Alodia Kaagad kong pinigilan ang mga halik ni Enzo dahil alam kong may kakaiba sa kanya. Parang sinapian sya ng ibang katauhan. Kung hindi ko sya pipigilan at magpapadala ako sa agos nito ay baka kung saan mapunta ang halik nyang iyon sa akin. "Enzo, ano ba? Anong ginagawa natin dito sa kwarto? Bakit mo ako hinahalikan?" Tanong ko. Umatras ako sa kanya dahil hindi ko talaga makuha ang nais ng utak nya ngayon. Nanlilisik ang mga mata nya sa akin. Ramdam ko ang galit nya na hindi ko alam kung saan nanggagaling. "You love me right?" Galit na tanong nya Tumango ako sa kanya. Pero nakakaramdam pa rin ng takot ang puso ko dahil parang hindi na sya si Enzo na minahal ko. Para syang nagmistulang demonyo. "Then give me your virginity." Madiing wika nya Naggalawan ang panga nya pagkatapos n

