bc

FOUR GANGSTER FALL INLOVE WITH ME

book_age18+
9
FOLLOW
1K
READ
dark
curse
campus
surrender
like
intro-logo
Blurb

Si Kelly Cyton, isang dalagang lumaki ng may simpleng pamumuhay. Nabigyan siya ng pagkakataon na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa Xen University. Isang sikat at kilalang Universidad ng mga matatalino at mayayaman, ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya ang apat na lalaki. Reiko Kyve Wheeler, isang dakilang womanizer. Kilala naman si Daniel Vandelson na boyfriend ng bayan dahil sa dami na nitong napaiyak at pinagsabay-sabay na mga babae. Taliwas naman sa dalawa ang ugali ni Jarred Vandelson na tahimik at may sariling mundo. Samantala, kinakatakutan at nilalayuan ng lahat si Jihoon Clymer dahil sa lapitin daw ito ng gulo at misteryoso kung titingnan.Sino kaya sa kanila ang makakakuha sa puso ni Kelly? At kayanin kaya niyang pumasok sa mundo ng mga ito?...

chap-preview
Free preview
๐‚๐‡๐€๐๐“๐„๐‘ 1: ๐™“๐™š๐™ฃ ๐™๐™ฃ๐™ž๐™ซ๐™š๐™ง๐™จ๐™ž๐™ฉ๐™ฎ
Ilang beses akong bumuntong hininga habang nakapikit, pilit na pinapakalma ang sarili bago ko buksan ang pintuan. Pagmulat ko, dahan-dahan kung iniangat ang isa kung kamay na nakatikom. Nagdadalawang isip na katukin ang pintuan na nasa harapan ko. Sa huli ay marahan ko itong kinatok ng tatlong ulit. Hindi naman ako nabigo, tumugon ang nasa loob. Muli akong bumuntong hininga, marahan kong hinawakan ang doornap at dahan-dahan itong binuksan. Kaunting ispasyo lamang ang pagkakabukas ko sa pintuan at sandali munang sumilip doon. Bumungad naman sakin ang isang lalaking nakaupo sa office desk. Naktutok ito sa kaniyang laptop at mukhang busy sa kaniyang ginagawa. Napalingon ito sa direksyon ko ng maramdaman niya ang presensiya ko. Ang kaninang seryosong mukha nito ay napaltan ng ngiti ng makita ako. Hindi ko masabi ang edad niya. Hindi rin agad ako nakapag react dahil sa pustura at itsura niya. Hindi ko kasi inaasahan na mukhang studiyante lang ang dean nila rito. Napakabata pa ng mukha niya, maaliwalas at maginoo. Siguro kung hindi ito nakauniform ng pang Teacher, mapagkakamalan ko siyang studiyante. "Oh, hi. Come in.." agad na wika nito at inoffer ang upuang nasa gilid ng lamesa niya. Ginawaran ko rin ito ng ngiti at isinara ang pintuan ng tuluyan na akong makapasok. "So your the new one. " Isinara na nito ang laptop niya at may kinuha sa ilalim ng office desk. Nahihiya naman akong naupo sa harap niya, infairness di' aircon ang office ng papa niyo. Maslalo siyang gumwapo sa malapitan. Maliit ang mukha nito, medyo pangahin, matangos ang ilong at namumungay ang mga mata. Manipis lang din ang kaniyang labi na may mababaw na guhit sa ibaba. " Your kelly cyton?." Basa niya sa isang folder na kinuha niya lamang kanina sa ilalim ng mesa. Tango lang ang isinagot ko nang tingnan niya ako saglit at muling bumaling sa binabasa niya. I'm a new student here in Xen university. Anyone said that this school is really elite. Maraming studiyante ang siyang nangangarap na makapasok dito maliban na lamang sakin. Sino ba naman kasi ang mangangarap na pumasok sa ganito kalaki at kasikat na paaralan, gayong di' mo naman katulad ang mga makakasalamuha mo rito. " Not bad to your grades. " Panay ang pagbuklat niya sa mga pahina ng folder na iyon. Mukhang requirments ko ang nilalaman nito. " And you are a scholar of mr. Montefalco right?" Panay tango lang ang isinasagot ko sa mga tanong niya. Matapos niyang tingnan ang info ko, isinara na niya ang folder at tumingin sakin. Hawak kamay niyang ipinatong ang mga kamay niya sa lamesa. " So i'm glad that you pass the entrance exam. I hope that you will enjoy the whole year here in XUโ€. Tipid akong natawa. " Haha sana nga po." " Haha, base sa itsura at tono mo ay parang nagdadalawang isip ka pa ms. Cyton. " May pagbibirong saad naman niya. " hindi mo ba gusto rito?" Mukhang nahahalata niya rin na kinakabahan ako at hindi comfortable sa harap niya. Sino ba naman kasi ang hindi kakabahan kung ang kausap mo e'. Napakaperpekto ng mukha. Nakakalaglag panti pa ang pagngiti." Hindi naman po sa ganun." Tugon ko. Hindi ko alam pero nahihirapan akong kausapin siya. Ang akward kasi ng kagwapuhan niya, nahiya 'yong boses ko. Natawa siya. " Don't be so shy ms. Cyton. Be comfortable and relax. " Hindi ko na makita ang mga mata niya sa pagngiti. " I will not biting you " biro pa niya. Oky lang naman sir. Magpapakakagat naman ako e. " Haha. Halata po ba sir? " Sinikap kong alisin ang akward at tensyon na nararamdaman ko. Hindi ko rin magawang tingnan ng maayos at diretsuhan ang mukha niya. Nakakailang talaga, masyado akong nasisilaw sa kagwapuhan niya. Baka kung ano pa ang magawa ko at mawala sa sarili. " Anyway. I'm jack clymer, the head dean of this university. "Pagpapakilala niya sa kaniyang sarili. Inilahad pa nito ang palad niya sa harap ko na agad ko namang tinanggap. Matapos niyang makipag kamay sakin, marami pa itong sinabi at hinabilin. Hindi rin kasi ako nakapag oreint noong summer kaya't dito na rin niya sinabi ang mga kailangan kung gawin at kung ano ang mga patakaran nila dito. Masasabi kong kakaibang dean si mr. Jack, napakafreindly niya at parang nakikipag usap lang ako sa kaidaran ko. Hindi maalis sa kaniyang mukha ang ngiti na siyang nakakahawa at nakakaalis ng badvibes. Hindi ko inaasahan ang paunang bungad ko sa kaniya ay ganito, ang alam ko kasi ay mala-hawk at bumubuga ng apoy ang bubungad sakin sa opisinang ito, but i'm wrong. Kabaliktaran ang nangyari. Nalaman ko rin na may apat na section ang XU. Ang Gold, Daimond, Silver, and Dust. Ang Gold ang pinakamataas na section sa tatlong section, sumunod ang Daimond at Silver. Ang pinakamababang antas ay ang Dust section kung saan ako nabibilang. Sinabi ni Mr. Jack na dito namamalagi ang mga tulad kung scholar at pinagaaral ng mayayaman. Marami pa siyang sinabi na hindi ko na lang inintindi, puro kasi english. Hindi naman kasi ako masyadong magaling sa english. After mins of discusion ni Mr. Jack ay doon na ako nagpaalam sa kaniya, akala ko nga doon na ako mag-i-stay the whole day para pakinggan ang mga discusion niya. Mabuti't naisipan pa niyang tapusin ang kadaldalan niya. Bago ako lumabas at lisanin ang Opisina niya, may ibinigay siya sakin na maliit na papel. Nakapaloob doon ang name ng section at number ng room ko. "Ahm, excuse me. Pwede po bang magtanong?" Tinitigan lang ako ng babaeng nilapitan ko. Maiksi ang buhok nito at nakabangs, nakasuot ng makapal na salamin ngunit bumagay naman sa kaniya. Tumikhim ako. " Ahm, alam niyo ba 'yong room ng dust section?" Napanganga ako at natulala sa babaeng tinanungan ko ng titigan niya lang ako, nakataas pa ang isang kilay nito at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Ang mas-ikinainis ko pa nang irapan ako nito at lagpasan ako ng hindi man lang sinasagot ang tanong ko sa kaniya. Kapal, hah!. Napabuga na lang ako sa hangin habang pinagmamasdan ko siya papalayo. Halos maghalo na ang pagod at inis ko. Kanina pa kasi ako palakad-lakad kakahanap sa lintek na dust section na 'to. Kanina ko pa rin napapansin ang kakaibang mga tingin ng studiyanteng nakakasalubong ko. Ilang beses na rin akong nagtanong at lumapit sa kanila para humingi ng tulong, pero lahat sila di' ko makusap ng ayos. 'yong iba lumalayo, 'yong iba naman panay ang pagiwas. May ilan naman akong nakakausap pero mali-mali naman ang direksyon na binibigay nila sakin, maslalo lang akong naliligaw. Hindi ko sila maintindihan, nakakainis! Nakakapika na!. Napansin ko rin ang mga uniform nila, iba't iba ang kulay. May ilan sa kanila na nakasuot ng goldish yellow palda. Medyo kumikinang ito. May iba naman na nakasout ng kulay blue na palda at ang isa naman ay kulay gray ang palda. Doon ko lang din na pansin na ako lang ang nakasuot ng kulay brownish na palda. Medyo nalilito man, hindi ko na lang muna pinagtuonan 'yon ng pansin. Mas importante sakin ngayon ang mahanap ang room ko. Natigilan ako sa paglalakad ng makaramdam ako ng kung ano sa puson ko. Namilipit ako sa sakit, napahawak ako sa puson ko at nagpalinga-linga sa paligid para maghanap ng cr. Gosh! Bakit ngayon pa ako nakaramdam ng ihi?. Agad akong nagtatakbo, nagmamadali naghanap ng maiihian. Sa sobrang pagmamadali ko, may nabangga akong kung sino. "Pasensiya na. Pasensiya na talaga." Agad akong humingi ng pasensiya sa kaniya, hindi ko na nagawa pang tingnan ang mukha niya kung sino ito pero alam kong lalaki siya. Tumalikod na agad ako sa kaniya at hindi na ito hinintay pang magsalita. Medyo nakakalayo na ako sa taong nabangga ko ng maalala ko na hindi ko nga pala alam kung saan 'yong cr dito, muli akong bumalik sa kaniya na nakahawak sa puson ko. Kainis! Ihing-ihi na talaga ako. Naabutan ko siyang nakatalikod na rin sakin ng harapin ko siya. "Sandali." Nagtatakbo ako papalapit sa kaniya ng huminto ito sa paglalakad niya at humarap sakin. " Alam mo ba cr dito?" Tanong ko sa kaniya. Napangiti ako ng ituro niya sakin ang direksyon ng CR. Agad akong nagpasalamat sa kaniya at nagmamadali na siyang iniwan doon. Mabilis kong binuksan ang cuvicle at nagmamadaling ibinaba ang cycling ko at naupo sa inidoro. "Hmmm..." "Ughh..." " Your already wet babe." Kumunot ang noo ko sa narinig. " I want to feel you inside honey! I'm crazly want it." Narinig ko ang pagpasok ng kung sino sa loob ng CR. Ang bibigat ng kanilang mga yabag. Kinilabutan pa ako sa pagungol ng babae na mukhang nakapasok na sa loob ng baniyo. Rinig ko rin ang pagsara ng pintuan at ang paglock nito. Nanlaki ang mga mata ko at nagmamadali ng itaas ang suot kong maikling short at mabilis na tumayo sa inidoro. Hindi ko na muna iplinash 'yong tiolet, baka kasi marinig pa nila ako at isipan ako ng kung ano. Hindi naman ako marites, pero lumapit ako ng bahagya sa pintuan na nasa harapan ko at idinikit ang tenga ko roon. Kapeng baro ka naman oh! Ano ba 'tong napasukan ko? Hindi ko maiwasang kabahan. Patuloy lang ang pagungol nila, mukhang may ginagawang milagro ang dalawang aswang. Aware ba sila na nasa CR sila at wala sa hotel? Ano bang klaseng paaralan 'to? Akala ko ba ay magiging maganda ang takbo ng buhay ko rito?. Rinig na rinig ko rin ang mga malalagkit nilang halikan na siyang rinig na rinig sa loob ng baniyo. Idagdag pa ang mabibigat na paghinga nila. Gosh! Nandidiri na talaga ako. Nakakarindi ang mga mahahalay na ingay na nililikha nila. Hindi ko na kinaya pa ang mga naririnig ko sa labas ng cuvicle, kaya't inilayo ko na ang tenga ko roon at nagisip ng paraan upang makaalis rito. Hindi ko na mahandle na magstay pa rito at pakinggan ang nakakairita nilang pagungol. Dito pa talaga sa CR ng mga babae, nakakadiri sila!. Napangiti ako ng mahagip ng mata ko ang isang maliit na bintana sa taas ng inidoro. Agad kong isinara ang inidoro at umapak doon. Sinubukan kong sumampa doon sa bintana, ngunit masyado itong mataas. Malas ko pa at nadulas ang isa kong paa na nakaapak sa ibabaw ng inidoro. "Wahhhh!" Sigaw ko ng malaglag ako mula roon at mapasalampak ako sa saheg, tumama ang katawan ko sa pintuan ng cuvicle, kaya't nabuksan ito at doon ako sa labas napasalampak Pahiga. "Aray ko po! Ang likod ko." Daing ko. "Sh*t!" Mura ng dalawang aswang. Napangiwi ako at hindi agad nakatayo. Malakas ang pagkakahiga ko sa saheg, namilipit ako sa sakit ng katawan at hindi ko alam kung papaano ako kikilos. Natigilan ako ng maalala ko na may iba pa nga pala akong kasama rito na pinagtataguan ko. " Who the h*ll are you? " Napatingala ako at nakita ko ang babae na nakaupo sa lababo sa tapat ng mahabang salamin, nakabukaka ito sa harap ng lalaki. Tanggal na rin ang ilang butones ng blouse nito na halos makita na ang dibdib. Naka-unbotton na rin ang buong butones ng polo ng lalaki, dahilan upang tumambad ang matigas at malaki nitong pangangatawan. Parehas ang mga itong nakatingin sakin na may pagtataka, samantala ay mababakas sa pagtataka ng lalaki ang inis. Akward naman akong napangiti at hindi na alam ang gagawin. Kapeng barako talaga! Hindi ko alam kung ano bang kamalasan meron ako at nararanasan ko ang ganito. "What are you doing here b*tch?!" Iritang tanong ng babae. Mabilis na akong tumayo at pilit na binalewala ang sakit ng likod at puwetan ko. Inayos ko ang sarili ko at hinarap ang dalawa. Nakita kung umalis na ang lalaki sa harap ng babae. Nagmamadali na namang ibinotones ng babae ang blouse niya habang nakabusangot ang mukha. Bitin ka girl? -_-. Tumikhim ako, sinisikap silang iwasan ng tingin lalo na โ€˜yong lalaki na napakasama na ng tingin sa โ€˜akin. Bumaba na sa ibabaw ng lababo 'yong babae at balak sana ako nitong lapitan para ataโ€™ sugurin ako nang pigilan siya nung lalaki. " Babe." Nagtataka niyang binalingan 'yong lalaki. "Go to your class." Wika ng lalaki. Ramdam kong nakatingin pa rin siya sakin. " What?" " Ayosin mo ang sarili mo at magtungo na sa klase. " " But babe..." "Do what i say.. " " Urg! Sh*t! " Nanlaki ang mga mata ko ng padabog na umalis โ€˜yong babae at isinara muli ang pinto ng baniyo ng makalabas ito. " T-teka.. ba't mo siya pinalabas?" Nagtataka kong tanong sa lalaki na hindi man lang inaalis ang paningin sakin. Hindi ko na maiwasang kabahan, lalo pa't kaming dalawa na lang ang nasa loob ng CR. Hindi siya sumagot, napakalamig pa rin ng pagtitig niya sakin. "Haha. Hindi mo naman kailangan magalit, pasensiya na kung na istorbo ko kayo sa ginagawa niyo. Hayaan mo wala naman makakaalam. Wala naman akong nakita, pwede na ba akong umalis? Salamat. " Sunod-sunod ang pagsasalita ko. Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at nagmamadali na akong naglakad at nilagpasan siya. Nagulat naman ako ng hawakan niya ang braso ko at hilahin ako. Isinandal niya ako sa tapat ng lababo at itinuon nito sa magkabilang gilid ko ang mga kamay niya. Hindi ako makagalaw, napakalapit niya sakin. Halos magdikit na ang mga katawan namin sa isa't-isa. Hindi ko na rin siya matitigan ng ayos sa sobrang lapit ng mukha nito sakin. Ramdam ko na ang mainit na hanging lumalabas sa bibig at ilong niya. Napalunok ako. Lumibot ang paningin ko sa bawat sulok ng mukha niya. Maliit lamang ang hugis ng mukha nito, matangos ang ilong, bilungin na maliit ang mata na may pagkapungay, makapal na may kaliitan ang labi niya na maihahalintulad sa hugis ng Strawberry. Bagsak ang buhok nito na siyang tumatama ng bahagya sa kaniyang mga mata. Kainis! Ba't hindi ako makahinga ng ayos? Anong nangyayari sakin? Hindi ako makagalaw. " Sa tingin mo ba hahayaan na lang kitang umalis?" Ilang beses akong napakuram. Umiwas ako ng tingin ng mahagip ng mata ko ang dibdib niya, naka unbotton pa rin ang uniform nito kaya't kitang-kita pa rin ang malapad nitong dibdib. Kainis! Ano na gagawin ko? Pakiramdam ko, mawawalan na ako ng malay sa lakas ng kabog dibdib ko. Teka nga! Ba't ba ako natatakot at kinakabahan? Wala naman akong masamang ginawa ahh. Ba't parang ako pa ataโ€™ ang may kasalanan kung bakit nabitin sila sa ginagawa nila?. Doon lang ako nagkaroon ng lakas para tingnan siyang muli ng diretso sa mga mata niya. Nakakunot ang noo ko na tinitigan ito ng may pagtataka. " Ano bang problema mo? Ba't parang kasalanan ko pa?" " Bakit hindi ba?" " Wow! Hah! Pasensiya na, hah! Sorry kung nabitin 'yang alaga mo! " Ngumisi siya. " Are you watching us? " Maslalong nagpantig ang tenga ko. Mas-inilapit niya pa ang mukha niya sakin habang ang mga mata niya, palipat-lipat ng tingin sa labi at mga mata ko. โ€œ Gusto mo rin ba?..โ€ may pang aakit na tanong niya. Bumuga ako ng hangin sa inis." Ibang klase ka rin ano? Lakas mo rin mambintang, ako? Papanoorin ang kahay*pan niyo? At ano? Gusto ko rin? " may pandidiri ko siyang tiningnan. โ€œ mandiri ka nga!โ€ Naging seryoso ang mukha niya." Then why are you here? " Muling lumamig ang tono ng pananalita niya, kumpara kanina na may panunuya. " Hindi ka naman b*bo diba? O baka naman nalimutan mo nang CR 'to ng mga babae, kaya ako nandito. " mas-ngumisi pa siya. Hindi ko na mawari ang paraan ng pagtitig niya sakin ngayon. Titig na titig siya sa mga mata ko. " Paaalala ko lang sayo, hah. Baka kasi nalimutan mo dahil sa kalib*gan mo e'. Cr 'to hindi hotel. CR!" Idiniin ko pa mismo ang salitang 'CR para maunawaan niya. Nanlalaki pa ang mga mata ko habang ineempasize ko iyon sa kaniya. "Hindi mo ba ako kilala?" "Bakit kailangan pa kitang kilalanin?" Sa totoo lang, gustong-gusto ko ng magpalamon sa lupa sa mga oras na 'to. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Halo-halo na rin ang imosyon na nararamdaman ko. Kaba, takot, pagkailang at inis dahil sa pagngisi niya. Wala na akong ibang paraan na maisip. Tinatapangan ko na lang talaga ang loob ko. " Kailangan, para alam mo kung sino ang binabangga mo." " Tama ka, ngayon alam ko na kung sino 'yong taong dapat kung layuan" Nakipagmatigasan ako sa kaniya, mainit kong sinalubong ang mapupungay niyang mga mata. Hindi ako nagpatalo sa kaniya, kahit na nangangatal at nanlalambot na ang buong katawan ko. "Pwede ba? Bitawan mo na ako." Sinubukan ko siyang itulak palayo, masyado siyang malakas. Maslalo pa niyang inilapit ang mukha niya sakin. May pang-aangkit na rin ang paraan ng pagtitig nito. Patuloy lang ang paglipat-lipat ng tingin nang mga mata niya sa labi at mata ko. "Pasensiya na... Hindi kasi uso sakin bitawan 'yong mga bagay na nahawakan ko na, baka kasi pagsisihan ko sa huli kung bibitawan ko pa. " Inis akong ngumisi. " Kung ganun tutulungan kitang bitawan ako " Malamyang saad ko at kusang gumalaw ang isa kung tuhod at tumama iyon sa maselang bahagi niya sa ibaba. Mabilis niya akong nabitawan at napaatras ito palayo, namilipit siya sakit dahil sa ginawa ko. Nasapo niya ang kaniyang ibabang bahagi at halos mangiyak ito sa lakas ng pagkakatuhod ko sa kaniya. Panay ang pagmura nito, halos lahat na ata ng mura, lumabas sa bibig niya. Inis kung hinipan ang ilang hibla ng buhok na siyang humarang sa mukha ko. Itinuon ko ang dalawa kung kamay sa magkabilang bewang ko at sandaling hinabol ang paghinga ko. Tiningnan ko siya ng masama na kasalukuyan pa rin na nagmumura at hindi makarecover sa ginawa ko. " Hindi mahirap diba?" Tiningnan niya ako ng masama. " You! " mariin na saad niya. Bakas sa mukha niya ang panggagalaiti na para bang gusto na niya akong isumpa at kailangan kung pagsisihan ang ginawa ko. Ngumisi ako. " Ako?" Itinuro ko ang sarili. " Ba't ka galit? Ikaw na nga 'tong tinulungan, ikaw pa 'tong mainit ang ulo" May mapang asar na tonong wika ko. Balak niya sana akong lapitan, ngunit masyadong masakit ang alaga niya para makakilos at makalapit sakin. " Naku! Pasensiya na. Napalakas ata. " pagaarte ko. Pinaningkitan niya ako, bakas ang pagbabanta. Kailangan ko na bang magsisi? Kapeng barako! Kanina ko pa minumura 'yong sarili ko dahil sa mga pinagagawa ko. Ilang ulit kong pinapanalangin na sana matapos โ€˜to at hindi ko na makasalubong pa ang lalaking 'to. Kita ko ang paggalaw ng panga nito, sinyales na gigil na gigil na siya sakin. "Ikaw naman kasi sinabi ng bitawan mo ako, hindi ka marunong makinig. " Malapad akong ngumiti, ngiti na talagang maaasar siya. " Sa susunod pati, maghanap ka ng katapat mo. 'yong kakagat sa k*libugan mo. " Muling naging seryoso ang mukha ko. " Gusto ko lang din malaman mo na hindi lahat ng babae, pwede mong maging laruan. " Tinitigan ko ito at pinanood sa paghihinagpis niya sa kaniyang alaga. Napailing ako at napa- " tsk" nang ilang ulit, mababakas sa mukha ko ang disapointment sa itsura at kalagayan niya ngayon. " Yan ang napapala ng taong hayok sa laman. " nakangising saad ko. Hindi mawala-wala sa tono ng boses ko ang pangaasar. Gusto ko pa sana siyang panoorin at asarin, ang kaso baka makaganti pa ito sakin kung hindi pa ako aalis. Ayoko na rin aksayahin pa ang oras ko sa mga ganitong tao. " Hoy! Saan ka pupunta? F*ck!.." sinubukan niyang sundan ako ng tumalikod ako, nagsisimula na akong maglakad patungo sa pinto. Hindi niya ako magawang sundan dahil sa kalagayan niya, hindi siya makakilos ng ayos at panay ang paginda niya sa kaniyang ibaba sa bawat kikilos ito. " We're not done yet! Hey!!" Yan ang mga huling narinig ko bago pa ako makalabas at makalayo sa Comfort Room na 'yon. " Daniel, mahal kita. Mahal na mahal." " I'm sorry but we're not the same. " Natigil ako sa paglalakad ng makarinig ako ng ingay sa hindi kalayuan dito sa hallway. Kasalukuyan pa rin akong naghahanap ng section ko at hanggang ngayon hindi ko pa rin iyon matagpuan. Agad akong nagtago sa isang pader na malapit lamang sa kinatatayuan ko, nang makakita ako ng dalawang taong tila nagtatalo sa hindi kalayuan. Nakatayo ang dalawa sa ilalim ng hagdanan. Bakas sa itsura ng babae ang lungkot at paghihinagpis. Mukhang may drama scene na nangyayari ahh. Hindi ako chismosa, napadaan lang ako dito at hindi sinasadiyang makita at marinig ang kadramahan nila. Hindi ko na kasalanan 'yon. " Bakit ba ang dali lang sayo ng lahat? Kahit minsan ba ay hindi mo ako nagawang mahalin? Kahit gatiting manlang? Hah? Daniel?" Hindi ko maiwasang malungkot sa nakikita ko, sobrang nasasaktan ang babae. Kahit wala ako sa sitwasyon niya, ramdam na ramdam ko kung gaano siya nasasaktan. Hindi ko naman maiwasang mainis sa lalaking kaharap niya, hindi ko alam kung tao pa ba 'to o bato na. Wala man lang itong kibo o reaksyon sa nakikita niya sa babae. Blangko lamang ang mukha nito. Nakatayo sa harap ng babae, habang nakalagay ang mga kamay sa bulsa ng kaniyang pantalon. Tulad ng naencounter ko kanina sa CR ng mga babae ay naka-dilaw din ang unform ng dalawa. Tila parang tamad na tamad pa ang lalaki sa mga nangyayari. " Wala, kahit isa. All that sh*t is just a game." Sunod-sunod ang pagragasa ng luha sa mga mata ng babae, parang binuhusan ito ng malamig natubig sa kaniyang narinig. Natulala at labis na nasaktan. " Bakit? Mahirap ba akong mahalin? Ginawa ko naman ang lahat para mahalin mo rin ako" " I told you from the start. Lahat ng 'to laro lang. Binalaan na kita pero hindi ka nakinig. " Ilang ulit na umiling ang babae habang umiiyak ito, nainis ako sa sunod na ginawa niya. Lumuhod ito sa harap ng lalaki. Hinawakan niya ang laylayan ng pantalon nito at ilang ulit na nagmakaawa sa kaniya. " Pwede ba! Bitawan mo ako." " Pakiusap daniel, hindi ko na alam ang gagawin ko. Mahal na mahal kita. Wala na akong pakialam kung hindi mo ako mahal, basta't hayaan mo lang ako na mahalin ka. " Mukhang tama nga ang sinasabi ng lalaki sa kaniya, t*nga nga siya. Hindi na siya nagiisip. Hindi na niya alam ang ginagawa niya. Hindi ko na tuloy maintindihan ang pwede kung maramdaman sa babaeng 'to, nakakainis na nakakaawa siya. " Ano ba ang hindi mo maintindihan doon? Hindi kita mahal! Ginamit lang kita, wala akong nararamdaman sayo at lahat ng 'yon laro lang! We're dealing with it rigth? So why are you doing that?" Bakas na sa boses ng binatilyo ang inis sa babae. Ibang klase rin pala 'tong h*yop na 'to e, ang kapal ng mukha. Ano ba sa tingin niya sa babae? Laruan? Kapag pinagsawaan iiwan na lang basta-basta?. Ano bang nakukuha nila sa pagpapaiyak sa mga babae?!. Tumayo ang babae, natigilan ang lalaki ng halikan siya nito. Hindi rin ako makapaniwala sa nakita ko, tinakpan ko pa ang mga mata ko ng isa kung kamay, ngunit nakalabas naman ang isang mata. Mabilis na nakarecover sa pagkabigla ang lalaki at itinulak niya ito agad palayo. Napalakas ang ginawa niya, napaupo ang babae sa saheg. Nakatuon ang dalawang kamay nito sa saheg na nakayuko at doon humikbi ng husto. "Anong ginagawa mo rito?" May kung sinong nagsalita mula salikoran ko. Kung kailan naman Nasa exciting part na ako tsaka naman umepal โ€˜tong taong โ€˜to eโ€™. " Ay! Manyak!" Halos mapatalon ako sa gulat na humarap sa taong iyon. Hawak-hawak ko pa ang dibdib ko, pakiramdam ko kasi anomang oras ay lalaglag na ang puso ko sa kaba. Natigilan naman ako at panandaliang natulala ng bumungad sakin ang isang lalaking makisig at matipuno na nakatayo sa harapan ko. Hugis oblong ang mukha nito, medyo pangahin, mapupungay ang kaniyang mga mata, maliit na medyo may kakapalan ang ibabang labi. Matangos ang ilong na medyo may kalakihan, may pagmessy ang style ng buhok. Halos nakatingala na ako habang nakatingin sa kaniya dahil sa katangkaran nito, sa tansiya ko ay hanggang dibdib lamang niya ako. Halos masakop na rin ang buong katawan ko sa lapad ng dibdib nito at sa laki ng katawan niya. I think nag gy-gym siya. Saang lupalop naman ng lugar ng galing ang isang 'to?. Bigla tuloy akong nakaramdam ng lamig dahil sa mga mata niyang grabe kung tumitig. Bahagyang kumunot ang noo niya dahil sa salitang lumabas sa bibig ko ng magulat ako. "Ano?" Ilang beses akong napakurap ng matauhan. I forced a smile habang ilang beses na umiling. " W-wala. Nakakagulat ka kasi." Ba't ako nauutal?. Wala siyang naging reaksyon sa sinabi ko. " What are you doing here? " Ulit na tanong niya, hindi agad ako nakasagot. Ano ba ang dapat kong sabihin sa kaniya? Tama bang sabihin kong nandito ako dahil nanonood ako ng drama scene?. Napunta ang paningin niya sa likoran ko, maslalo pang kumunot ang noo niya. Bumakas dito ang pagtataka. Magbabalak pa lamang ito na dumungaw sa pinagdudungawan ko kanina, agad ko na siyang pinigilan. Itinuon ko ang dalawa kung palad sa dibdib niya. "Sandali! " Nakuha ko agad ang atensyon niyo, maslalong kumunot ang noo niya sa ginawa ko. Hindi siya nagsalita, pero mababakas sa mukha niya ang pagtatanong ng itaas nito ang isa niyang kilay. Napatingin pa ito sa kamay kong nakahawak sa matigas niyang dibdib, awkward alert. Naiilang ko 'yong tinanggal at pilit akong tumawa. Napakamot ako sa ulo at sinisikap na magisip ng pwede kung idahilan sa tanong' -look niya. " Anong sinisilip mo doon?" Mabilis na umangat ang ulo ko at umiling sa tanong niya. " Wala." Mabilis na pagtanggi ko. Naningkit ang mga mata niya na para bang hindi siya naniniwala sa sinasabi ko. Kainis! Nakaka-kaba 'yong mga tingin niya. Nahihirapan akong salubungin 'yon. Bakit ba ako naiilang sa kaniya? Ano bang meron at nandito ako at pinagtatakpan ang ginawa kong wala namang mali. Napakagat ako sa ibabang labi ko ng marinig niya ang ingay sa kinaroroonan ng magkasintahan. "Ano 'yon? Bakit may umiiyak?" Nagkibit balikat ako. " Ewan ko?." Hindi siguradong sagot ko. Ilang beses na nagpalipat-lipat ng tingin ang mga mata niya sakin at doon sa dinurungawan ko. Balak na naman niya sanang dumungaw doon. Hinawakan ko ang braso niya at isindal sa pader, itinuon ko ang isa kong braso sa dibdib niya at ipinantakip ko naman ang isa kung kamay sa bibig niya. Nagpumilit itong magpumiglas habang nakakunot ang noo. Diretso ko siyang tiningnan sa mga mata at pinatahimik ito. Nakinig siya sakin. Tinitigan ako nito, pero mababakas sa kaniyang mga mata ang pagtataka at inis. Bumaling ang paningin ko sa dinurungawan ko kanina at sandaling tiningnan doon ang dalawang taong kasalukuyan pa ring nagtatalo. Tiningnan ko siya "Huwag kang maingay. " Muli kung tiningnan ang dinurungan ko at sinugurong hindi nila kami maririnig. " May magjowang nagaaway doon, baka makagulo ka lang." Baling kong muli sa kaniya. Hindi siya umimik, sinalubong lamang niya ang mga mata ko. Hindi ko alam pero panandalian akong natigilan. Doon ko lang napagtanto na magkadikit na pala ang mga katawan namin sa isa't-isa. Ilang dipa na lang din ang layo ng 'aming mga mukha. Para akong binuhusan ng semento na ikinatigas ng katawan ko. Ang ganda. Ang ganda ng mga mata niya, nangungusap ito. Kumikinang sa paningin ko. Bakit ba iilan lang ang binibiyayaan ng ganito kagandang mga mata. Sandaling bumagal ang pagusad ng mundo, ang pagbagal ng paggalaw ng mga bagay sa mundo. Naramdaman ko rin ang maharap na hangin na siyang dumaan at dumampi sa 'aming mga balat. Sa tagpong 'yon... Ito ang unang beses na nakipag titigan ako ng matagal sa isang lalaking unang beses ko pa lamang nakita...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
3.2K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
31.0K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
106.1K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
113.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook