Malamig na sa balat ang hanging nagmumula sa bukas na bintana ng kanyang sinasakyang bus.
Sinilip ni Rose ang oras mula sa relong suot. Kulang sampung minuto ay mag iika-anim na nang gabi.
Unti-unti nang kumakagat ang dilim ngunit hindi iyon naging hadlang upang hindi niya mamalas ang kagandahan ng paligid.
Nagagalak sa tuwing may nakikitang interesante sa kanyang paningin.
Panay ang kuha niya ng litrato. Kaya laging nakahanda ang kanyang kamera.
Marahas na bumuntong- hininga ang katabi niyang matanda.
Kanina pa niya napapansin ang pamaya-maya nitong pagsulyap.
Mula pa sa terminal ng San Jose ay kasabay na niya ang matanda.
Sinubukan niya itong batiin, subalit ni hindi siya pinansin.
Kibit-balikat na pumormal na lamang siya ng upo.
Baka naman kasi nai-istorbo niya ang matanda sa kinauupuan.
Pag nakakakita kasi siya ng magandang tanawin ay bigla na lang siyang napapasinghap at naiikot ang p***t sa kinauupuan.
Kahit na sinubukan niyang magbukas sana ng usapin.
Masarap din kaya may ka-kwentuhan sa byahe. Bawas inip.
Minabuti niyang isilid na lamang ang kamera Sa bag.
Tumingin siya nang may paghingi ng paumanhin.
Pormal pa rin ang katabi.
Nagpasysa siyang tumanaw na lamang sa labas.
Binusog ang mata sa mga magagandang tanawin.
"Ineng, kung hindi ako nagkakamali ay dayo ka sa lugar na ito, hindi ba?"
Mabilis na ibinalik ni Rose ang pansin sa matanda nang marinig itong magsalita sa kauna-unahang pagkakataon.
Nasurpresa s'ya, marunong din pala itong managalog.
Buong akala pa naman niya ay baka hindi s:ya nito naiintindihan kaya tahimik lang.
Maliban Sa masyado itong seryoso at nakakailang kausap, napaka-eksaherado kasi nang pagkakakunot nito ng noo.
"Opo," mabilis niyang sagot.
Bagamat hindi naman nakaharap ang naturang matanda ay nagbigay siya ng palakaibigang ngiti.
"Kung hindi mo mamasamain ay saan ba ang iyong tungo?" Sunod nitong tanong.
"Patungo po ako ng San Fabian. Ayon po sa napagtanungan ko sa terminal ay anim na oras ang biyahe patungo roon. May kalayuan rin po pala."
Marahas na lumingon ang kausap. Gumuhit ang takot at pangamba sa mukha nito.
"Hindi ligtas ang lugar na ito Sa mga katulad mong dayo at babae pa," pabigla nitong sabi.
"H.. Ho?" Bigla niyang tanong.
Nagbibigay ba ng babala ang matanda o sadyang nananakot?
Gusto sana niyang klaruhin ang sinabi ng katabi nang maramdaman nila ang paghinto ng bus.
Gumuhit ang pagkabahala sa mukha ng matanda.
Sabay pa silang napa-tingin sa unahan.
Nagtaka siya wala sa sinumang nakasakay ang tumayo upang bumaba.
Sumilip siya sa bintana, latag na ang dilim sa labas.
Wala siyang maaninag na liwanag na maaaring magpatunay na may mga nakatira Sa paligid.
Ano ang dahilan at huminto ang sinasakyan Nila?
Tingin niya ay liblib na lugar ang bahaging iyon.
Naramdaman niya ang pagkalabit ng katabi. Isang itim na bandana ang inia-abot nito na labis niyang pinagtatakhan. Nasa mata niya ang pagtatanong.
"Gamitin mo itong panukob sa iyong ulo iyong siguradong matatakpan ang iyong mukha. Bilis kilos na!" Seryoso, subalit naroon ang takot sa tono ng pananalita.
Naguguluhan man ay mabilis siyang sumunod.
May kakaiba sa paraan nito ng pag-utos.
Hindi niya maiwasang makaramdam ng kaba.
Saglit pa at dalawang lalaki ang umakyat sa bus armado ng di-kalibreng mga b***l at may nakakatakot na mga pagmu-mukha.
Mahahaba ang mga buhok tipong walang ligo at mga balbas sarado.
Kapara'y mga pusakal na hindi pahuhuli ng buhay.
Tuluyang kumabog ang dibdib niya sa nakita.
Kung hindi siya nagkakamali ay bandido ang mga ito. Taong labas kumbaga.
Bawat upuang matapatan ay sinusuri ang mga pasahero.
Kinukumpiska ang mga bagahe at ni wala ni isang mang naglakas-loob na nag reklamo.
Ang iba pa nga ay kusa nang inia-abot ang mga bag nila o kung anupaman.
Ang tanawin ay tila bagang pangkaraniwan na lamang na nangyayari sa araw-araw.
Nagtama ang mata nila ng matanda. Sinenyasan siya nitong yumuko, na agad naman niyang ginawa.
Lumalim ang kanyang paghinga nang nasa tapat na nila ang isang bandido.
Mabilis nitong inabot ang mga gamit niya. Gusto sana niyang mag-protesta.
Hindi niya inaasahan ang bagay na ito sa biyahe niya.
Isang makahulugang sulyap ang ginawa ng matanda.
Mukhang nahuhulaan nito ang tumatakbo sa kanyang isipan.
Nakita niyang sinusuri ng lalaki ang gamit niya.
Nagtaka siguro ito kaiba ang bagahe niya sa karamihan.
Kung bakit kasi nagmaleta pa siya na animo mag babakasyon ng bongang- bonga.
Nagsalubong ang makapal na kilay ng lalaki ng makita ang kamera sa bag.
Dumako ang mata nito Sa pwesto niya.
Sinakmal siya ng takot. Yumuko siyang pilit.
"Ikaw! Tumingin ka sa akin." Turo nito.
Hindi siya tuminag sa kinauupuan.
"Putsa, bingi ka ba?" Singhal nito.
"Bakit pare?" Anang lalaki na naka-jacket.
"Mukhang may naliligaw sa ating balwarte." Nakangising sagot ng lalaking balbas-sarado.
"Mga ginoo, Ipag-paumanhin niyo na ang aking apo. Kagagaling niya lang mula sa pagta-trabaho sa Maynila. Mayroon siyang sakit at..."
"Pinagloloko mo ba kami tanda? Dayo ang isang 'yan, pagtatakpan mo pa. Kahit hawak ka pa ni Dimitri sasamain ka sa akin." Angil nito.
Nag-alala ang dalaga para sa katabi.
Kinapa niya ang kamay nito at pinisil, tanda ng pasasalamat sa pagtatanggol sa kanya.
Kung anuman ang dahilan nito sa pagsi-sinungaling ay mukhang nahuhulaan na niya.
Pilit siyang inabot ng lalaki.
Hinila nito ang bandana sa ulo niya.
Napasigaw siya sa pagkabigla.
Nagulat ang dalawa nang tuluyan siyang tumambad Sa paningin ng mga ito.
" Put.....a! Pag sini-suwerte ka nga naman."
Magka-panabay na bulalas ng dalawang balbas sarado.
Nanlalaki ang mga Mata.
Nakaka-panindig balahibo ang mga pagmumukha habang nakangisi.
Animo mga gutom na buwitre.
"Ano iyang kaguluhan diyan?" Narinig niyang boses mula sa labas.
"May napakasarap na karneng naligaw." Malisyosong sagot ng lalaking naka+itim na jacket.
"Isama na iyan! "
Mabilis siyang hinawakan sa kamay ng lalaki at hinila, pagkatapos kinaladkad pababa ng bus.
Sa pagkabigla ay wala siyang nagawa.
Humingi siya ng tulong sa mga kapwa-pasahero ngunit maliban sa matandang nakatabi ay walang may gustong makialam.
TIla bingi ang mga ito sa pakiusap niya.
Pawang mga takot ang nakalarawan sa mukha.
Walang nagawa ang pagsisigaw at pagpupumiglas niya.
Bago tuluyang mabitbit ng grupo ay nakita niya ang awa at pag-aalala sa mga kapwa-pasahero.
Hindi pa man ay tila may ideya na ang mga ito sa maaari niyang sapitin mula sa mga tampalasan.
Masasakit na ang paa niya kanina pa sila sa walang katapusan kalalakad.
Naramdaman niya ang pagsabit ng jeans sa mga sangang nakausli. Gumuhit ang kirot sa binti niya nang dumaplis ito sa balat niya.
Nagmaka-awa siya sa mga taong bumitbit sa kanya.
Subalit mistulang bingi ang mga ito sa kanyang pakiusap.
Bagkus ay siyang-siya habang pinagmamasdan siya sa napaka-miserableng kalagayan.
Tantiya ni Rose ay mga tatlong oras na lakaran bago narating nila ang kuta ng mga ito.
Hindi niya ma-aninag ang paligid, ngunit base sa mga munting liwanag, alam niyang may ilang kubol Sa lugar.
Ramdam niya ang panginginig ng mga tuhod, maging buong katawan.
Sumasagad ito hanggang kaloob-looban ng internal organs niya.
Nanghihina na siya gawa ng sobrang pagod.
Pakiramdam niya anumang oras ay maaari siyang mabuwal at takasan ng ulirat.
Ang suot niyang gomang sapatos bagamat mahal niyang nabili ay tila sumuko at halos mapudpod.
Sabug-sabog na rin ang kanina'y nakatali pa niyang buhok.
Habang sa daan ay nasampal niya ang lalaking naka-itim naka kupasing itim na jacket.
Tinawag itong batik ng mga kasama.
Diring-dire siya nang subukan siya nitong yakapin at halikan.
Mabuti na lamang at sinaway ito ng isang kasamahan.
Anang lalaki ay isurender daw muna siya sa nangangalang pinunong Horan.
Kailangan daw mag pigil ng lalaki at baka samain sila.
Saka na na raw sila magpyesta pagkatapos ng pinuno.
Nag-alburuto ang lalaki at sinabing lagi nalang ay tira-tirang buto na lamang ang naiiwan sa kanila.
Hindik na hindik siya sa mga naririnig.
Sa malas ay parang nakikini-kinita na niya ang maaring sapitin sa grupong ito na pawang mga m******s.
Maaari siyang malapastanganan
Sa naisip ay gusto niyang panghinaan ng loob sa kawalang magawa.
Subalit pinanatili niyang alerto ang pakiramdam kahit na nakararamdam ng p*******t sa iba't-ibang bahagi ng katawan.
Kung magpapatalo siya sa takot siyang ikapapahamak niyang tunay.
Maglalaho siyang parang bula sa kawalan ng walang makaka-alam.
Dinala siya sa isa sa kubong naroon.
Sa pabilog na kawayang lamesa ay may naratnan silang limang lalaki na
Pawang mga armado rin.
Sadyang hinihintay ang kanilang pagdating.
Ano ito pagpupulong?
Pakiramdam tuloy niya ay isa siyang akusadong gagawaran ng hatol na kamatayan.
Tumayo ang tingin niya ay lider ng grupo.
Hula ni Rose ay ito ang pinunong Horan na tinutukoy ng mga bumitbit sa kanya.
Malaki itong lalaki na may matapang na pagmu-mukha.
Kapansin-pansin ang malaking pilat nito sa pisngi na nagpadagdag Sa mabangis nitong awra.
Hinagod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa.
Tila siya specimen na sinusuri nitong maigi.
Dumampi ang hintuturo nito Sa labi niya.
"Get your hands off of me, you damn bastard." angil niya.
Napaismid siya sa pandidiri. Iniiwas niya rito ang mukha.
Ngumisi ang lalaki tila nasiyahan.
"Oy... Ingleserang tigre ha!
Interesanteng nilaLang." Anito. "Saan niyo nadampot ang isang ito?"
"Sa bus patungong bayan ng San Fabian, pinuno. Mukhang dayo," sagot ng may balbas-saradong lalaki na may dinukot sa bag niyang hawak.
Ini-abot nito ang kamera.
Kumunot ang noo ni Horan habang sinusuri ang digital camera niya.
Muling tumitig sa kanya.
Nagplaster ang pagdududa sa mabalasik nitong mukha.
"Reporter ka ba?" Tanong nito.
"Alam mo bang kinakatay na parang manok ang mga nahuhuling media sa lugar na ito?"
Napalunok si Rose.
Nagsimulang kumabog an dibdib sa takot. Pero hindi siya nagpahalata.
Lumilipad ang isip niya kung paano siya makakatakas sa kinakaharap na panganib.
Nagtawanan ang mga naroon, maliban sa isang lalaking naka-leather jacket na nasa dulong bahagi ng lamesa.
Tahimik lang itong nakamasid.
Muntik na mapasinghap si Rose nang magtama ang kanilang mga mata.
Masyadong malalim at malisik.
May kahabaan ang buhok ng lalaki, na sa tingin niya ay nakatali sa likod.
Lutang ang kagandahang lalaki nito, sa Kabila ng mga tumutubong pinong balbas sa mukha.
He was tall. Puna niya kahit na nakaupo.
May bandanang nakapalibot sa leeg nito.
Nagmukha tuloy itong terorista sa mga palabas.
Hindi ito nababagay Sa liblib na pook na ito.
Mas bagay rito ang ma-feature sa mga magasin bilang modelo o artista.
Lahat nang iyon ay naisip ng dalaga.
She shook her head.
Anong pag-iisip mayroon siya?
Nasa kalagitnaan na siya ng panganib ay napagkaabalahan pa niyang bigyan ng compliments ang lalaking iyon.
Ngunit ano ang ginagawa nito sa masukal na kagubatang pinagdalhan sa kanya ng mga ulupong.
Stupid of her.
Malamang ay isa sa mga hinayupak na buwitre. Sa isiping iyon ay gusto niyang madismaya.
"ikulong ang babaing ito at bantayang maigi." Utos ni Horan.
Naputol nito ang lihim niyang obserbasyon Sa lalaki.
"Hanggang sa muling pagkikita magandang binibini." Patuloy ni Horan kasabay ang ginawang pagpisil nito sa kanyang pisngi.
"Ihanda mo ang iyong sarili at maglalaro tayo."
Napakislot si Rose nang muling lumapat ang kamay nito sa balat niya.
Malisyoso na ang paraan nito nang pagtitig,may kaakibat ng pagnanasa.
Pinanindigan siya ng mga balahibo. Nagpakawala ng nakakalokong halakhak si Horan.
Bago siya tuluyang mailabas ng kubol ay muli niyang nahagip ng tanaw ang lalaki Sa dulo.
Mataman pa rin itong nakatitig ngunit blangko ang ekspresyon ng mga mata.
Bigla ay nakaramdam siya nang pagsikdo ng dibdib, sa 'di malamang dahilan.
Masukal ang kagubatan.
Duda siya kung makalalabas pa siya ng buhay.
Ni wala siyang palatandaan palabas.
Fighter siya at hindi basta-basta sumusuko, pero sa pagkakataon iyon, ay hindi niya maiwasang panghinaan ng loob.
Ipinilig niya ang ulo at ilang beses na nagpikit mata.
Kailangan niyang makaisip ng paraan kung paano makakatakas Sa mala- impiyernong kinasasadlakan.
Hindi siya maaring magtagal sa lugar na ito, kundi tuluyan siyang mapapahamak.
Naalarma siya nang maramdamang bumukas ang kawayang pinto.
Mabilis siyang bumalikwas sa pagkakasandal, tumayo at sinino ang parating.
Pumasok ang lalaking naka-leather jacket kanina.
She gasped by the sight of him.
Kasunod nito ang isang binatilyo na sa tingin niya ay naglalaro sa labing-apat na taong gulang.
May dala itong pagkain.
Minosyunan ito ng lalaki na idulog Sa kanya ang pagkaing dala.
Pagkatapos ay naupo sa naroong pang isahang silya.
Tahimik at hindi manlang nag-abalang tapunan siya ng sulyap.
Nagsimula siyang kumain.
Hindi pamilyar ang pagkaing nakadulog pero talu-talo na.
Kailangang malamnan ang kanyang sikmura, sapagkat kakailanganin niya iyon sa mga susunod na oras.
Habang kumakain ay tahimik na nakamata ang binatilyo.
Agad nitong iniabot ang basong may lamang tubig nang mahirinan siya.
Ngumiti siya at nagpasalamat rito.
Namula ito at hindi Malaman kung paano tutugon.
Kanina pa umaandar ang utak niya at isa na roon ay ang kaibiganin ang kaharap at baka sakaling matulungan siya nito.
Nadidismaya siya sa katotohanang wala nang pinipiling edad ang pagsapi sa mga kilusan.
Nagkakamali siya.
Malayo sa makakaliwang kilusan ang grupong ito.
Ganunpaman ay ramdam niya ang kainosentehan ng bata.
Huminga siya ng malalim.
"Maaari mo ba akong tulungang makatakas rito?" Mahinang anas niya.
Mukhang nabigla ang binatilyo sa narinig.
Naglumikot ang mga mata.
"Babayaran kita," pilit niyang pangungumbinsi.
"Ateng, gustuhin ko man ay wala po ako sa posisyon. Napaka impossible po nang hinihiling ninyo," ganting sagot ng binatilyo.
Nanlumo ang dalaga. Ang tsansang nasisilip sana ay mabilis na naglaho.
"Pero may kilala po akong higit na makakatulong sa inyo," pabulong na dagdag ng binatilyo
Sukat sa narinig ay lumiwanag ang kanyang mukha at nabuhayan ng gahiblang pag-asa.
"Talaga? Sino?"
Niligon ng binatilyo ang lalaking ngayon ay abalang nagtatanggal ng bala Sa pistola nito.
Sumunod ang mata niya roon.
"Wag ako ang tingnan mo, Bugoy. Gumagawa ka ng problema, " anang lalaki, gayung hindi naman Sa kanila nakatingin.
"Eh kuyang, 'pag hindi po natin tinulungan si Ateng maganda may pagkalalagyan siya rito, hindi ba?"
Kung sa ibang pagkakataon ay mangingiti siya sa adjective na na ginamit ng bata patungkol Sa kanya.
Muli niyang sinulyapan ang lalaking tinawag nitong kuyang.
Subalit walang tugon mula rito.
Patuloy lang ito sa ginagawa.
Gusto niyang mainis Sa lalaki.
Mabuti pa ang binatilyo at marunong magmalasakit.
Sabagay, ano nga ba ang dapat niyang aasahan sa mga taong katulad nito.
Kapara'y mga buhay na mga patay.
Mga halang ang kaluluwa. Walang mga pakiramdam at walang nais gawin kundi ang makapaminsala ng mga inosente.
"Bumalik ka na sa pwesto mo," baling ng lalaki sa bata.
"Ateng, kumbinsihin mo po si kuyang Dimitri. Siya Lang ang bukod tanging makakatulong sa'yo. Maaasahan mo siya. Maniwala po kayo," pabulong na wika ni Bugoy, bago mabilis na lumabas ng kubo.
"Salamat." Aniya.
Kung umabot man sa pandinig ni Bugoy ang pasasalamat niya ay hindi niya alam.
Mistula itong palos sa bilis na makalayo.Tatandaan niya ang pangalan nito.
Ibinalik niya ang mata sa lalaki. Nagulat siyang nakatitig na rin ito.
Oh, damn those eyes. Bigla siyang nailang. Napalunok ng ilang beses.
Inipon ang lahat ng lakas ng loob na mayroon siya.
It's now or never. Ika nga.
Duda mang matutulungan siya nito, katulad ng sinabi ni Bugoy, ay gusto parin niyang subukan.
"D...imitri, right? Oh I need your help. Magbabayad ako Kung kinakailangan."
"Ganyan ka ba kai-responsable at pati bata ay gusto mong idamay.?
Malamig na agaw ng lalaki sa sinasabi niya.
"Excuse me?"
"Gusto mo pang suhulan. Buhay niya ang gusto mong ipain. Alam mo ba iyon?" Patuloy nito.
Awtomatikong tumaas ang kilay ni Rose.
Wala pa man ay barado na agad siya.
What an arrogant man.
Paano niya ito mapapaki-usapang tulungan siyang makatakas kung nagpapakita ito nag pagkadisgusto.
Sa tingin ba nito ay hindi niya alam ang bagay na iyon?
Desperada na s'ya at lahat ng posibilidad na makatakas ay susubukan niya.
"May pagkakataon kang suhulan ang mga taong nagdala sayo rito kanina. Bakit hindi mo ginawa?"
Nagkakamali ang lalaki kung iniisip nitong hindi niya binalak ang bagay na iyon.
Ngunit hindi ang uri ng mga bumitbit sa kanya ang makukuha sa suhol.
Gagawan at gagawn pa rin siya ng mga ito ng masama.
At sa tuwing naiisip ang maaaring kahinatnan sa kamay ng mga buwitre ay mas nanaisin pa niyang mawalan ng buhay agad-agad.
"Sa tingin mo ba kung ganon nga ang ginawa ko, wala ako sa kinalalagyan ko ngayon?" Balik-tanong niya sa lalaki.
Nawalan ng kibo ang kaharap, pagkuway sumagot.
"Hindi makukuha sa suhol sila Baltik. Halang ang kaluluwa ng mga taong nakapaligid sayo.
Isa pa bibihira ang de-primerang karne na naliligaw dito sa gubat. Kaya mag-aagawan ang mga gutom na buwitre."
Makahulugan ang bawat salitang binitawan ni Dimitri.
Tinitigan siya nito sa paraang siya ang karneng tinutukoy nito.
Muli ay gusto niyang mapasinghap.
"Kaya nga ako nakikiusap sa iyo..."
"Hindi ka nakikiusap, nanunuhol ka," agaw nito.
She sighed.
"Okay, sabihin na nating ganoon na nga. Masisisi mo ba ako kung mag-isip ako ng ganong bagay sa kalagayan ko ngayon?"
Saglit siyang natahimik nang biglang may maalala.
"K... Kasama ka ba don sa mga halang ang kaluluwa at buwitreng sinasabi mo?"
Pumormal ang lalaki. Inabot ang pistola at isinukbit Sa baywang.Sinuyod siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Seryoso siyang tinitigan.
"Hindi ako nakikipag-aagawan sa kaka-pirasong karne. Gahaman ako. Sinu-solo ko 'pag natipuhan ko ang pagka-sariwa. Ganon ako kahalang."
Kung isa siguro sa mga bumitbit sa kanya ang magsabi noon, malamang manginig na siya sa takot.
Pero kaiba sa lalaking ito.
Hindi niya maramdaman ang panganib.
"Tutal ay gusto mong manuhol, mag-bargain tayo. "
"Pumapayag ako kahit ano," mabilis na sagot ni Rose, na hindi man lang nag-abalang mag-isip.
"Kahit ano?" baliktanong ni Dimitri sa tonong naghahamon at gustong mapailing.
"Oo, kahit ano. " she said desperately.
Tumiim ang titig ni Dimitri.
Naglakad palapit sa kanya. Hindi kumukurap.
"T... Teka anong gagawin mo?" Wika niyang napaatras.
Kinabahan siya pero hindi dahil sa takot na maaring gawin nito, kundi sa ibinabadyang reaksyon ng katawan niya.
Naramdaman niya ang paglapat sa kawayang dingding.
Inilapat ng lalaki ang kamay roon. Pumaloob siya sa lalaki.
Her heart beats fast and in her astonishment, tila nananadyang inilapit ni Dimitri ang labi nito malapit sa leeg niya.
Ramdam niya ang hininga ng lalaki na humahaplos sa kanyang balat.
At napakabango niyon.
Gustong manindig ng mga balahibo niya sa katawan.
Pinigil niya ang paghinga.
Literal na naipikit niya ang mga mata.
Nakiramdam.
Ilang segundo rin ang itinagal.
Nang bigla ay...
"Idilat mo iyang mga mata mo at hindi kita hahalikan."
She ended up embarrassed.
Oh God, she's crazy.
Pinamulahan siya ng mukha.
Ano bang naisip niya at nag-muwestra siyang sleeping beauty na hahalikan ng prince charming para magising sa bangungot.
She looked up to him.
Bumulaga ang seryosong ekspresyon nito sa kabila ng pagdidikit ng mga kilay.
"Hindi ko kailangan ang pera mo, miss," sambit ni Dmitri. "Tutal, nagpupumilit ka rin lang naman, bibigyan kita ng magandang partida."
" Kapalit ng kaligtasan mo ay Isang gabing kasama ako Sa ibabaw ng kama ko.
Iyan ang presyo. Sarado ang usapan.
Pag-isipan mong mabuti. Bilisan mo lang dahil mainipin akong tao. Nagkakaintindihan ba tayo? " ang mahaba at malinaw na pagtatapos ni Dimitri.
Napanganga si Rose.
---ITutuloy---