Alodia Hindi ko ipinakita kay Enzo na nasasaktan ako sa ideyang nasa iisang bahay sila naninirahan ni Athena. Ibig sabihin ay buong araw silang magkasama. Buong araw nilang makikita ang isa’t-isa. Sa pagbungad pa lang ng umaga ay makikita na nila ang isa’t-isa at nakakaramdam ako ng matinding selos, takot at inggit dahil dito. Kahit pa ba ang dahilan ng pagtira ni Athena sa mansyon ng mga Zobel ay para sa trabaho, ngunit hindi makakaila na sobrang apektado ako sa ideyang ito. Magaling akong magtago ng damdamin ko. May lungkot din akong nararamdaman sa tuwing makikita ko naman sina Ethan at Yashie na magkasama at tila ba hindi mapaghiwalay ang dalawa. Pakiramdam ko ay napag-iiwanan na ako dito. Pakiramdam ko ay wala naman talagang may pakialam sa nararamdaman ko. “I’m inviting you to

