TIME
"Rain Arguelles?"
Napahinto ako sa akmang paglabas nang marinig ang marahang pagtawag sakin. Nilingon ko iyon at nagulat sa nakita.
"Ranz. I mean, Mr. Viajar." Nang maalala na senior ko pala siya sa theatre club. Tumawa siya na dagliang ikinakagat ko sa aking labi.
"Scratch that formality. Wala naman tayo sa theatre club at lalong wala tayo sa Pilipinas. Just call me in first name."
Matipid akong tumungo at ngumiti. Sumang-ayon na lang sa suggestion niya kahit ang weird para sakin na first name basis kami. Bukod sa hindi kami close, mas mataas ang position niya sa theatre club kaysa sakin.
"Pasensya na pala kay Myra no'ng Monday."
"Okay lang. Naiintindihan ko naman na curious lang siya."
"Nakikitsismis kamo." Natatawa niyang iling. Hindi na lang ako nagreact. Hindi ko naman kasi pwedeng i-judge ung babae since hindi ko naman siya kilala.
"Are you here for a leadership training too?"
I nodded.
"Then you must be the heiress of AGS Corporation?"
"Uh..hindi naman. Pinapunta lang ako rito ni Dad. Kasama ko ung kapatid ko."
He smiled. "So my guess was right? You're truly the daughter of Mr. Richard Arguelles?"
Sa halip na sumagot, napatikom ako ng bibig nang makita ang paghanga sa kanyang mata. I don't even know why he looks entertained. Kanina ko rin napupuna ang madalas na pagngiti at pagtawa niya na para bang ang saya ng pinag-uusapan namin.
Hindi naman sa may problema ako sa kanya. Matagal ko na rin alam na mabait siya at friendly. It's actually good that we're talking now unlike for those times that we saw each other na walang pansinan o batian man lang. At alam kong sa parte ko ang may mali. Ako kasi ang tipo ng tao na hindi masyadong pansinin o ung sinasabi nilang loner.
Ibang-iba kay Ranz na palaging napapaligiran ng mga kaibigan. He's mostly like Darius but not in the aspect of being a playboy. NGSB kasi siya at base iyon sa mga kasama namin sa theatre club na may gusto sa kanya. Hindi naman ako interesado kay Ranz kaya wala akong masyadong alam tungkol sa personal info niya. I just know him as my co-member and the main actor of our club. I didn't expect either that our path would cross.
"Tamago Kake Gohan Set."
"Make it two." A familiar voice intruded. Sinilip ko iyon at nadatnan ang mukhang inaasahan kong makita. Ranz smiled. "Morning!"
"Good morning." I greeted back.
"Can I sit here?" Tukoy niya sa bakanteng upuan na kaharap ko. Tumungo-tungo ako. Pasimple ko rin pinasadahan ang paghubad niya ng coat at pagpatong niya nito sa backrest ng upuan bago naupo. Inayos niya rin ang pagkakatupi ng turtle neck niyang suot sa kanyang leeg.
A ghost smile touched his lips. Ito ang dahilan kung bakit narealize kong napatagal na pala ang panunuod ko sa kanya. Umiwas ako ng tingin at nagkunwareng hindi apektado sa tingin niyang may halong akusasyon.
"Ang lamig sa labas. Kasing lamig ng nararamdaman ng mga katulad kong walang jowa." Sambit niya pagkalipas ng ilang sandali. Mukhang hindi na pinagtuonan ang pagkukunware ko.
I bit my lower lip to avoid myself from chuckling. Ito na naman siya sa pasimple niyang pagbibiro. Simula no'ng magkita kami at magkausap, hindi na kami naghiwalay. Iisa lang kasi ang seminar at training na nilalahokan namin kaya nagkasundo kami na magsabay o magtabi since kami lang naman ang magkakilala.
Isang linggo na lang matatapos na kami sa training. Kahit wala si Summer at Dad, thankful pa rin ako dahil nand'yan si Ranz na palagi kong kasama at si Achilles na palagi kong kausap sa phone. Ni hindi ko nga alam kung nag-ienjoy pa ba siya sa bakasyon nila. Oras-oras kasi siya kung magchat.
"Uuwi na kayo bukas?" I asked without looking at him. Ginagawa ko kasi ung business proposal ko. Next Monday pa ang presentation pero hands on kasi ako sa lahat ng bagay. I want everything done as early as possible. Para may panahon pa ko na i-figure out kung may mali sa gawa ko.
[Yeah. Mauuna kami nina Aris na uuwi sa Manila. Magpapaiwan si Darius dahil dadating daw ang lola niya.]
Huminto ako sa pagsusulat para silipin siya sa laptop. Nadatnan ko siyang nakapirmi ang mata sakin. Hindi ko alam kung kanina niya pa ba ko pinapanuod o ngayon-ngayon lang. Ang alam ko lang napaflattered ako sa atensyong binibigay niya sakin.
"Hindi kayo pwedeng magstay d'yan for another week?"
Umiling siya. [Pwede naman kung wala silang dalang babae. Strikto si Lola Divine. She will surely kick us all once she finds out that Darius let the girls slept in her house....Bakit mo pala natanong?]
"Uh..sayang kasi dahil may one week ka pa para magbakasyon."
Kumunot ang noo niya. [Bakit naman sayang? Hindi naman ako ang nakaupo maghapon para makinig sa mga business seminar.]
Ngumuso ako nang maintindihan ang ibig niyang sabihin. He bit his lower lip guiltily.
[Sorry.]
Mahina akong tumawa habang naiiling. Ikinahalukipkip niya lamang ang reaksyon ko.
[Aren't you tired?] He asked after a moment of silence. Ngumiti ako at muling umiling. [Really? Should I go there to help you?]
Napatitig ako sa kanya, kagat-kagat ang ibabang labi. Pinipigilan ang sarili na humagalpak. Ganon din ang ginawa niya pero hindi niya na naiwasang tumawa. He also shook his head in disbelief and shyly covered his eyes through his fist.
[Kaya pala hindi ako naririnig kasi kinikilig pala.]
My forehead furrowed when I heard different voice from his audio. Nakakasiguro akong hindi iyon boses ni Darius o ni Aris. Maybe one of their cousins too? May parte kasi sa boses niya na medyo pamilyar.
Achilles' smile faded. Napalitan ito ng iritasyon nang mapabaling siya sa kanang gawi. Mukhang do'n ata banda nakatayo ung nagsalita.
[What?!]
[Sabi ko kakain na tayo. Bungol naman.]
[Hindi ba kayo makakain ng wala ako?]
[Yeah, Mom. Nasa sayo kasi ung kaldero.]
Hindi ko na nakita pa si Achilles pagkatapos. Umalis na kasi siya sa harap ng camera. Though I still hear them talking with minimize voice.
[Busog pa ko. Mamaya na lang.]
[Woah! Kinain mo na ba ung kausap mo para mabusog ka?]
[Gago! Lumabas ka na nga! Manang-mana ka talaga sa kapatid mo.]
[Lol! Huwag niyo kong igaya sa inyo. Miss!] Napatitig ako sa screen na akala mo'y makikita ko talaga ang tumawag sakin. [Huwag kang maniwala sa sasabihin ni Achilles. s*x lang ang habol nito sayo.]
Imbes na maoffend, natawa ako ng mahina. Aware naman kasi ako na biro lang ang sinabi nito. And I know Achilles too. He's not someone who brought woman into bed. Hindi rin sa judgemental but it was likely Darius and Aris. The role fits them more.
[Axhell Daevonn! Get out!]
[Alright! Alright! Ito na nga.]
And the next thing I heard was the collision of door into the wall and clinked of the metal. Halos kalahating minuto rin ang lumipas bago siya nagsalita.
[Uh...pasensya na.]
Hindi muna ako nagsalita. Inantay ko na bumalik siya sa harap ng cam.
"It's fine. Sino nga pala 'yon?"
[Bunsong kapatid ni Darius.]
"You seems close with your cousins."
Panandaliang kumunot ang noo niya. [We all close to each other.]
"How many cousins do you have?"
Natigilan siya sandali. Mukhang binilang pa ang mga pinsan. I wanted to experience it too but unfortunately, I can't.
[I have 11 cousins in Mirabueno and 5 in Acuesta. Why are you asking anyway?]
"Wala lang. Nakakainggit lang dahil ang laki ng pamilya niyo."
[Bakit naman? Wala ka bang pinsan?]
Matipid akong tumungo. "Mom is only daughter of Rivera. Si Tita Rosie naman na kapatid ni Dad, matandang dalaga."
[So it's just Summer and you?]
I shook my head. "Lima kaming magkakapatid. There is Kuya Skyler, Ate Autumn and Winter."
[At bunso ka?]
"Nope."
Nangunot ang noo niya. [Uh...di ba nabanggit mo na hindi mo na naabutan ung Mom mo?] Kita sa kanya ang paninimbang ngunit mabilis itong napalitan ng gulat nang marinig ang sinagot ko.
"Oo nga pero...quadruplets kami."
[What?!]
Disbelief written all over his face. I can't blame him though. Ito rin kasi ang madalas na reaksyon ng mga kakilala ko kapag nalaman nila na may kakambal ako at hindi lang isa kundi tatlo.
"We're identical twins." Dagdag ko pang wika saka ngumiti.
Tumungo-tungo siya, tila naiintindihan ang sinasabi ko. Hindi na naman siya nagtanong kahit bakas sa mata niya ang paghanga at kuryoso. Still, we continuously talked about different things. Nahinto lang kami sandali no'ng nagpaalam siya na kakain then pagkabalik niya, tuloy ang kuwentuhan namin hanggang alas dyes ng gabi.
Maaga pa ang seminar namin kaya nagpaalam na ko na matutulog na. Siya naman iinom pa raw sila. Nalaman ko na lang na inumaga sila dahil sa i********: stories ni Darius na nakita ko kinaumagahan. Chinat ko lang siya ng 'good morning' pagkuwa'y dumiretso na ko sa hall. Hindi na inantay pa ang reply niya dahil siguradong tulog pa siya.
"What took you so long?"
Kakalabas lang namin ni Ranz nang marinig ko si Summer. I startled for a moment because I didn't expect that she's going to be here. Wala naman kasi siyang binanggit na pupunta siya.
"Sam." Bulalas ko na ikinataas ng kilay niya. Umalis siya sa pagkakasandal sa pader para tuluyan akong harapin. Napadako rin ang tingin niya kay Ranz na nagpalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa. Sigurado naman ako na as of now, aware na siyang kapatid ko ang aking kaharap.
"Si Ranz nga pala."
"Ditch your afternoon appointment." She cut off then lazily shifted back her sight to me. I let her know that I don't like what she did through my eyes but she just ignored me. Like the usual. "We will go to Yanaka."
I glanced first at Ranz with apologetic look before I intrigued Summer. "Utos ba 'yan ni Dad? I can't miss the seminar later. It was quite important."
She hissed. "No. It was mine. I won't go here to sit and listen to that seminar the whole day."
"Pero Sam—"
"You should go, Rain." Ranz interrupted that made us gazed at him. Ngumiti siya sakin. Halatang binabalewala ang madilim na titig ng aking kapatid. "I will record the whole seminar for you. Just take a break and for once, enjoy your stay here."
"Ayun naman pala eh." Irap ni Summer. "Let's go."
"Go ahead. Susunod ako."
Tumalikod na agad ang kapatid ko at nagmartsa palayo samin. Bahagya ko pang napuna ang pagsunod ng tingin sa kanya ng mga tao sa paligid. Hindi naman mapagkakaila dahil kumpara sa suot ko ngayon, Summer wear a turtle neck black long sleeve and flare pants na pinarisan ng Adidas na sapatos. She looks boyish, and sexy and gorgeous at the same time.
Alam ko rin na marami rin nagkakagusto sa kanya pero wala lang lakas ng loob magconfess. Sa tingin niya pa lang kasi, mapapaatras na ung mga lalaki. Hindi tuloy siya nagkakaboyfriend at mukhang hindi naman siya interesado kahit kasi crush lang, wala akong narinig mula sa kanya.
She preferred to spent her time in manly activities instead. Bukod sa captain siya ng isang soccer team, she also a part of taekwando. Car racing din ang isa sa mga hobbies niya which is against si Dad. But I know Summer, hindi siya ang tipong nagpapapigil. I'm sure that she's still doing it.
"Ay hala! I'm sorry. Hindi ko sinasadya." Napatingin ako sa babaeng nakabungguan ko. Nakakapagtaka lang kasi. Kadalasan sa mga ganitong uri ng sitwasyon, ako ang humihingi ng tawad. This time, someone did it and it's kinda odd.
Tumayo siya at binigay sakin ang aking mga gamit na kakadampot niya lang saka ngumiti ng malapad. I smiled back with a little doubt.
"Oh? Business ad ka?" Tanong niya ng makita ang lanyard ko. Tumungo ako ng dalawang beses bilang kompirmasyon.
"Anong class?"
"Class 2-1."
Ngumiti siya muli ng marinig ang sagot ko.
"Magkaklase pala tayo. Tamang-tama, wala pa kasi akong kakilala dahil galing ako sa Accountancy. Nagshift lang ako sa business ad."
"Ah ganon ba." Tipid kong wika. Wala naman akong problema sa madaldal na tao. Ito lang talaga ang paraan ng pagsagot ko.
"Yup. Pwede ba tayong magsabay na lang sa pagpasok?"
"Uhm..sure! No problem." Though I'm not comfortable with her presence. Ngayon ko lang kasi nakita ang mukha niya kahit magkapitbahay lang ang building ng program namin.
"Ayun! Salamat." Aniya pagkatapos ay nagsimula siyang maglakad papuntang classroom. Sumunod na rin ako.
"Emerald Roe Vargas nga pala. But you can call me, Era. Uhm..Ikaw si.." huminto pa talaga siya sa harapan ko para tignan ang ID ko. "Za—sa?"
"It's Zscharina (Zarina)." Pagtatama ko ng akma niyang basahin ang pangalan ko.
"Ah. I'm sorry! Ang hirap kasi banggitin eh."
I barely grinned the moment I saw her reaction. Salubong kasi ang kilay niya na akala mo'y abstract painting ang tinitignan niya. I understand her somehow. Alam ko namang medyo komplikado talaga ang pangalan ko.
"Hindi, okay lang. Pero 'Rain' na lang."
Ngumiti siya bilang pagsang-ayon pagkuwa'y sabay kaming pumasok sa loob. Akala ko nga, mag-iiba siya ng upuan at hihiwalay sakin dahil may tumawag naman sa kanya na kakilala.
However, things didn't end up that way. Sumunod pa talaga siya sakin at tumabi sa pinili kong upuan. Hinayaan ko na lang siya. Tutal kung gusto niya namang lumipat after a week dahil nakatagpo ng kaibigan, okay lang. Although a bit of me expects that she won't. I hope that she's different from other people.
Saktong pag-upo namin ang s'yang pagdagsa ng mga estudyante sa classroom. Nagsimula na rin silang magpasukan. Ang iba ay nakilala ko dahil naging kaklase ko sila noong nakaraang semestre. May iba rin naman na bagong mukha bukod sa katabi ko.
Hindi ko rin maiwasang mapuna ang kulay ng balat ng iilan na kulay kayumanggi. Marahil sinulit talaga nila ang semestral break sa swimming pool or beaches lalo na't sobrang init ng panahon sa Pilipinas.
Time flies really fast. I didn't almost noticed that our business training in Japan ended quickly. Parang kahapon lang ay maghapon akong nasa harap ng big time businessman na nagtatalumpati. Ngayon kita mo nga naman, nasa school na ulit ako. And a little bit excited na para bang ito ang unang pasukan.
"Oh my gad!" Bulalas ni Era na s'yang dahilan para mabalik ako sa kasalukuyang sitwasyon. Mula sa pagkakapalumbaba, taka ko siyang sinulyapan at nadatnang nangingiti.
"If I just know earlier na marami pa lang gwapo rito sa business ad. Edi sana nagshift ako ng mas maaga."
Nilingon ko ang tinutukoy niya. Nang makita kung sino iyong mga paparating saka ko lamang siya naintindihan. Halos namula ang aking pisngi nang magtama ang aming paningin. Tumuwid ako sa pagkakaupo at piniling huwag siyang tignan.
He was the reason why I want the sembreak ended in instance. Siya rin ang dahilan kung bakit hindi ako nabored sa Japan. All the time, he was there to text and called me. Ni hindi ko nga inakala na nakaya kong magbabad sa harap ng cellphone ng matagal. Natulugan ko pa nga siya isang beses at sobrang nakakahiya talaga iyon.
We chatted for almost two weeks and it became a bridge for us to get closer. Nakakapagkuwento ako sa kanya ng hindi man lang nakakaramdam ng awkwardness hindi katulad ng dati. We were so comfortable to each other back then so I don't get it why I'm being this way again.
"Oh? Mukhang dito pa ata nilang planong—"
Hindi na nagawang tapusin ng aking katabi ang kanyang komento no'ng tuluyan ng nakalapit ang magpinsan sa posisyon naming dalawa.
"Hi Rain!" Nangingiting bati ni Darius na gusto ko sanang tugonan kung hindi lang siya muling nagsalita. "Namiss ka ni Kitten. Kumusta ang Tokyo?"
"O-okay lang naman." Mahina kong sagot lalo na't ramdam ko ang ilang pares ng mga mata na nakabaling sakin. Darius really fond of attention but not me. Hindi ako sanay na ako ang pinagtitinginan ng mga tao.
"Hey dude! Dito ka rin pala?" Thanks to Marky na biglang dumating at napunta lahat ng atensyon sa kanya. Kapansin-pansin din kasi ang isang ito kaya nga no'ng nakabungguan ko siya one time, lahat ng atensyon ng mga estudyanteng nasa hallway nakuha niya.
Iyon nga lang ay nasa harapan ko sila nakaharang kaya tumatagos pa rin sa akin iyong mga tingin ng mga kaklase namin.
"Yeah...luckily." Darius simpered arrogantly. He also glanced at me when he heard perhaps Aki's question.
"Nagbreakfast ka na?"
Sa halip na magsalita, pinili ko na lang na ngumiti ng matipid at tumungo. He pursed his lips and raised its left edge a bit. Hindi ko alam kung matutuwa ba ko na tumabi at umupo siya sa katabing upuan ko o mag-alala dahil baka hindi na ko makapagpokus sa pag-aaral. Kasi baka siya na lang ang magiging laman ng utak ko buong maghapon.
"Boyfriend mo?"
Don't get me wrong. Kahit tinanong iyon ni Era ng pasenyas, nagawa ko pa ring makuha. Pasimple akong umiling na ikinakunot ng kanyang noo. Tinignan niya rin ako ng matagal at halos pandilatan para lang mapaamin. Subalit totoo naman ang sinabi ko kaya in the end, she hissed and shook her head in disbelief.
Eventually, sumunod rin kay Aki sa pagtabi si Darius samantalang si Marky, umupo sa likuran ng kaibigan. Bahagya pa siya nitong binati at tinanong na lubos na ikinapula ng aking pisngi.
"Long time no talk, Achilles." Inantay niya pa talagang sulyapan siya ni Aki bago muling nagsalita. "Girlfriend mo?"
From my peripheral view, nakita ko ang pag-iling ni Aki bilang tugon kay Marky. Inaamin ko na medyo nanghina ako roon ngunit ng marinig ang sinunod niyang winika. Gusto kong tumakbo palabas at magwala para lang mabawasan ang pagtahip ng aking dibdib.
"Soon."
Dagdagan pa ng pang-aasar ni Era gamit ang kanyang mata. I felt like I'm going to explode anytime soon. I almost look like a cherry bomb. Kaya para hindi halatang apektado, ginawa kong alibi ang pag-inom ng tubig.
"Oh? She looks familiar though."
I'm aware that Marky is staring at me curiously. Dahan-dahan akong sumulyap sa kanya, nangungunot ang noo. Imposible naman kasi na matatandaan niya ko dahil segundo lang ang pag-uusap namin nang magkabanggaan kami isang beses sa hallway.
Nadatnan ko siyang naiiling. Bahagya ko rin nahagip ang pagkunot ng noo ni Aki habang pasimpleng nagpalipat-lipat ang kanyang tingin sa aming dalawa ni Marky.
"Pero baka kamukha niya lang. Sexy kasi iyon at mukhang lasinggera." Wika nito na hindi ko matukoy kung para ba sa amin o sa sarili niya.
"It must be her sister." Aki uttered
casually which I found strange. Ramdam ko kasi ang coldness sa boses niya. Is he—No! That's impossible! "She's also in Tokyo during the semestral break."
"Really? Baka nga." Si Marky na nagkibit balikat lamang. Hindi na nagsalita pa si Aki. Sa halip, binalik niya ang tingin sakin ngunit panandalian lamang.
Kahit na ganon, hindi nakatakas sa aking paningin ang bahagyang pagkuyom ng kanyang panga at pagdilim ng kanyang titig. I want to ask him why he acted cold all of the sudden yet I don't have a guts to do that.
"And Breccia is here." Singit ni Darius sabay mapang-asar na nilingon ang kaibigan. Tumuwid sa pagkakaupo si Marky saka tiim bagang na nag-iwas ng tingin. Bumaling ako sa harapan at nakita ang grupo ni Nathalia kasama si Suzzy na kakapasok lang ng room.
They are busy talking and laughing together not until Nathalia saw me with Aki at my right side. Mabilis na napawi ang kanyang ngiti at bahagyang natigilan. Her face may look like a plain but the bitterness and mockery invades her pair of dark eyes.
Mukhang napansin iyon ni Suzzy kaya pati siya, napabaling na rin sa kinaroroonan ko. She gazed at me with emotionless face.
Palihim akong suminghap at mabilis na nag-iwas ng tingin. Nahagip ko pa ang paghawak niya sa siko ni Nathalia para kunin ang atensyon nito mula sakin.
The next thing happened was out of my sight anymore. Ipinagpasalamat ko na lang na pagkatapos ng batian nila kay Darius, nilagpasan nila ko at tinungo ang napiling mapagpupuwestuhan.
• • • • • •