nito mula noong huli silang nagkausap na dalawa. "Sir"saludo niya ditto. "Glad you are here now, Demaguiba."nakangiting turan na ng Chief of Police sa kanya. "Yes, sir"seryoso namang sagot niya. "Lance, I want you to meet Police Inspector Diwata Mayumi Demaguiba. Your new personal body guard"pakilala sa kanyang nito sa magiging assignment niya. "Ninong, baka nagkakamali ka lang?"protesta naman noong Lance. Napataas naman ang kilay niya sa narinig niyang protesta sa kanya nito. Doon naman niya binaling ang binata at nagtanggal ng shades niya para makita niya ng maigi ang kaharap. Oh lala... mas hot pa pala siya sa personal...shet na malupet... naisip niya. Tama siya ng naisip noong unang nakita niya ang picture nito. macho ito sobra, hindi na niya mahanap ang tamang salita para idescribe ito. "May problem ka ba sakin boss?"naitanong nalang niya dito. Nakita niya kung paano ito nainis sa kanyang way ng pagtatanong ditto. "Lance, Ins. Demaguiba is well known in all kind of fighting skills. Oo nga at babae siya pero kaya ka niyang protektahan sa kahit na anong sitwasyon. Isa pa siya lang ang pwede natin ipareha sayo na makakasama mo ng 24/7 na hindi mahahalata ng mga gustong pumatay sayo na isa siyang pulis."paliwanag ni Chief Makaso ng magiging trabaho niya sa binata. Hindi man nagsasalita ang lalaki nahahalata naman niya na hindi siya gusto nito. siguro dahil babae siya. Hindi na bago sa kanya ang ganitong uri ng sitwasyon. Palagi naman siyang minamaliit ng mga taong hindi nakakakilala sa kanya ng totoo. "Sir, mukhang ayaw naman po ng subject sakin. Mas magandang iba nalang po ang kunin niyo. Iyong sa tingin ko ay hindi naman siya magmumukhang bakla kung kasama niya ang magiging body guard niya"hindi niya napigilan na sabihin habang nakatitig sa binata. Nanlilisik ang mata nito na tinitigan siya ng binata matapos niyang sabihin iyon. Sabihan ba naman niyang bakla ito hindi ba magalit ito sa kanya. "Ako bakla?"napatayo pa ito sa kinauupuan nito. "Hindi ko sinabi na bakla ka. Ang sabi ko kumuha ng ibang body guard si Sir Makaso na babagay sayo na hindi ka magmumukhang bakla"paliwanag niya. "Enough!..nakaplano na ang lahat Lance. You have to accept Ins. Demaguiba as your body guard. And she will start her job today. Now pwede na kayong umalis dito at gawin niyo na ang mga dapat niyong gawin."maawtoridad na pahayag ni Chief Makaso. Tinapunan siya nito ng masamang tingin habang palabas sila sa opisina ng Hepe ng tanggapan na iyon. Nakipag-usap pa ang binata sa mga kasama ng mga nito bago ito lumapit sa sasakyan nito. Ngayon na ang simula ng trabaho niya. Mukhang hindi pa nito alam ang mangyayari sa pagitan nila. Kaya naman ipapaliwanag niya iyong mabuti. "What are you looking at?"inis na tanong nito sa kanya. "Buksan mo na ang pinto para makaalis na tayo"malumanay na sagot naman niya. Pagpasok pa lang niya sa loob ng sasakyan agad niya pinagana ang mata niya sa loob niyon. Baka kasi naman may hidden camera o hidden listening devise sa loob ng sasakyan nito. nang masiguro niyang wala namang kakaiba sa sasakyan nito nagsalita na siya. "I will be you body guard kung tayo lang dalawa ang magkasama. Pero kung may kaharap tayo I will be you girlfriend Mr. McDaniel. Its part of my job to disguise as your girlfriend para kahit saan ka magpunta nandoon ako na walang manghihinala. So meaning to say starting today ipapakilala mo ako bilang girlfriend mo sa lahat ng oras. And you have to cooperate, para maging successful ang lahat ng ito at mapadali ang paghuli ng mga gustong pumatay sayo. I have already review your profile, so I know the do's and don't in this situation. Is that clear?"paliwanag niya sa binata ng set-up nila mula sa araw na iyon. So pagbaba nila sa sasakyan na iyon simula na ang kanilang pagpapanggap na dalawa. Maging ang trabaho niya sa lalaki. Sana kayanin niyang matapos ang trabaho niya. Hirap naman kasi magtimpi sa binatang kasama niya. Very tempting sa paningin. Tingnan ka lang para na siyang malulusaw. Isa kasi ang binata sa tinatawag ni Tiffany na 'makalaglag panty' na fafa. Oh Lord give me strength... piping dasal niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD