INSTANT
"Tama pala ang sabi-sabi na halos lahat ng nasa class 2-1 ng BSBA, anak mayaman at sikat." Pasimpleng bulong ni Era sa aking tainga. Mukhang kanina pa siya nakamasid at nanunuod sa paligid. I wonder if nahinuha niya na may tensyong namamagitan sa aming dalawa ni Nathalia.
"Hindi naman lahat."
"Really? Our other classmates were familiar though and most of them were came from elite family."
Tama nga naman siya but what I said is about me. Mayaman lang ako pero hindi sikat. That's what I want to imply at her but I don't need to say it somehow.
"He's Achilles Mirabueno right?" Tukoy niya sa katabi ko. Luckily, Aki's attention is not on us kaya malaya ko siyang nasasagot. Tumungo ako bilang tugon and then, another statement came from her. "Their family owned this university kaya hindi nakakapagtaka na sikat talaga sila rito lalo na 'yang Darius."
"You know him?"
She nodded and took a glance at Darius who's busy laughing while teasing Marky. "He is known as casanova. My colleagues in Accountancy calls him that way. Don't tell me, hindi mo iyon alam?"
"I already know it."
"Kung ganon, hindi na kita kailangan paalalahanan sa maaari mong kahantungan?"
"What do you mean?"
"That almost all Mirabuenos were heartbreaker and ruthless."
Natigilan ako at sandaling napasulyap kay Aki. His left side face was enough to blocked my vision from seeing Darius' face. Yon nga lang ay natatanaw ko pa rin ang madilim na titig ng grupo nina Nathalia mula sa kabilang column ng upuan. I bit my lower sadly as I drifted my vision away from them.
"No offend, Rain. Ayoko lang magkulang ng paalala sayo."
"I understand." Lingon ko kay Era. She smiled and with courtesy, I smiled back too.
For the first time, naramdaman ko ang pagkakaroon ng kaibigan. And internal me hoping that she will stay at my side. I want to keep her. Her words may harsh and judgemental yet it doesn't matter to me. She's just being honest after all.
The class went smoothly and normally. Bukod sa mga professors na pumapasok lang para mag-attendance, nothing cosmical happened right after. Aside siguro sa pagyaya sakin ng dalawang tao na samahan sila na kumain sa cafeteria.
"Sige kayo na lang. Sasama na lang ako sa mga dati kong kaklase sa COA."
Kagat labi kong pinagmasdan ang dalawa, naguguluhan. Hindi ko kasi alam kung sino ang sasamahan ko. I'm not fond of taking one's side. Takot akong makasakit ng feelings ng iba kaya imbes na pumili, hinahayaan ko na lang na sirkumstansya na ang magdesisyon para sakin.
"Hindi, wag na. I know Rain want to know you more." Pagpaparaya ni Aki pagkatapos binalingan ako. "I'm with Darius. Just text me if you need something."
He said it casually but my chest boomed like a shot of canyon. I can't take how he flattered my heart with such a simple gestures. Pakiramdam ko para akong time bomb na sasabog tuwing pinapakita niya sakin ang pagiging thoughtful niya.
Hindi man halata sa mukha ko dahil magaling ako magtago ng totoong nararamdaman. Believe me! Ramdam ko na ang pag-init ng aking pisngi at anytime, magiging visible na 'to sa mukha ko.
Pagkatapos kong tumungo, matipid siyang ngumiti bago ako tinalikuran para sumama kina Darius. Kung hindi pa ko siniko ng katabi, hindi pa ko aalis sa pagkakatulala.
"Huwag ka namang mang-inggit sa mga single rito."
My lips twisted and a small smile escaped from it. Hindi mapigilan ang kilig.
"Pero bet ko siya para sayo."
"Akala ko ba mga.." Tumigil ako sandali para tumingin sa paligid. Buti na lang, medyo kaunti na lang kaming natitira dito sa loob. Kaya baka ayos lang na mag-usap kami tungkol sa mga Mirabueno.
"Maybe I'm too judgemental. Mukhang sincere naman iyong manliligaw mo." She added. Hindi na ko hinayaan pang ituloy ang sasabihin ko.
Besides, I'm thankful to her dahil hindi ko na kailangan pang magsalita para lang maintindihan niya ko. She's good at reading what's on my mind. Ni kakakilala pa nga lang namin pero close na agad kami. I wonder if I'm being transparent these days. Parang ang bilis ko na kasi magkaroon ng kaibigan o baka naman dahil iyon sa pagiging malapit ko kay Aki?
"He was." Sa kabila ng iniisip, hindi ko hinayaan ang sarili na maligaw sa usapin. Ngumisi si Era ng may panunuya dahil sa aking sinabi. Inasar niya pa ko habang binabagtas namin ang daan patungong cafeteria.
"Hop in. I will send you home." With my phone on my hand, nag-angat ako ng tingin sa kanya. Hinarang niya pa talaga sa harapan ko ang BMW niya para lang yayain ako.
Gusto ko sanang tumanggi dahil papunta na naman si Manong Dan para sunduin ako. I can't reject his offer though. I really can't. Kaya sumakay na lang ako and opted my personal driver na bumalik na lang dahil may maghahatid na sakin.
Buti na lang, hindi na ito nagreply para magtanong. Somehow, Nanay Edith will surely gonna ask me pagkauwi ko sa bahay. Hindi ko pa rin kasi sinasabi sa kanya ang tungkol kay Aki. Plano ko na saka na lang kapag sigurado na ko sa kung ano man ang meron kami.
"Are you okay?"
"Huh?"
His forehead creased upon seeing my puzzlement. Sumulyap siya sandali sa harapan pagkatapos dahan-dahang hininto ang sasakyan. Naging red kasi ang traffic light kaya nagkaroon siya ng pagkakataong tuluyan akong balingan ng atensyon.
"You seem bothered. May inaantay ka ba?" Tanong niya saka iminuwestra ang hawak kong phone gamit ang kanyang paningin. Bumagsak ang tingin ko roon at napagtanto na sa harap pa ko ng mga messages natulala.
Umiling ako at matipid na ngumiti.
"Wala naman," sabay tago ng phone sa loob ng aking bag. "Ano nga ulit ang—"
Bahagyang nabitin sa ere ang sasabihin ko nang madatnan siyang walang ekspresyong nakatitig sa pinaglagyan ko ng aking phone. Saka ko lamang tinuloy ang aking winiwika nung nag-angat siya ng tingin.
"t-tinatanong mo?"
Sa halip na sagutin ako, nag-iwas lamang siya ng tingin na s'yang dahilan para lingonin ko siya ng ilang beses. Naguguluhan sa mabilis na pagbago ng kanyang mood.
I can't keep but to chewed my lower lip as I watched him maneuvered his car seriously. I waited him to talk back at me subalit nang natanaw ko na ang pangalan ng subdivision namin. Hindi ko maiwasang magsalita.
"Uh?" Nag-aalinlangan kong tawag. Sumulyap siya sakin at kinuha ko ang pagkakataong iyon para tuluyang kunin ang kanyang atensyon. "G-galit ka ba?"
I tried myself not to show my sadness and frustration yet it appears that I can't help it.
Umigting ang kanyang panga. He looked so conflicted. Like he was torn between the desire to behaved indignantly but also wanted to talk back at me.
"No."
In the end, he shook his head and heaved a deep sigh. Nakatagilid ang ulo ko dahil nakabaling ito sa kanya. I felt how my chest bursted out heavy breaths while waiting to his next words.
"I can't mad at you...I can't endure fighting with you, Rain." Mataman niyang wika pagkuwa'y pinukolan ako ng tingin. That's when our eyes met and stay to each other for a seconds.
"I can't do that with my own kryptonite."
And a big bomb exploded inside my chest. The overwhelming pleasures I currently felt is like the denotative meaning of my name. Pumatak, bumuhos at nagkalat....sa aking sistema.
"Si Nanay Edith po, Ate Elsie?" Mahina kong tanong nang masalubong ang isa sa mga kasambahay namin sa labas. Alam kong imposibleng marinig ni Nanay Edith ang boses ko mula sa loob pero nag-iingat lang ako. Malay ko bang naririto lang pala siya sa labas, inaantay ang pagdating ko.
"Wala pa siya. Kaninang umaga pa iyon umalis pero hanggang ngayon, hindi pa nakakauwi." Kaswal niyang sagot kahit visible sa kanyang noo ang pagtataka. Marahil ay dahil sa kinikilos ko. Palinga-linga kasi ako sa paligid na akala mo'y may tinataguan ngunit umayos ako sa pagkakatayo at napadako ang tingin sa kaharap ng marinig ang sinabi niya.
"Ah...saan daw po siya pupunta?"
"Hindi ko alam, Rain. Hindi niya naman sinabi sa amin."
"Ah...okay po."
Tumungo si Ate Elsie at tinuloy ang pagpunta sa hardin ng mansyon. Ako naman pumanhik na sa loob at dumiretso sa kwarto ko dala ang pag-alala kay Nanay Edith.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ko dahil wala siya rito at posibleng hindi niya ko mapagalitan o mag-aalala dahil gabi na pero wala pa siya?
Me:
Nay, asan po kayo?
It was the message I sent to her. Tinawagan ko siya pero hindi naman sumasagot. Kaya baka may ginagawa siya dahil never niya namang ginawa ang hindi pagsagot sa tawag ko maliban talaga kapag busy siya. Subalit ano namang dahilan bakit siya abala kung ganon? Eh nasa labas naman siya, hindi rito sa loob ng mansyon.
Pabagsak akong umupo sa kama pagkarating ko sa aking kwarto. My phone beeped right after as it received a message from Aki.
Him:
I'm already home.
I chewed my lips, avoiding myself from giggling crazily. Padapa akong sumalampak sa kama at mabilis na nagtipa ng reply.
Me:
Okay. Thank you!
Him:
For what?
Me:
For take me home and for being safe.
Him:
No prob.
And another text came that made my heart fluttered more.
Him:
Basta ikaw.
Ewan ko ba kung bakit nagpagulong-gulong ako sa kama. I halted the moment I noticed what I'm doing. Umayos ako sa pagkakahiga at nagpasyang ibalik ang sarili sa katinuan.
After that, we talked about school stuffs hanggang sa hindi ko namalayan nakatulog na pala ko. Tuluyan ng nakalimutan ang pag-aalala sa itinuturing na ina.
Kinabukasan, nagising ako dahil sa sunod-sunod na pagkatok sa pintuan ng aking kwarto. Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan ng kwarto. Tiningala ko rin ang wall clock bago bumangon at tinungo ang pintuan.
"Po?"
I scratched my eyes twice just to cleared my vision and to saw who's in front of me properly.
"Anong oras pasok mo?"
"Saan po kayo pumunta kahapon?" Sabay naming tanong sa isa't isa. Ngumiti siya samantalang ako, hindi naman nagbago ang reaksyon. Kagigising ko lang kaya mabagal pa rumihestro ang utak ko.
"Akala ko ba gusto mong maglibang ako sa labas?" Aniya saka naglakad papasok sa loob ng kwarto ko. Sinundan ko siya habang nangungunot ang noo.
"Opo nga po?"
"Pumunta ako kahapon sa BGC para maglibang at magshopping." Tuluyan niya kong hinarap mula sa pagkakasalansan niya sa mga damit ko sa closet. "Nawala lang ako sandali, hinanap mo na agad ako."
"Hindi po kayo nagpaalam at hindi niyo man lang po ako sinama."
"May pasok ka kaya kahapon." Turan niya kasabay ng pag-abot niya sakin ng damit ko. Tinanggap ko iyon nang hindi inaalis ang tingin sa kanya.
"Hindi niyo man lang po ako tinext." I almost sounded like a mother scolding her importunate child. Kaya hindi ko masisisi si Nanay Edith kung humagikhik siya pagkatapos. All this time, nakasimangot ko lang siyang pinapanuod hanggang sa matapos siya sa pagtawa.
I sense that something is wrong the whole time I'm watching her. Ngunit nawala iyon na parang bula nang hinaplos niya ang aking buhok at matamang nagsalita. "Maghanda ka na at papasok ka pa di ba?"
"Opo." I pouted and went to bathroom afterwards. Tuluyan ng nakalimutan ang bumabagabag sa aking isipan.
The moment I heard the creak of door before I could turn on the shower, I know Nanay Edith left. Ten minutes and I'm already done with my thing. Diretsong napadako ang aking tingin sa mga shopping bags na nakalapag sa aking kama pagkalabas ko ng bathroom.
Nanay Edith was telling the truth. Nagshopping nga siya. But I wonder if alam niyang hindi si Manong Dan ang naghatid sakin kagabi? Pero kung alam niya nga, siguradong inusisa niya na ko pagkakatok niya pa lang sa pintuan ng kwarto ko. It means that they're not yet talking. I still have a chance to negotiate with Manong Dan and I really hope that it will work.
"Kumain na ko pero salamat." Nakangiti kong wika kay Era nung inalok niya ko ng pagkain niya.
"Tanghali na kasi ako nagising kaya dito na lang ako kumain ng breakfast." Bahagya niyang paliwanag pagkuwa'y sinubo ang pagkain sa kanyang bibig. Namamangha na lamang akong ngumiti ng mapagtanto kung gaano siya kacareless sa paligid. Ni hindi man lang siya nakaramdam ng awkwardness sa kabila ng mga taong nakatingin sa kanya.
"Bakit?" Referring to her reason for waking up late. "Nagtatrabaho ka ba?"
Tumungo siya.
"My family owned a restaurant. Hindi naman ganon kasikat pero maraming dumadayo. I worked there to decrease our expenses."
"Ah.." I hummed with amazement knowing that she's a diligent and wise woman.
"How 'bout you? Hulaan ko hmm..." Tumingala pa talaga siya sa kisame para kunwareng nag-iisip. After a few seconds, tumigil siya at pinaningkitan ako ng mata. "Galing ka sa mayamang pamilya 'no?"
Natigilan ako at bahagyang napalunok. I was too astonished to speak. Hindi ako makapaniwala na isang linggo pa lang kami magkasama pero alam niya na agad ang disposisyon ko sa buhay.
"Tama ang hula ko 'no?" She added proudly as if I already ratified her speculation. Pinatapos ko muna siya sa pagliligpit ng kanyang pinagkainan bago ko siya kinausap.
"Paano mo naman nasabi?"
"It's kinda obvious. Mahinhin ka kumilos, malambot ang mga kamay mo at maayos kang magsalita." Her reaction was too quick to change while enumerating. That's why I only saw how her eyes blinked a many times.
"You're quite good in observing." I commented that made her shrugged her both shoulder. Natawa ako ng mahina nang mapansin ang kunwareng pagyayabang niya. Natawa rin siya at matamang umiling ng paulit-ulit. Marahil ay napagtanto na masyado siyang bilib sa sarili.
Kasabay ng pagbaling ko sa unahan, ang pagpasok ng magpinsan sa classroom. Tumuwid ako sa pagkakaupo at bahagyang ngumiti nang tumagos ang tingin ni Aki sakin.
His lips twisted as he sat beside me. Agad kong nilabas ang biniling pagkain sa isang sikat na fastfood chain at inabot ito sa kanya.
"Hindi ka na dapat nag-abala pa." He said politely and received the food as well. My heart jumped because of happiness. I thought, tatanggi siya.
"Nadaanan ko lang naman iyan papunta rito." I explained with slight smile plastered on my lips. Kahit ang totoo, sinadya ko talagang bilhan siya. "At baka tinanghali ka na ng gising kaya baka hindi ka nakapag-almusal."
"Oo nga naman, Kitten. Di ba nagpuyat kayo kagabi?" Makahulugang komento ni Darius. I stunned for a while dahil nakuha ko ang pinupunto niya pero nagkunwari akong hindi. Besides, I don't like the way he think about stuffs. Masyadong uhh.....nevermind!
Ngumuso ako samantalang si Aki ay tinapunan ng masamang tingin ang pinsan. Darius raised his palms submissively yet a malicious smirk still engraved on his lips.
Umiling na lamang ako pagkuwa'y binaling ang atensyon sa unahan since parating na rin ang professor namin sa first subject.
The past week that we're together, everything became comfortable for the both of us. I never get scared about what other people might say about us when I'm with him. All my insecurities and doubts disappeared because he made me felt like I always got his back.
He was there for me all the time to the point that I got confused. Era even said that Aki liked me more than I liked him. Ayaw kong maniwala ngunit dahil sa pinapakita niya sakin, hindi ko maiwasang isipin na siguro tama nga si Era.
"Himala na lang talaga kapag nadadatnan kitang mag-isa."
I was in the middle of washing my hands when Nathalia entered the comfort room. Nag-angat ako ng tingin at nadatnan siyang nakaekis ang kamay habang nakatingin sakin.
Pasimple kong tsinek kung may kasama siya. Baka kasi isa na naman ito sa mga set up niya. Ako lang kasi ang tao sa restroom so I can't managed myself to become suspicious. Miraculously, she was alone too.
Hindi ako nagsalita at mukhang hindi naman siya nag-iexpect na magsasalita ako. Humarap siya sa salamin at nag-ayos ng kanyang buhok. Ramdam ko ang panititig niya kaya mabilis kong tinapos ang ginagawa para makaalis na agad.
"I heard after the rooftop incident, he helped you." Panandalian siyang tumigil sa pagsasalita para harapin ako. Sumandal din siya sa lavatory at marahan akong pinasadahan ng tingin. "And it is when you both started to become closer right?"
"Just straight to the point." I demanded languidly. Sarkastiko siyang napaismid dahil doon. Kita rin sa kanyang ngiti ang incredulity. And I noticed that she ain't aggressive today. It's quite strange. I wonder what she's up to?
"Did you ever think why Aki noticed you?" Umalis siya sa pagkakasandal saka humakbang palapit sakin. Dahan-dahan akong inikotan habang nagsasalita. "Let's wake up, Rain. Good Prince only exist in fairytales and we both know....it was for dumb kids."
I already predicted where this conversation ends. At alam kong masasaktan ako ngunit pakiramdam ko, kailangan kong marinig ito.
"You also know that it wasn't love at first sight. He's our classmate since the class started kaya dapat noon pa lang, naging kayo na."
"Alam ko." I whispered hoarsely. Gising na gising na sa reyalidad.
"Of course, I know. I never treated you stupid in the first place."
"Pero bakit? Bakit mo sinasabi sakin ang mga bagay na 'to?"
"I'm just concerned. You are my classmate after all." She simply replied. I know that her words were fake, 'na hindi naman talaga siya totoong nagmamalasakit sakin. Kaya niya nga ito sinasabi dahil gusto niyang masaktan ako. At nagtagumpay nga siya sa plano niya. Sobrang apektado na ko ngayon sa lahat ng sinasabi niya. I'm hurt, sad and frustrated.
All the efforts, time and patience I consumed to forget my doubts and insecurities. Just her words. Everything crashed down...in instant.
"Mercy can really impersonate love," she mocked.
• • • • • •