Malalim na ang gabi nang maalimpungatan si Rose.
May kung anong magaspang na bagay na dumadama sa leeg niya.
Nanlaki ang mata niya nang mapagsino ang pangahas na nilalang sa tabi niya at tila demonyo sa pagkakangisi.
At bago pa man siya makapiyok ay mabilis na tinakpan ng lalaki gamit ang nanlilimahid nitong kamay ang bibig niya.
Nangatal siya sa takot.
"Sshhh. Hindi na ako makapag-pigil sayo. Ang ganda-ganda mo. Alam mo ba iyon? Para kang labanos sa kaputian," takam na takam na tinuran ng bandidong si Baltik kay Rose.
"Ikaw na ata ang pinakamasarap na karne na naligaw dito sa gubat. Kumbaga sa delata isteytsayd ka."
Sinabayan iyon ng mahina at nakakatakot na tawa ni Baltik.
Ang mata nito ay punong-puno ng pagnanasa habang
hinahagod siya ng tingin.
Pangit na nga ang lalaki ay nagmukha pa itong satanas sa harap niya.
Kulang na lang ay tubuan ito ng sungay.
Pumalag siya nang maramdaman ang isa nitong kamay na humahaplos sa hita niya.
Kahit na makapal ang suot na pantalon ay ramdam niya ang paghagod nito na may unti-unting pagpisil na ginagawa.
Naalarma siya, nakaramdam ng panganib.
Napapa-iling siya sa mga ginagawa nito.
Sa wakas ay tinanggal nito ang kamay na bumubusal sa kanyang bibig.
Sisigaw na sana siya nang iumang nito ang b***l na hawak sa sintido niya.
Mariin niyang naipikit ang mga mata ng maramdaman
ang malamig na metal nang idiin iyon ni Baltik.
"Wag kang magkakamaling sumigaw. Hindi ako magdadalawang-isip na pasabugin iyang bao mo." Pagbabanta ni Batik na nakangisi.
"Ano ba ang kailangan mo?" Ang nahihintakutan niyang tanong.
Istupida! Nagtanong pa siya gayung alam naman niya kung ano ang pakay ng lalaki.
"Ikaw. Gigil na gigil na ako sa'yo eh."
"Hindi mo magagawa ang binabalak mo. Malalagot ka sa inyong pinuno." Pananakot niya kay Batik.
Baka sakaling tablan ito ng takot sa kapangahasan.
"Hindi na ito malalaman pa ni pinuno. Puwede kong palabasing nagtangka kang tumakas. Kaya pagkatapos kitang pagsawaan
ay ididispatsa kita." Ngumisi nang nakakaloko ang bandido.
Napalunok siya, nahintakutan sa pinaplano ng kaharap.
Pero hindi siya nagpahalata.
"Baliw ka kung inaakala mong mapapaniwala mo ang Horan na iyon."
"Tama ka nababaliw nga ako. Nababaliw ako sa kagandahan mo. Kaya sige na pagbigyan mo na ako. Ipalalasap ko naman sa'yo
ang langit," anang baliw na lalaki.
Hinapit siya ni Baltik at niyakap, pilit nitong inilapit ang mukha upang halikan siya.
Iniiwas niya ang sarili at kinalmot ito. Napangiwi ang lalaki sa ginawa niya.
Napamura, inumang muli nito ang b***l kaya't napatda siya at hindi na muling nakakilos.
Sinibasib ng halik ni Baltik ang leeg niya.
Kulang na lang ay masuka siya sa pandidiri, ngunit pinabayaan niya ito at
pinanatiling alerto ang sarili.
Kitang-kita niya ng ilapag nito ang b***l na hawak.
Inipon niya ang lahat ng lakas at nang makakita ng pagkakataon ay malakas na itinulak ang lalaki at mabilis na dinampot ang b***l sa lupa.
Nanlilisik ang mga matang itinutok niya ang b***l kay Baltik.
Nagulat ang lalaki subalit napangisi.
"Iyan ang isa pa sa nakakabaliw sa:yo. Para kang tigre, palaban. Sige iputok mo!" Paghahamon ng tampalasan.
Damang-dama ni Rose ang panginginig ng mga kamay.
Ito ang unang pagkakataon na nakahawak siya ng b***l.
Natatakot man dahil hindi sanay ay hindi siya mangingiming iputok ito sa demonyong nasa harapan.
Hinding-hindi siya papayag na muling mahawakan nito.
Unti-unti humakbang palapit ang lalaki.
Ngising aso, ni hindi kakitaan ng pagkabahala. Tuloy ay siya ang nataranta.
"Wag kang lalapit! Hindi ako magda-dalawang-isip na iputok sa'yo 'to." May garalgal man sa boses ay mariin niyang banta
kay Baltik.
Umatras si Rose, tinantya ang kaharap. Patuloy sa paghakbang palapit ang lalaki.
Hindi na siya nagpatumpik-tumpik at papikit-matang kinalabit niya ang gatilyo.
Ngunit hindi ito pumutok.
Malutong na humalakhak si Batik.
Nakakalokong iwinagayway nito ang mga bala sa harap niya.
Tuluyan siyang nanlumo.
"Akala mo ba ay ganon ako kadaling malinlang?" Angil nito.
Nabuhay ang takot at tuluyang bumigay ang natitirang pag-asa.
Ngunit hindi nasiraan ng loob si Rose.
Nang akmang
aabutin siyang muli ni Baltik ay walang pagdadalawang- isip na hinampas niya ito ng sarili nitong b***l.
Sinipa ito sa maselang bahagi ng katawan.
Hindi iyon inasahan ni Baltik. Namilipit ito sa sakit.
Iyon ang hinintay niyang pagkakataon at tinakbo ang daan palabas.
Subalit mabilis na nakabawi ang lalaki. Naabot nito ang dulo ng kanyang mahabang buhok at hinila siya pabalik.
Gustong maluha ni Rose ng maramdaman ang pagsakit ng anit.
"Putsa kang babae ka." Ang nanggagalaiting bigkas sa galit ni Baltik.
Hinawakan ng lalaki ang itaas na bahagi ng suot
niyang blusa at mabilis na winarak.
Dahil don ay nalantad sa pangahas ang puno ng kanyang dibdib at itim na b*a.
Tila naulol si Baltik at muli siyang sinibasib ng halik.
Animo wala ng pakialam kung may makarinig man ng mga pagsisigaw
niya.
Para na itong baliw at hayok, marahas na dinadama ang katawan niya.
"Walang hiya ka! Demonyo. Mamamatay na muna ako bago niyo magawa ang kahayupan niyo," ani Rose, habang nanlalaban.
Gamit ang mga kamay ay pinagkakalmot niya ang lalaki.
Nakita niyang ininda iyon ni Baltik. Gumuhit sa mukha nito ang matutulis niyang kuko.
Patuloy siya sa pagwawala, balot man ng takot ang dibdib ay buo ang kanyang isipan.
Hindi siya papayag na mababoy ng demonyong kaharap. Magkamatayan na.
Dahil sa pagpupumiglas niya ay isang malakas na suntok sa sikmura ang pinakawalan ng bandido.
Sinundan nito iyon nang
magkasunod na mag-asawang sampal.
Naramdaman ng dalaga ang pagmanhid ng pisngi, pagkahilo
at pag-ikot ng paningin.
Nalasahan niya ang tila mainit na likido mula sa labi.
Nanginig at nanghina ang kanyang mga tuhod.
Napalugmok si Rose, napasapo sa tiyan sa parteng sinuntok ni Baltik.
Hindi siya makabawi sa sakit na idinulot noon.
Nagsimulang manlabo ang paningin niya.
"Hindi! Hindi siya maaaring mawalan ng ulirat. Pag nagkagayon ay magtatagumpay si Baltik.
Malalapastangan siya nito.
Nagpumilit siyang makatayo subalit tuluyang umikot ang kanyang paningin at sa nanlalabong mata ay nakita niya si Baltik.
Nakangisi ang demonyo, habang naghuhubad.
Oh God. Doon na siya nakaramdam ng totoong takot para sa sarili at kawalan ng pag-asa.
Napaluha siya. .
Sa kabila ng panghihina ay umusal siya ng panalangin na makasalba sa bangungot.
"Ikaw naman kasi gusto mo pang masaktan. Wag kang mag-alala, mapunpunta ka naman sa langit bago ka pag-pyestahan ng mga uod sa lupa." Halakhak ni Baltik na animo si satanas.
Nang biglang napangiwi si Baltik sa sakit.
Nagtaka si Rose.
Pilit niyang iminulat ang mga mata.
Nanlaki iyon nang makitang naka-angat ang
mga paa ni Baltik sa lupa, sakal-sakal ng isang malaking bulto.
Malakas na pinadapuan ito ng suntok sa mukha ng lalaking nanghimasok.
Bumalandra si Baltik at bumulagta.
May bumulwak na dugo sa bibig nito.Nilapitan ito ng lalaki at inundayan ng malakas na
sipa sa dibdib, na halos magpawala ng ulirat sa bandido.
Puro ungol ang maririnig kay Baktik, na halos hindi na makagulapay.
Dalawang magkasunod na tadyak ang pinakawalan pang muli ng kung sinong lalaki.
Ngunit sa pagkakataong iyon ay pinadapo nito sa mukha ng lalalaki.
Halos mabasag ang mukha ni Baltik sa suot na combat shoes ng lalaki.
Hindi na gumagalaw si Baltik at pakiwari niya ay nawalan na ito ng malay.
Subalit ayaw itong tantanan ng lalaking umatake rito.
Napasinghap si Rose sa panghihilakbot.
Ganoon pala ang pakiramdam ng makasaksi ng pagpatay.
Nakakarimarim na tagpo.
Kulang ang salitang marahas kung ilalarawan niya ang lalaki.
Naka-suot ito ng bonnet, kung kaya't mahirap hulaan ang pagkakakilanlan nito.
Sa wakas ay humarap ito kay Rose.
Nahintakutan ang dalaga.
Panibago na naman ba itong banta?
Pilit siyang umatras nang simulan nitong humakbang palapit.
Mangiyak-ngiyak na siya sa kawalang-magawa, sa kawalan ng pag-asa.
Mabilis na lumuhod ang lalaki nang makalapit.
Itinaas ni Rose ang isang kamay upang sana ay magmaka-awa.
Nang may mapansin sa lalaki.
Natigilan siya ng kumislap ang mata ng lalaki sa gahiblang-liwanag na nagmumula sa labas.
Kinutuban siya.
Hinaplos ng lalaki ang pisngi niya papunta sa labi niyang pumutok, gawa ng pagsampal ni Batik.
Masuyong dinama iyon nito at walang sabi-sabi ay pinangko siya ng lalaki.
It was Dimitri. Hindi siya maaaring magkamali.
Hindi mahirap hulaan ang pagkakakilanlan nito.
Ito lang ang
nagtataglay ng mga matang kasing lalim ng dagat kung tumingin at kasing talim ng leon ang lisik.
Sa mga nasaksihan ngayong gabi, masasabi niyang si Dimitri ay isang nakakatakot na nilalang.
Sa labas ay naalarma ang mga bantay.
Sa kabila na buhat-buhat siya ng lalaki ay nagawa pa rin nitong paputukan
ang mga humaharang sa kanilang dinaraanan.
Tila hindi nito alintana kung nakakasagabal ba siya rito.
Hindi niya magawang huminga.
Pinanatili niyang
nakapikit ang mga mata.
Diyos ko Lord, kung ito na po ang katapusan ko, Kayo na po ang bahala kay tiya. Ang naipiping dalangin ni Rose.
Akala niya ay sa mga pelikula niya lamang makikita ang mga ganitong senaryo.
"Kaya mo ba?" Tanong ni Dimitri nang marahan siyang ibaba sa lupa.
Kahit papaano ay nakalayo na sila sa mismong kuta.
Ngunit hindi dahillan iyon upang makampante at masabing ligtas na sila.
Nauulanigan pa nila ang malaking komosyon at pagkakagulo ng mga bandido.
Nakakabilib ang angking katapangan ng lalaki.
Kung paano nitong nagawang ragasain ang mga bala nang hindi man lamang
sila natatamaan.
"Bagtasin mo ang diretsong bahagi ng gubat na ito. Sa dulo ay may talon, magkita tayo roon." Mabilis na sambit ni Dimitri.
Tumalikod ang lalaki at humakbang pabalik sa pinanggalingan nila.
Si Rose ay nanatiling nakatayo, hindi magawang kumilos.
Nilingon siyang muli ni Dimitri nang maramdamang walang pagkilos mula sa kanya.
Natigilan ang lalaki,
kahit na nakasuot ito ng bonnet ay ramdam ni Rose na kumunot ang noo nito.
"Ano pang hinihintay mo? Kilos na," anito sa matigas na tono.
"Oo," pabulong ni Rose.
Walang lingon-lingon ay mabilis siyang sumunod sa lalaki.
Tinakbo niya ang direksiyong itinuro nito.
Kailangan niyang
makalayo, hanggat may natitira siyang lakas at pakiramdam.
Hanggat may oras at pagkakataon ay tatakbo siya para sa kaligtasan.
Patuloy pa rin niyang naririnig ang mga putukan.
Nakaramdam siya ng kaba para sa lalaki.
Kanina ay gusto sana niyang mag-protesta sa gusto nitong mangyari kayat hindi agad siya kumilos.
Maliban sa natatakot na rin siyang mag-isa.
Sa naranasan kanina lamang kay Baltik ay tuluyang humina ang depensa nya.
Paano na lamang kung hindi dumating si Dimitri?
Mabilis niyang ipinilig ang ulo. Hanggat maaari ay ayaw niyang isipin
ang kahihinatnan niya kung nagkataon.
Maraming katulad ni Baltik sa gubat na ito.
At si Dimitri, karapat-dapat ba ito sa pagtitiwala niya?
Sa kabila ng katotohanan na isa rin ito sa mga bandido ay mayroon sa isip at puso niya ang
kumokontra sa masamang isipin niya para sa lalaki.
Sabi ni Dimitri ay may talon sa may dulong bahagi ng gubat.
Maaaring iyon na ang naririnig niyang lagaslas
ng tubig sa gawi pa roon.
Nananakit man ang mga binti at paa ay nagpatuloy siya ni hindi niya ininda kung sumabit man siya sa kadawagan.
Isang nakabalandrang puno ang nagpabuwal kay Rose.
Nadapa siya.
Alumpihit sa sakit ang dalaga. Sa pagkawala ng balanse ay tumama sa nakausling sanga ang sugat niya sa may bandang hita.
Napaupo siya at hinawakan ang bahaging iyon.
May umagos na likido siyang nakapa mula roon.
Kung hindi siya nagkakamali ay
maaaring dugo ang nakapa niya.
Sumidhi ang pagkirot noon dahil doon ay gusto niyang mapahiyaw.
Nang may maulanigan siyang kaluskos mula sa dilim.
Mabilis at palapit nang palapit ang mga yabag sa kinaroroonan niya.
Natigilan si Rose, binalot ng takot, anumang sandali ay tatambad sa harapan niya ang may-ari ng mga yabag.
Paano kung isa ito sa mga tulisang bumitbit sa kanya?
Nahihintakutang mabilis na itinukod ni Rose ang mga kamay sa lupa upang doon umamot ng konting lakas.
Impit niyang hinila ang nasugatang binti, inot -inot at halos gumagapang na siya.
Impit siyang napasigaw nang maramdaman ang mahigpit na kamay sa mga balikat
Iniharap siyang ng may-ari niyon.
Magpu-pumiglas sana si Rose nang mapag-sinong muli ang kaharap.
"Dimitri?"
Hindi sumagot ang lalaki sa halip ay tinanggal ang suot na bonnet.
Napasinghap ang dalaga nang tuluyang itong mapagmasdan.
Nakaramdam siya ng kaluwagan.
Sinuri nito ang mga sugat niya na para bang malinaw nitong nakikita iyon
Mabilis nitong hinablot ang bandana sa leeg at itinali sa kanyang binti sa parteng naroon ang sugat upang maampat ang pagdurugo.
Sabay pa silang napalingon nang maulanigan nila ang paparating na mga yabag at nag-aanasang mga boses.
"Halughugin ang gubat maging kasukal-sukalan nito. Maaaring hindi pa nakakalayo ang mga iyon.
Dalhin niyo sa akin ng buhay ang babae at ang pangahas na pakialamero."
Boses iyon ni Horan. Nanggagalaiti ito sa galit.
Napatingin siya kay Dimitri, naroon ang pagkabahala.
Nakatitig din ang lalaki subalit wala siyang mabanaag sa mukha nito.
Pinanatili nito ang pagiging kalmado.
Inalalayan siya nitong makatayo at sa pagkabigla niya ay binuhat siya nito mula sa likod at patakbong lumayo sa lugar.
Narating nila ang tinutukoy nitong talon.
Marahan siyang ibinaba ni Dimitri malapit sa pampang pagkatapos ay ikinasa nito ang hawak na b***l.
Mukhang naka-amoy ng panganib.
Nagpalinga-linga si Rose, wala siyang maaninag kundi puro kadiliman.
Sinakmal siya ng takot nang marinig ang mga kaluskos na paparating.
Awtomatikong napahawak siya sa braso ni Dimitri.
"Pag sinabi kong talon, tumalon ka."
"What?"
Sobrang dilim ng paligid.
Datapuwat naririnig niya ang malakas na lagaslas ng tubig sa malapitan ay hindi naman niya maaninag kung ano mayroon sa ilalim ng talon.
"Are you crazy?" Baling niya sa lalaki." 'No. Hindi ako tatalon diyan. Ni hindi ko nga alam kung ano mayroon sa ilalaim niyang ilog."
"Isa pa, I don:t even know how to swim, kaya no ... over my dead b..."
Hindi pa man natatapos ni Rose ang mga litanya ay may sumulpot na dalawang lalaki .
Armado ang mga ito. Napasigaw siya.
Mabilis itong pinaputukan ni Dimitri.
Timbwang ang dalawa at sabay na bumulagta sa lupa, wala ng buhay.
"Talon na..." Ang naiiritang wika ni Dimitri.
"No," pagmamatigas niya.
Marahas na nagpakawala ng buntong hininga ang lalaki.
Napipikong nilapitan si Rose at walang sabi-sabi ay hinawakan sa mga bisig ang babae at sa pagkabigla nito ay isininama niyang magpatihulog.
Kinain ng kadiliman at ingay ng lagaslas ng talon ang malakas na sigaw ng babae.
Naramdaman ni Rose ang mabilis na pagbulusok nila sa tubig.
Nanlalaki ang kanyang mga mata at nangangatal sa takot.
Hindi siya makahinga, mabilis na napuno ng tubig ang bibig niya.
Awtomatikong kumawag -kawag ang mag kabila niyang kamay .
Pinapangapusan na siya ng hangin at sa nandidilat na ang mga mata nang bigla niyang naramdaman ang paghila mula sa taas.
Inihiga siya ni Dimitri sa damuhan. Nagsunod-sunod ang pag ubo niya dahil sa mga nainom na tubig mula sa ilog.
Naramdaman niya ang marahang paghagod ni Dimitri sa kanyang likod.
Pinalis niya ang kamay nito at nagpumilit na
bumangon. Pinukol niya ng masamang tingin ang lalaki.
"You freak! Papatayin mo ba ako ha? Sinabi kong hindi ako marunong lumangoy. You scared me to death, you bastard."
Si Dimitri ay natigilan, nanatiling nakamata lamang sa dalaga.
Ni hindi pinansin ang panininghal ni Rose.
Mas lalong nakaramdam ng pagkainis ang babae.
"Anong akala mo sa akin palabas sa sine na basta na Lang panonoorin? Say something my goodness!"
Patuloy na pagtataray ng dalaga.
Nanatili pa ring walang imik si Dimitri. Sa halip ay hinubad nito ang leather jacket at pahapyaw na inihagis kay Rose sa pagtataka naman nito.
Natira ang manipis at puting panloob na kamiseta.
Pareho silang basa kaya kitang-kita ni Rose ang paghakab ng suot nito sa matipuno nitong katawan.
Napalunok ang dalaga at
mabilis na nag -iwas ng tingin.
"Bago ka magbububu-nganga diyan, ayusin mo iyang sarili mo." Sa wakas ay rinig niyang wika ng lalaki.
Sa nagtatakang ekspresyon lumipad ang tingin niya kay Dimitri.
Sinalubong nito ang mga titig niya sa nagdidikit na kilay.
Siyete naman! bakit ba ang sexy nitong tingnan sa ganuong gestures.
"Dibdib mo nakaluwa." anang lalaki na bumasag sa imahinasyon niya.
Mabilis niyang sinuri ang dibdib.
Nag-init ang mukha niya .
Shit! Nakaluwa nga ang isa niyang dibdib at ni hindi man lamang niya naramdaman.
Naalala niyang winarak pala ni Baltik ang blusa niya at dala marahil nang pagbulusok nila sa tubig ay nawala naman sa tamang pagkakakabit ang b*a.
Iyon siguro ang dahilan kung bakit natitigilan ang lalaki kanina.
Ang Herodes at hindi man lamang sinabi sa kanya.
Samakatwid ay para nga itong nanonood ng mala-SPG na palabas.
Agad niyang pinagsalikop ang jacket nito sa katawan upang mapagtakpan ang munting kahubdan.
Ahhh. Gusto niyang magmaktol at magpa-padyak sa inis.
Isang araw pa lang kung tutuusin niyang nakakasama ang lalaki at kung anu-ano na ang natuklasan nito sa kanya.
She looked away and cleared her throat.
She felt a total embarrasement kaya nanahimik siya.
Napansin niyang may bagay na kinakalikot si Dimitri sa may halamanan.
Tumambad sa mata niya ang isang motorsiklo.
Mukhang sadyang nakahanda na ito doon.
Pinaandar nito ang makina at lumapit sa kanya.
"Kaya mo bang iangat iyang binti mo?" Patungkol nito sa binti niyang may sugat.
Marahan siyang tumango sa kabila ng kahihiyang inabot.
Sinabihan siya ni Dimitri na sumakay. Hindi na siya nag-atubili at dali-daling sumunod.
Batid niyang hindi pa sila lubos na nakalalayo.
Balwarte ng mga ulupong ang kagubatan kaya maaaari pa rin silang masundan.
Sa pagkakadaiti ng kanilang mga katawan ay di niya maiwasang mailang.
Hindi niya alam kung saang parte ng katawan ni Dimitri kakapit.
Hindi pa naman siya sanay sumakay ng motor.
Humawak siya sa magkabila nitong balikat, pilit na inia-atras ang sarili sa likod ng lalaki.
Sinimulan nitong paandarin ang motorsiklo.
Kakatwang hindi sila sumasabit man lang sa mga kadawagan, gayung latag pa ang dilim sa paligid.
Tila sinadya ng buwan at mga bituin na 'wag magpakita, upang maitago sila ng dilim mula sa mga masasamang loob na naghahanap at humahabol sa kanila.
Pansin ni Rose na sanay at kabisado ni Dimitri ang kasulok-sulukan ng gubat.
Sinadya nitong 'wag buhayin ang ilaw ng motorsiklo.
At sa mga mata nitong mala-leon sa lisik, imposibleng hindi nito maa-aninag ang daang tinatahak.
May mga pagkakataon na nalulubak sila kaya't napapa-kapit siya ng mahigpit sa lalaki dahil sa takot na mahulog.
Nakaligtas nga siya sa mga m******s na buwitre muntik naman siyang malunod at kung mamalasin pa ay mabagukan ng ulo
'pag nagkataong mahulog siya.
Naramdaman niyang bumagal ang paandar ni Dimitri hanggang sa tuluyan nitong inihinto at pinatay ang makina ng motorsiklo.
"Puwede bang 'wag ka sa balikat humawak? Nahihila mo ako. Malapit na tayo sa highway. Madidisgrasya tayo sa ginagawa mo." Reklamo ng lalaki.
"Eh saan ba dapat huma..."
Hindi na natapos ni Rose ang nais sanang itanong nang abutin ni Dimitri ang dalawa niyang kamay at pinagsalikop sa
baywang nito.
Hindi pa man nakakabawi sa pagkabigla ay nanlaki ang mata ng dalaga nang maramdaman ang solidong masel nito sa tiyan.
Pinaandar na muli ni Dimitri ang motorsiklo at nagpatuloy.
Juice ko Lord!
Nakaka-tense ang abs. Six or could it be eight packs?
Steely body, oh my God!
It makes her hormones unruly and agitating.
Her body is trembling. Nakakahiya!
Upang maiwasan ang labis na pagkailang ay inabala niya ang sarili sa paligid.
Kung hindi siya nagkakamali ay madaling araw na.
May gahibla ng liwanag na sumisilip sa dako pa roon ng silangan.
Rough road ang tinatahak nilang kalsada.
Sunod-sunod ang pagkakalubak nila kaya't napapadalas ang higpit ng yakap niya kay Dimitri na mukhang hindi naman nito alintana.
Malayo-layo na rin ang kanilang nalalakbay nang pumasok sila sa isang maliit na baryo.
Huminto sila sa harap ng isang katamtamang bahay na hati sa semento at kahoy ang pagkakagawa.
Napapalibutan ito ng mga nagtatayugang puno na hindi niya mahulaan kung anong mga uri.
Malawak ang lugar ngunit
mahalaman parang nagsisilbi itong kublihan ng naturang bahay.
Inalalayan siya ni Dimitri sa pagbaba.
Inayos muna nito sa pagkaka-parada ang motorsiklo bago binuksan ang pinto at niyaya siyang pumasok sa loob.
Tigas ng pagtanggi niya.
"No, I'm not getting in there. Baka kung anong gawin mo sa akin sa loob?" Maktol ni Rose
"Bahala ka na nga," wika ni Dimitri sa tonong nau-ubusan nang pasensya.
Aba't hindi man lang siya pinilit.
Pumasok na ang lalaki sa loob ngunit hinayaan lang nitong bukas ang pintuan
inisip sigurong maaari siyang sumunod.
At naaakit na siyang pumasok dahil sumisigid na ang panlalamig niya dahil sa basang kasuotan at Nanginginig na siya.
Ano bang ipinag-aalala
niya sa lalaki mukha naman itong harmless.
Hindi nga ba at sinuong nito ang malaking panganib para lamang mai-ligtas
siya.
Saan ba siya nag-aalala sa maaari nitong gawin sa kanya o sa kung anong bumabangong atraksyon niya para rito.
Mula sa likuran ay nakaramdam siya ng munting kaluskos.
Pinasubalian na ang mga isipin at may pagmamadaling pumasok
sa loob ng bahay.
Mabilis niyang isinara ang pinto.
Pagbaling niya ay tumambad sa harap si Dimitri topless.
Agad siyang nagbawi ng tingin.
Husme! Husme! Ang kaninang nai-ilalarawang diwa niyang masel nito sa tiyan ay malaya niya na ngayong napagmamasdan.
At hindi siya nagkamali ng sapantaha.
What a male beautiful and devastatingly sexy body.
Damn para itong diyos ng mga Griyego.
Hindi nakawala sa pansin niya ang mahaba at malaking pilat nito sa braso.
Ngunit hindi noon natabunan ang paghanga niya. Paghanga? Agad - agad?
"O akala ko ba ayaw mong pumasok dahil baka may gawin ako sayo?" Anito.
"M...malamig sa labas." Marahan niyang sagot habang sa malayo ang tingin.
OMG, hindi talaga siya makabawi sa
nakikitang tanawin.
Nakakapag-rigodon ng hormones.
Inabutan siya ni Dimitri ng malinis na tuwalya at kamiseta.
"Ayusin mo iyang sarili mo at magbanlaw ka. Baka mamaya sa pulmonya ka pa bumigay." Bangot nito.
Itinuro nito ang banyo.
Mabilis siyang kumilos. May nakahanda ng tubig pagpasok niya ng palikuran.
Nasorpresa siya ng maramdamang maligamgam
ang tubig na nasa timba.
Sumilay ang ngiti sa sulok ng kanyang mga labi.
May kabaitan din naman palang tinataglay
sa katawan ang sangganong lalaki.
Aba ineng, hindi pa ba mabait sa'yo ang tao?
Hindi biro ang sinuong niyang panganib para lamang mailigtas ka
sa mga kasamahan nitong demonyo?
Udyok ng isip niyang makabuti.
Naku, e kaya ka lang naman iyon ginawa ng lalaki dahil sa pansariling hangarin.
Hindi nga ba ay may bargain agreement
kayo?
Ano naman ang ipinagkaiba niya sa mga ulupong niyang kasama, e gusto ka lang naman niyang solohin.
Ayon naman ng isip niyang makasalungat.
Napapabuntong-hinhingang pinalis niyang pareho ang isipin maging alalahanin.
Ang mahalaga ay nakawala siya sa kuta
ng mga berdugo.
Nakapag-anlaw na si Rose nang lumabas ng banyo.
Medyo asiwa sa pakiramdam dahil wala siyang suot na panloob.
Mabuti na lamang at nagmukhang T-shirt dress ang kamiseta ni Dimitri. Natakpan ang dapat matakpan.
Na-excite tuloy siya sa pakiramdam na suot-
suot niya ang personal na gamit nito.
Nakaupo si Dimitri sa may hapag, hindi katulad kanina ay nakabihis na rin ito. Hindi niya Alam Kung manghihinayang siya.
Sa lamesa nakita niyang may dalawang puswelo ng kape.
Sinenyasan siya nitong lumapit. Umupo siya sa silya at pinagkrus ang mga binti.
Inilapit ni Dimitri ang tasa ng kape sa harap niya. Tahimik niyang tinanggap iyon at dinala sa bibig.
Masarap mag-timpla ng kape ang lalaki.
Muli ay nasurpresa siya.
Nabalot sila ng katahimikan. Parehong nagpapaki+ramdaman.
Maya-maya ay tumayo si Dimitri at may kinuhang lalagyanan.
Sa pagkabigla niya ay naupo ito sa silyang katabi lamang niya.
Paharap na naupo ang lalaki ipinatong nito ang dala
sa ibabaw ng lamesa.
Isa pala iyong medicine box .
Inisa-isa nitong nilabas ang mga gamot at panlinis sa sugat.
Hula niya ay gusto nitong gamutin ang sugat niya.
Tinitigan siya sa paraang humihingi ng pahintulot.
Tumango siya. Maingat na hinawakan nito ang binti niya at unti-unting inangat.
Hay naman, napaka-init. gusto niyang pagpawisan.
Na-alarma siya nang dumako ang kamay nito sa dulo ng kamiseta.
Tumigil ito saglit at muling tumitig sa kanya.
Isang marahang tango ang kanyang itinugon.
Inangat nito ang laylayan sa parteng natatakpan ang kanyang sugat.
Damang-dama niya ang init ng palad nito sa kanyang balat.
Ilang beses siyang napalunok. Linsyak!
Sinimulang linisin ni Dimitri ang sugat niya. Alumpihit siya sa sakit.
Napaluha siya hindi dahil sa makirot ang sugat niya, kundi dahil unti-unti nang tumitimo sa utak niya ang mga pinagdaanang karahasan.
Milagro na lamang na buhay pa siya sa mga oras na ito.
Isang malaking bangungot ang lahat.
Sa isiping iyon ay tuluyan siyang napahagulhol.
Napahinto naman si Dimitri sa ginagawa.
Hindi malaman kung paano sya kokonsolahin.
Para rito ay mas madali pang makipag-laban at makipag-basagan ng mukha, kaysa aluhin ang isang babae.
Ganunpaman ay naramdaman ni Rose ang
paghagod nito sa kanyang likod.
"Maraming salamat kung hindi dahil sa iyo malamang napagsamantalahan na ako ni Baltik at napatay."
Nanatili lang na nakatitig si Dimitri tila nakaunawa sa kanyang nararamdaman.
"Sisingilin mo na ba ako?" Tanong niya kabado.
Naalala niyang nakipag-bargain pala siya sa lalaki.
"Hindi ako basta-basta naniningil. Nagbibigay ako ng palugit," wika nito.
"Maliban sa hindi ka pa handang magbayad ay hindi ka pa ligtas hangga:t hindi ka nakakaalis sa bayang ito."
Napangiti siya. Hindi niya inaasahan ang sagot ni Dimitri. Nagsimulang gumaan ang loob niya rito.
"Totoo ba ang lahat ng ito? Hindi pa rin ako makapaniwala na buhay pa ako... Ouch s**t! Sigaw na pagkabigla ni Rose.
"Grabeee ang sakit ha!" Bulalas niya Kay Dimitri.
"Nakaramdam ka ng sakit buhay ka pa samakatwid," ako ni Dmitri sa kanya.
Inirapan ni Rose ang lalaki.
Sukat ba namang diinan nito ang sugat niyang nilalagyan nito ng gasa.
Bakit ba ang pormal-pormal nito? Ang guwapo pa naman.
Tuluyang napalagay ang loob niya kay Dimitri, kahit na maramot ito sa pag-ngiti.
Mabilis na tinapos nito ang gingawa at pinayuhan siyang magpahinga na.
Inalok nito ang nag-iisang silid na naroon.
Muli siyang nagpasalamat sa lalaki na sinagot lang nito ng matipid na pag tango.
Paglatag ng katawan niya sa higaan ay nakaramdam siya ng ginhawa.
Taimtim siyang nagdasal ng pasasalamat para sa
nagdaang araw na ligtas siya.
---Itutuloy---