bc

Everyone is saying he's my SUGAR DADDY

book_age18+
2
FOLLOW
1K
READ
heir/heiress
drama
sweet
love at the first sight
addiction
like
intro-logo
Blurb

Erin has already found the “man of her dreams.” The only problem is, they are not alike. They’re not on the same level. The usual reasons — he is rich, and she is just poor.She couldn’t even remember how it ended up like this. She was now being held captive by him. No matter how much she tried to push him away, the man just wouldn’t leave her alone.She had explained so many times that they couldn’t be together. But it was as if her words were just carried away by the wind to him.She really does like him — God knows she does. But it just can’t be. Yet how could she push him away when he had already proven how serious he was about her?How long can she keep saying no? How long can she keep pushing him away? Obviously, her heart is already saying yes.

chap-preview
Free preview
SIMULA
Huminga ako ng malalim ng makita ang scoreboard. It's a tie score. Isang puntos nalang ay kami na ang mananalo. It's the main school versus the other branch from South. Kung sino ang manalo ay sila ang lalaban sa ibang school. Who wouldn't want to represent the school? Humigpit ang hawak ko sa raketa. Pakiramdam ko ay nasakin lahat ng atensyon nila. Well, yes. Dahil ako ang player. I can feel the tension of the whole gymnasium. Nagtama ang mata namin ni Lesly, ang kalaban sa kabilang side. Ngumisi sya sakin at umirap naman ako. Hindi ko talaga gusto ang ugali nya kahit kailan. Masyado itong mayabang. Kung ang pagpipiling maganda lang ay parang sinalo nya lahat. And I've heard alot of stories about her. Aksidente ko lang naman na naririnig. It's not like I'm invested. Pero yung mga naririnig ko ay parang totoo naman sa mga nakikita ko. Hindi din naman ako kinakabahan sa laban o dahil sa kalaban e. How many matched have I won with my team? Hindi ako mayabang, katotohanan lamang. Kinakabahan lang ako dahil nanunuod ang Dean at ang admin's ng school. Balita ko ay nag-imbita pa sila ng mga investor's sa school. It's a Sports day fest! Ni hindi ko alam na darating din sya, gayong alam ko kung gaano ka-busy ang schedule nya. Did he know that I have a match? Tanga ko talaga! Malamang ay malalaman nya dahil magkasama sila ni Peter palagi. Ang ka-partner ni Lesly na si Kevin ay distracted. Kanina ko pa napapansin. He was staring at me! Can't he focus on the game? On second thought, I feel like I can use that against him. Ayoko sanang maniwala sa mga kwento-kwento nila Mae at Jasper sakin. Lagi kasi nilang sinasabi na may gusto daw sakin ito. Nung una, hindi ko talaga pinapansin, pero parang ngayon nakikita ko na. Why not try my charm? Kinindatan ko sya at ngumisi. Nung nakita ko ang gulat sa mukha nya ay saka ko hinagis ang shuttlecock sa ere at malakas na hinampas ng raketa. Before I knew it, nakakabinging hiyawan ang bumalot sa buong gymnasium. I looked at the shuttlecock I threw earlier and saw that it was on the floor already. Si Lesly naman ay bumabangon mula sa pagka-dapa. Mukhang hinabol nya ang shuttlecock pero hindi nya naabutan. We won? Napatingin ako kay Rolando, ang ka-partner ko. Malaki ang ngiti sa mukha. Nilahad nya ang dalawang palad nya sakin para makipag-high five. Gulat pa din ako na itinaas din ang dalawang kamay sa ere para salubungin yun. "Tangina, panalo, Erin!" masayang sabi ni Rolando sakin. Napatingin ako kung saan naka-pwesto ang mga Dean at ang investors. They were clapping their hands. Like they were so proud of what happened. He's clapping his hand too.. but his facial expression says otherwise. What's his problem now? Did he see what I did to Kevin? Nagulat ako ng may bumuhat sakin na parang sako ng bigas. "Ang galing-galing mo talaga, Erin!" Naamoy ko ang pabango nya at nakilalang si Peter ito. Masaya akong nilapitan ni Mae at Jasper, at nagtata-talon pa ang mga ito. Lumapit din ang Coaches samin na may mga ngiti sa mukha. Binaba ako ni Peter at inakbayan. "Nice game, Erin!" "Ang galing ko ba?" ngumisi ako sakanya. "Yeah. Tumakas lang ako saglit sa training para manood. Pumayag naman si coach. Damn girl, iba ang strike mo ngayon." aniya pa. Umirap ako. "OA ka.." "I saw what you did.. and hell the man over there can kill someone anytime." tumawa sya. "Pagasabihan mo nga 'yan, kanina pa nakatingin sakin! Baka may makakita o mahalata.." pinandilatan ko sya. "You think makikinig sakin yan?" ngumiti sya. "You think.. makikinig din sakin 'yang kapatid mo?" ngumiti din ako pabalik. "Oh my god! Ang galing mo!" sabi ni Mae at Jasper saka niyakap pa ako. "Dadami nanaman yung manliligaw mo nyan.. kung makita mo lang itsura mo kanina, s**t. Kumikinang-kinang-inaka ka, girl." sabi ni Jasper at inalog-alog ang balikat ko. Wala akong nagawa sa kakulitan nila. Binitawan lang nila ako ng magsalita ang Coach namin. Peter has to go since he has training to do. Nauna syang umalis. "I'm so proud of you both!" lumapit ang Coach nila para batiin at inabutan ng malamig na tubig. "Thank you, coach." sabi naming dalawa ni Rolando. "We'll have 1 week rest before training again to championship, kahit anong hilingin nyong dalawa is on me.. okay? Pag-isipan nyong maigi.. enjoy the rest of the day, alam kong may mga plano kayong gawin for the rest of the day.. take some time to rest din." ani Coach at nakipag-fist bump samin bago humarap muli sa mga admins. "See you, coach. Pag-iisipan namin maigi ni Erin ang magiging premyo.." nagtawanan kami dahil sa sinabi ni Rolando. "Galing mo talaga kanina, Erin. Kinabahan pa ko.. akala ko matatalo tayo e.." humarap sya sakin. "Aba! Kakampi mo si Erin, bakit kayo matatalo? Sobrang galing nitong kaibigan namin 'no.." tumaas ang kulay ni Jasper. "Baliw. Ang galing mo din naman, Rolando. Ano ka ba? This is not just about me.. kasali ka din dito." sabi ko at umiling sa sakanya. "Sige, punta lang ako sa mga tropa ko." paalam nya at tumango naman ako saka kumaway sakanya. "Mukhang doble naman ata ang panalo ng ate ko na 'yan.. kanina pa namin na-iispotan si Mr. Castellano na nakatingin sayo during the game.." tumaas-baba ang kilay ni Mae sakin. Ito nanaman sya. Marami nanaman silang napapansin. Walang katapusang pang-aasar ng mga kaibigan ko kay Mr. Castellano. Lagi kasi daw nila itong nahuhuling nakatingin. That man really couldn't leave me alone. Ang dinadahilan ko nalang ay interesado ito dahil isa ako sa mga nakapasa sa scholarship program nito para sa college. Pero parang hindi sila naniwala duon. "Gago, issue nanaman kayo.." sabi ko at inirapan sila. "Girl, kasi walang halong biro. Kanina pa talaga.. like parang.. anytime, mawawala ka sa paningin nya." makahulugang sabi ni Jasper. "Ewan ko sainyo, tara ikot tayo sa booths. Libre ko kayo.." alok ko sakanila na agad naman silang sumang-ayon. "Erin?" Napalingon ako sa tumawag sakin at nakita si Kevin. "Hi, congrats." bati ko sa lalaki at nakipag shake hands dito. "Congratulations din sainyo.. I guess you guys deserve na manalo, magaling talaga kayo!" anito at ngumiti. Hindi ko naman na itatanggi na gwapo si Kevin. He has the looks. But he's not my type. Some might, but not me. Para sakin ay pang-tropa lang talaga. "Salamat, magaling din naman kayo. Tyamba lang siguro yung samin.." sabi ko at ngumiti. "Na-distract kasi ako sa ganda mo e.. ayan tuloy, talo." napakamot pa ito sa batok. Pareho kaming tumawa. Hindi mo ko madadaan sa ganyan. I've heard a lot already. Nothing succeeded. "Ayy, sorry Kevin a.. pero kailangan na namin si Erin. Yung bebe mo sa likod, kanina pa umuusok yung ilong.." biglang singit ni Jasper at hinila nako palayo sakanya. "Sige, una na kami, Kev. Thank you." paalam ko. Mabilis lumipas ang oras. Nabusog ako sa kaka-foodtrip namin nila Jasper at Mae. Lahat ata ng booths na may pagkain ay tinikman namin. Buti nalang at naglalakad ako pauwi, exercise na din. Para mawala agad yung kinain, pero pagdating sa bahay gutom nako ulit. Sumakay man ako o hindi, maglalakad pa din naman. Wala kasing jeep na pumapasok sa subdivision. May tricycle pero masyadong mahal, kaya nilalakad ko nalang. Kaya ko naman e, so why not? Masyadong nakakapagod ang araw na ito pero masaya. Gusto ko nalang humilata agad sa kama. Peter has to go first. Marami pa daw syang aasikasuhin at tumakas lang syang saglit. Hindi naman malayo ang bahay namin pero sakto lang para mapagod. Tanaw ko na ang gate namin, pero nangunot ang noo ko ng makita ang isang itim na Nissan Terra na nakaparada sa tapat. What is he doing here? Hindi ba dapat nasa school sya? Kailangan sya duon, at mabuti naman nakawala sya sa paningin ng mga executives. Well, he's the boss. Hindi na dapat ako magtaka. "Bakit andito ka?" bungad ko sakanya ng makalapit. "Can't find you around so.. I figured you went home." sagot nya, ni hindi man lang umalis sa pwesto. "May kailangan ka ba?" tanong ko. Umalis sya sa pagkakasandal sa sasakyan at binuksan ang pinto sa driver's seat. May kinuha sya na kung ano sa passengers seat. Nilabas nya ang isang kumpol ng makukulay na bulaklak. Kuminang ang aking mga mata. Ang ganda. Kahit sinong makakakita nito ay talagang magagandahan. "I wanted to congratulate you." sagot nya saka lumapit sakin at inabot ang bulaklak. "S-Salamat.. hindi naman kailangan ng mga ganito pa." sabi ko naman. "But.. thank you. Ang ganda.." Hindi ko na ata maalis ang mata ko dito. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pag ngiti nya. "I'm glad you liked it." Pakiramdam ko ay hindi lang ito ang pakay kung bakit sya andito. Hindi ito ang unang beses na pinuntahan nya ko sa bahay. "Kumain kana?" tanong nito. "Ikaw ba?" balik kong tanong sakanya. Umiling sya. "Baka kailangan mo ng kasama kumain ng dinner?" Tumaas ang kilay ko. "Pwede naman. Kaso.. alam mo naman kung saan ko gusto kumain." "Your call, you know I trust you." aniya. "Dinner lang ba talaga?" tumaas ang kilay ko dahil sa pagdududa. Mahinang syang natawa dahil sa tono ng boses ko. "Yeah." "Look, Mr. Castellano, I'll just clarify things here. Yung nangyari, one time lang 'yun. Lasing ako. At hindi ko alam yung ginagawa ko.." sabi ko pero nakatitig lang sya sakin na para bang hindi sya naniniwala. "Really? Well, that's sad.. bakit parang hindi yan yung gusto mong ipahiwatig the other night? Lasing ba kamo? Then how can you still remember na may nangyari satin? Hindi mo pa nga sigurado diba?" ngumisi ito. God, that was hot. Hindi ko naman itatanggi. Aaminin ko namang gwapo sya, pero hindi talaga pwede e. He is out of my league. Hindi kami pwede. "Tsk. Look, may nangyari man o wala, please, stop bothering me. Besides, bakit ba kasi ako ang ginugulo mo? Ilang beses ko bang ipapaliwanag sayo, Mr. Castellano? I'm not that kind of girl.." paliwanag ko. "Alam ko. Kaya nga andito ako e.." sagot naman ng lalaki. Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nya. ".. kasi hindi ka kagaya nila." dagdag pa nito. And that's how everything starts.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook