Chapter 20

2210 Words

Alodia Pagkatapos maghapunan ay nagtungo kami sa may gazebo. Napakaelegante ng lugar na iyon. Halatang alaga sa linis ang mga gamit dito at ang buong lugar. Sa dami ba naman ng kasambahay ng mga Enriquez talagang sinisigurado nilang malinis ang bawat sulok ng lugar ng mansyon na ito. Umupo ako sa malambot na sofa na nasa gitna ng gazebo. Nagtatawanan naman sina Ethan at Athena. Wala akong ideya kung ano na naman ang pinag-uusapan nila. Basta ako, ang sarap ng pag-kakaupo ko sa sofa na ito. “Sinulat ko na ang mga dialogues natin. Ito muna ang dapat nating i-practice.” Dinig kong sambit ni Ethan “Ayos ka talaga Ethan, pinabibilib mo ako. Halos ikaw na ang gumawa lahat para sa grupo natin eh.” Pagpupuri naman ni Athena. Ayoko ng marinig ang wala na yatang katapusang paglalambingan nila.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD