Alodia Kaagad akong tumakbo palapit sa kinaroroonan ni Enzo. Halos habulin ko ang hininga ko dahil sa tindi ng takot at kaba na naramdaman ko. Hindi ko alam kung ano ang nasa utak nya. Sana naman ay narinig nya rin kung paano ko ipagtulakan si Ethan. Sana ay narinig nya ang sinabi kong sya ang mahal ko at paulit ulit kong pipiliin at hindi ang kaibigan nyang si Ethan. “Mahal, kung ano man yang nasa utak mo ay nagkakamali ka. Walang namamagitan sa amin ni Ethan. Wala—” Ngunit pinigilan nya ang pagsasalita ko at hinawakan nya ang magkabila kong mga braso. “You don’t need to explain. I completely understand that my best friend is deeply in love with you..” mahinang wika nya Umiling ako sa harapan ni Enzo. Pumatak na rin ang luha sa mga mata ko dahil sa sobrang kaba na nadarama ko. Sobra

