Alodia Nakatanaw kami sa may veranda ng hotel na tinutuluyan namin habang inaabangan ang pagsikat ng araw. Lahat ng miyembro ng Black Fire Trio ay malambing sa mga kasama nilang babae. Syempre hindi nagpatalo si Enzo. Nakayakap sya mula sa likuran ko habang binigyan nya ako ng matamis na halik sa aking pisngi. "Good morning mahal." Bulong nya "Morning." Sagot ko Maya maya lang ay kinuha nya ang kanyang cellphone at itinutok nya ang camera sa amin. "Smile!" Sambit nya Wala akong nagawa kung hindi ang ngumiti na rin. Kahit mukha akong sabog ay hindi ako nagreklamo dahil baka mawala na naman sa mood ang mahal ko. Kung anong trip ang gusto nya ay susundin ko na lang. Kaagad na rin syang kumalas sa pagkakayakap nya sa akin at naupo sya sa couch na malapit sa pintuan. Hindi ko na sya p

