Chapter 9

3190 Words
WOMAN "Are you okay?" "Mhm.." Huminto ako sa pagsimsim ng milk tea nang maramdaman ang panititig sakin ni Aki. Tiningala ko siya na s'yang dahilan para magkasalubong ang mga mata namin. Ngumiti ako at tumungo. Kumuyom ang kanyang panga, tila hindi kumbinsido sa aking sinabi. Ramdam ko rin ang pagbaling sakin ni Era, bakas ang pagtataka sa kanyang mukha pero isinawalang bahala ko ito. It's been a week since that conversation happened. I always found myself thinking that maybe Nathalia is right. Siguro nga ay tungkol lang ito sa awa. Yet in the end of the day, I'm hoping that she might be wrong. I know, I shouldn't bother with that thought. Alam ko rin na sinabi iyon ni Nathalia para ako na mismo ang lumayo kay Aki ngunit anong magagawa ko? Hindi ko magawang pigilan. I'm anxious that he really courted me with a shallow reason. At hindi iyon katanggap-tanggap! But does I have the right to mad at him? I guess, wala! Hindi niya naman kasalanan kung mukha talaga kong kaawa-awa. "Rain." He called hoarsely before I could step on inside the room. Mabilis akong nagpakawala ng hininga at hinarap siya na may pilit na ngiti. "Bakit?" He stared at me for a moment and all I did was to avoid his eyes to met mine. Hindi nakatakas sa aking pandinig ang marahan niyang pagsinghap bago ako tinalikuran. "Let's talk." Hindi na rin ako tumanggi pa kahit na ilang minuto na lang, dadating na ang prof namin sa minor subject. It's good that we should clear things between us. But why do I feel nervous and sad at the same time? Dahil mamaya, magiging klaro na ang lahat ng nasa isipan mo, Rain! "Hey Kitten! San punta niyo?" Hindi ko na kailangan pang magtiin para lang masilip kung sino iyong humarang kay Aki sa unahan. "May pag-uusapan lang." "Huh? Pwede niyo namang gawin 'yon sa loob ah." Darius uttered. There is something on the way he looked at us. At ayoko ng alamin iyon. Halata naman kasi sa painosente niyang mukha ang akusasyon at malisya. I'm already in the left side of Aki and in front of him kaya kitang-kita ko kung paano siya pinagbantaan ng kanyang pinsan. "Okay! Okay! Ito na nga." He frowned. "Just make an excuse to cover us." Aki mandated then grabbed my wrist. Wala akong ginawa kundi ang magpatianod. Bahagya ko rin nilingon si Darius na naiiling kaming pinagmamasdan habang naglalakad papalayo sa kanya. He winked when he noticed that I'm staring at him. Sumimangot na lang din ako at tuluyan na siyang tinalikuran. "Hindi ko na kayang panuorin ang nangyayari. Alam kong may problema. What made you silent these past few days?" He fired back immediately as we arrived at the empty theatre hall. Tirik man ang araw sa labas. Ni isang sikat nito ay hindi magawang tumagos sa makapal na pader ng theatre hall. The room was dark yet I can still see Aki clearly and those things neared us. "Wala naman. Naninibago lang siguro ako." "Naninibago saan?" Napahinto ako. Nag-aalinlangan sa mga bagay na dapat kong gawin. I can't ask it directly because I'm weighing the situation. I liked him so much that I wanted to believe what he is all saying. However, I need to know the truth too. In that way, matigil na ito at hindi pa makakapagbunga ng malalim na sugat sa puso. "I want you to be honest with me, Rain." Aniya pagkuwa'y hinawakan ang magkabilaang braso ko para humarap ako sa kanya. "Say it please. I don't want misunderstanding between us." Hindi pa rin ako nagsalita. I'm too busy staring at him, bedazzled by his handsome face. Thus I can't help but felt the pain inside my chest. "I just want to ask one question." A note of hesitation crept on my voice. Hindi ako sigurado kung nahalata niya iyon dahil agad siyang tumungo. "Is it all about mercy?" Ngumiti pa ko. Sinusubukang gawing magaan ang nararamdaman kahit deep inside, napapaso na ko ng sarili kong laway. Mabilis na napawi ang ngiti ko nang makita ang paglatay ng gulat at pait sa kanyang mga mata. Tila hindi nagustuhan ang kanyang narinig. "What?!" Napayuko ako at mariing kinagat ang aking ibabang labi. Hindi ko magawang iangat ang aking tingin dahil feeling ko, tuluyang babagsak ang namumuong luha sa aking mata kapag ginawa ko iyon. "I thought we already talked clearly about this thing? From the start, you know my intention Rain yet..." Marahas siyang suminghap. Akala ko'y magpapatuloy siya imbes tinalikuran niya ko at isang hakbang pasulong, tuluyan ng pumatak ang aking luha. "I-I know b-but..." "You didn't trust me enough—" "N-no.." Iling ko pagkuwa'y lumapit sa kanya. Tuluyan ko siyang tiningala, ni walang pakialam kung maglandasan man ang mga luha. Meanwhile, Aki was stunned the moment he saw my face glittering with tears. "I can't help but think the fact that I don't deserve you." Nauutal kong wika gawa ng paghikbi. "I trust you Aki but I couldn't do that to myself. I can't—" Hindi ko na magawang maituloy ang pagsasalita nang mabilis niya kong niyakap. It was a warm hug that melted my heart and made me cried more. "Caring less is the easiest way to be happy, Rain. Huwag mong pansinin ang sasabihin ng ibang tao. And no one could ever tell me who's better and deserves me either. Remember that." He whispered sweetly at the back of my head. I nodded many times and snaked my arms on his nape. "I'm sorry." I muttered with throaty voice. Pagkaraan ng ilang sandali, humiwalay na rin ako ng pagkakayakap sa kanya. Mabilis akong nagpalis ng luha at nag-ayos ng mukha bago nag-angat ng tingin. "That's not the thing I want to hear from you." Nakuha ko ang pinupunto niya but I acted like I didn't get it. Alam kong hindi na dapat ito pinapatagal dahil pareho naman ang nararamdaman namin sa isa't isa. But I already planned it and this is not the day for that. Pasimple akong tumalikod at kumilos upang buksan ang pintuan. Sumunod naman si Aki at hindi na rin ako pinilit pa magsalita tungkol sa bagay na gusto niyang marinig mula sa akin. And just like that, I'm okay again. We're okay again. We always have a small fights and misunderstanding but it always ended so fast. Siya ang palaging nagpaparaya kahit ako ang mali, kahit ako ang nagsimula. And it was a hard slap for me. How could I believe Nathalia's words over his actions? The next days were better like the the weather of the whole past week. Shine and bright. Even though pareho kaming abala sa nalalapit na event ng school, we still managed to create a time to each other even through texts or chats. Aki: How's your day? Me: It's tiring pero kaya naman. How 'bout you? Patihaya akong sumalampak sa kama habang binabasa ang kakapasok lang na mensahe mula sa kanya. Aki: •Maaga kaming natapos sa practice kaya hindi ako masyadong napagod. Nagpasama nga pala sakin ngayon si Darius sa mall. Bibili ng bagong sapatos. •You already home? Napangiti ako nang bahagyang sumilip sa aking balintataw ang kanyang imahe. I bit my lower lip to avoid myself from giggling although I'm all alone in my room and I'm allowed to do it anytime. Pinigilan ko pa rin ang sarili. Me: Yup. I send it to him while thinking for another text. But after a seconds, his name together with his message appears on my phone. Aki: Kung pwede lang manuod sa inyo. Doon na sana ako dumiretso kanina. Unfortunately, we're not allowed to invite outsiders. Wala na raw kasing saysay ang palabas lalo na kung vulgar ang practice namin kaya hindi nagpapasok ung stage director namin. I was the production staff in theatre club back then. Ngayon parte na ko ng stage play. Hindi naman ako interesado sa pag-aartista pero musical play kasi ang gagawin ng club namin kaya nilakasan ko na ang loob para mag-audition. Ranz encourages me and Achilles' support urged me to try it. And I believe that he was my lucky charm. Hindi lang ako nakapasok. I also chosen to play an important role. Kaya ganon na lang ang pagpapagod ko. Ayokong masayang ang magandang oportunidad na binigay sakin. At ayokong pagsisihan ni Director Shen ang pagpili sakin. "What are you doing, Samuel?! That's not the right way of extending your legs!" Galit na puna ng choreographer sa aking katabi. Umakyat pa talaga siya sa stage upang puntahan si Samuel na halos naninigas na sa kanyang kinatatayuan. "I'm sorry po." Nauutal na wika ng pinakabatang dancer. "We shouldn't failed with this matter so as soon as you can, avoid creating mistakes! Do you understand?" "O-opo." "Okay!" Sabay palakpak ng malakas. "Back from the start!" At bawat isa ay mabilis kumilos at pumunta sa kani-kanilang pwesto. Minsan na rin akong napagalitan katulad ng ginawa kay Samuel. At first, matatakot ka talaga. But later on, you will learn to transformed those naggings into motivation to do well. Lalo na kung hilig mo talaga ang ganitong bagay. "Pauwi ka na?" Bahagyang tanong at pagsulpot ni Ranz sa aking harapan. Tinigil ko ang pagliligpit upang tingalain siya. "Ah oo eh." Ngumiti siya. "Hindi halatang baguhan ka sa acting. Kaya ikaw talaga ang pinili ng director eh." Napaiwas ako ng tingin dahil sa bahagyang pag-atake ng hiya. Natawa siya ng mahina, marahil napansin ang pagtinag ko. "Stop saying it. Ikaw naman talaga itong magaling sa ating dalawa. Nadala mo lang ako." Pagkuwa'y sinukbit ko ang aking bag sa balikat at tumayo. "At...salamat sa tulong. I can't reach this far without you." Hindi siya nagsalita. He just bit his lower lip and barely raised his brows for a brief moment. Hindi ko na masyadong napagtuonan ng pansin ang kanyang reaksyon lalo na't nagsimula akong maglakad. Sumunod siya at sinabayan ako. "Uhh...susunduin ka ba ng boyfriend mo?" "Hindi. May personal driver ako and...he's not my boyfriend yet." "Ah." At hindi na siya nagsalita pagkatapos. The defeaning silence enveloped between us as we both headed off to parking lot. Hindi na rin sinubukan pareho na mag-open ng topic na mapag-uusapan. It's already dark. Magsiseven o'clock na rin kasi kami natapos sa practice. Hindi naman delikado rito sa MIU dahil secured naman ang school. They hired professional bodyguard to protect this place. 'Yun nga lang kapag lumabas ka, it's not safe anymore. Kaya delikado talaga para sa akin na lumabas para magcommute lalo na no'ng nagvibrate ang phone ko para sa mensahe ni Manong Dan. Manong Dan: Pasensya na, hija. Makakapag-antay ka pa ba? Pinapaayos ko pa ang sasakyan. Bigla kasing nag-inarte ang makina. Huminto ako sa paglalakad upang magtipa ng reply. Naramdaman ko rin ang paghinto ni Ranz at takang pagbaling niya sakin. Saka ko lamang siya binalingan pabalik after kong masend ang text. Me: Okay lang po. Magkocommute na lang po ako. "Bakit? May problema ba?" It must be obvious in my face so I smiled to assure him that I'm fine. I even shook my head and uttered, "Wala naman. I will stop from here. You should go." "Anong ibig mong sabihin?" Kunot noo niyang tanong saka tuluyan akong hinarap. I shut my mouth because I chose not to tell him that I'm screwed. "Hindi makakarating ang sundo mo?" Subalit nagawa niya iyong hulaan. I gazed at him and nodded with a bit of hesitation. "Magkocommute ako kaya dito na ko." "And do you expect me to let you go there? Alone?" Mahinahon ang pagsasalita niya ngunit kitang-kita sa kanyang mata ang iritasyon at kabiguan. "Sorry, Ranz. Ayoko lang na makaabala." I don't know why he took a deep breath to calmed himself. It's okay for me that he is showing his feelings. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit pinipilit niya ang sarili na umaktong okay sa harap ko. "Kahit kailan hindi kita tinuring na abala para sakin." Natigilan ako at nagpakurap-kurap. Hindi inaasahan na makakarinig ako ng ganitong bagay mula sa kanya. Umiwas siya ng tingin at palihim na tumikhim. Alam kong ramdam niya ang mga titig ko ngunit halata namang sinasadya niyang iignora. Something came out on my mind all of the sudden na winala ko rin agad. Napakaimposible kasi na mangyari iyon. "I won't let you ride the bus alone so it's either we will take my car or the bus." He said after a couple of seconds. He even cleared his throat first before he spoke. "Let's go to your car." Tuluyan ko ng kinalimutan ang bumabagabag sa aking isipan at piniling pagtuonan ang totoong nangyayari. Matipid siyang tumungo pagkatapos nauna akong tinalikuran. He started to walk again. Sumunod ako ng tahimik.. "What are you doing?" Tanong ko kay Era pagkaupo ko sa tabi niya. Sandali siyang nag-angat ng tingin pagkatapos bumalik din agad sa ginagawa. "Nakatulog ako kagabi kaya hindi ako nakareview ng lesson. Don't talk to me for now." I chuckled languidly as I watch her seriously reading her notes. Naiiling na lamang akong nag-iwas ng tingin pagkatapos. Hinayaan ko na lang siya. Sa ilang linggo naming magkasama, nasanay na ko sa pagsusuplada niya tuwing umaga. Naiintindihan ko naman kasi ang pakiramdam ng nagmamadali ka tapos biglang may mangungulit sayo. Paano ba naman kasi ginagawa niya ang assignment at pagrereview an hour before the actual deadline. At hindi ito ang unang beses na nangyari. Para bang naging sistema niya na ito. Madalas kong pinupuna iyon sa kanya but she has a lot of excuses. Ako lang itong tatahimik sa huli. Since busy si Era at tapos na naman ako magreview for quiz, humiga na lang ako sa arm desk ko habang inaantay ang pagdating ni Aki. "He's your classmate right?" Ranz asked suddenly without looking at me. Tumigil ako sa pagmasid sa tanawin sa labas para kunot noo siyang sulyapan. "Sino?" Inantay ko ang sagot niya subalit nag-isip din ako kung sino ang tinutukoy niya and then, something hits me. "Uh...oo since first semester." Tukoy ko kay Aki dahil siya lang naman itong nakikita kong pinagkakainteresan ni Ranz. Hindi ko nga lang alam kung bakit. "Do you know why he suddenly courted you?" I was stunned because of his question. Mukhang napansin niya iyon kaya lumingon siya sakin kahit nagmamaneho siya. "I mean, you're kind and pretty. It's not that I'm—" Mabilis akong umiling kasabay ng pagputol sa akma niyang sasabihin. "Hindi! Okay lang naman sakin." "I'm really sorry." Ngunit tila hindi siya kumbinsido sa sinasabi ko. I can't blame him though. Kahit anong tago ko ng nararamdaman, alam kong halata pa rin ito. Yeah! I'm badly hurt now but it doesn't mean that it was his fault. I don't want him to take the guilt so I'm pretending that everything was alright. That I'm not affected at all. "It's really fine, Ranz." Ngiti ko. Tinitigan ko pa talaga siya ng mabuti para lang makumbinsi siya na totoo ang sinasabi ko. He heaved a deep sigh afterwards. Ibinalik niya rin ang atensyon sa pagmamaneho. "We started talking to each other when he asked me a favor." Panimula ko pagkalipas ng isang minuto. Hindi siya nagsalita o sumulyap man lang pero alam kong nakikinig siya kaya nagpatuloy ako. "Then there's an incident. He helped me and...we became closer after that. I never expect that he will court me eventually. Hindi naman kasi kami nag-uusap dati. Actually, we're complete stranger." "So you started talking not long ago?" "Mhm..." I nodded. I also heard him mumbled something. Hindi ko nga lang iyon naintindihan dahil masyadong mahina at mukhang para lang iyon sa sarili niya... "Darius!" Bukod sa pagsaway ni Aki, natinag ako sa pagbaliktanaw nang may nag-angat ng aking buhok na s'yang tumatakip sa aking mukha. Napag-alaman kong si Darius ang gumawa no'n. Umalis ako sa pagkakahiga sa arm desk at mabilis na sinuklay ang buhok ko gamit ang aking mga daliri bago humarap sa magpinsan. "What?! Masyado ka namang overprotective. Si Rain nga hindi nagrereklamo eh." Natatawang wika ni Darius saka mapang-asar na tumingin sakin. Aki hissed and almost rolled his eyes in irritation. "Of course. Everything doesn't matter to Rain." Nathalia meddled. Lahat kami natigilan pero agad din naman nakarecover si Darius. He even smirked at her. Si Aki naman ay mukhang walang balak makinig. Kita sa kanya ang kawalan ng interes sa katabi. I want to ignore her either but there is something wrong in her smile. At pagkalipas nga ng ilang sandali, nalaman ko ito. "She won't bother if someone drove her home aside from you, Achilles." She was looking at me all the time while saying it. Subalit nilingon niya si Aki no'ng sinambit niya ang pangalan nito. Nag-alala ako bigla na baka maapektuhan siya sa sinabi ni Nathalia. Nakalimutan ko kasing sabihin sa kanya kagabi ang tungkol sa paghatid ni Ranz. Besides, hindi naman iyon big deal sakin. Tinulungan lang naman ako ng tao. And Ranz is just a good friend. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit pati siya nadadamay sa pagitan namin ni Nathalia. "What are you talking about?" He asked lazily. "Oh? Hindi ba nasabi sayo ni Rain? Why don't you ask her yourself?" She smirked. "Sino naman ang naghatid sa kanya?" Si Darius na kanina pa kami kuryosong pinapanuod. "I don't know what you're trying to imply but Ranz...he's my friend." Singit ko at matamang tumayo. "I didn't tell it to Aki because it wasn't a big deal at all. And I didn't expect either that it was a huge issue to you—" "Shut up!" My mouth hang open as she sheared my words annoyingly. "You better stop talking back to me." "I will....But you better stop dragging my friend's name here too." Her jaw clenched and she glared at me unbelievably. Kung kami nga lang sigurong dalawa, baka kanina niya pa ko sinabunutan. Unfortunately, she need to past Aki before she could get me. Naalis ang tingin ko sa kanya nang tumikhim si Aki. I shifted my eyes to him guiltily but he don't see it since he was looking at Nathalia. "The next time you meddle at us is the last time you have a bold confidence." Kitang-kita ko ang paglatay ng sakit at kabiguan sa mata ni Nathalia dahil sa sinabi ni Aki. But she was so strong that she didn't let herself stumbled in front of everyone. She's obviously mad yet couldn't do anything. She know it. Kaya padarag siyang tumalikod at umalis pagkalipas ng ilang sandali. "You are too mean, Achilles!" Si Suzzy na kanina'y kakapasok lang ng classroom. Ngayon nasa harapan siya namin. Hindi na naabutan pa ang kaibigan dahil sa pagwalkout nito. Tamad na sinalubong ni Aki ang kanyang matatalim na titig. "Then how do you call what she did at Rain?" Natigilan si Suzzy. Sumulyap siya sakin pagkuwa'y marahas na tumikhim. Ako naman ay halos masugatan na ang labi kakakagat. Walang magawa kundi tahimik na panuorin ang mga kaharap. "I'm just taking back what she'd done. I understand that she's your friend but Rain...is my woman too." And he leave like he never said something that made everyone's jaw dropped. • • • • • •
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD