Alodia Naging usap-usapan ang ginawa naming presenation para sa foundation day dahil sa trending na halik namin ni Ethan. Ang daming napa-sana all dahil dito. Hindi rin ako nakaligtas sa pambabatikos dahil hindi naman daw ako bagay kay Ethan. Pero naging bingi at bulag ako sa lahat ng panlalait nila. Ang iba namang mga estudyante ay nagsasabing ginawa lamang iyon ni Ethan para sa ikagaganda ng presentation namin. Wala raw ibig sabihin ang paghalik ni Ethan at kahit kailan daw ay hinding hindi ako magugustuhan ng pinakagood boy na miyembro ng Black Fire Trio. Bahala sila kung ano ang gusto nilang isipin Basta kami ni Ethan ay nagkakamabutihan at masaya kaming magkasama. Mga echusera lang ang ibang mga estudyante. Kapag inggit, pikit! Habang naglalakad ako patungo sa C.R… “Hi Beauty.

