Alodia Totoo pala talaga ang balita na nakakatakot ang mommy ni Ethan. Tama rin ang naresearch ko dati tungkol sa kanya na hindi nya gusto ang mga taong walang sinabi sa lipunan. Alam nya marahil kung saan ako galing. Alam na alam nyang galing ako sa simpleng pamilya na hindi karapat dapat makisalamuha sa kanila. Nagkunwari akong matapang at hindi nasaktan sa mga sinabi ni Mrs. Enriquez. Pinilit kong ngumiti kahit na kanina ay halos mawala na ito sa labi ko. Hindi ako dapat na magpaapekto. Kung ayaw nya sa akin ay ayos lang. Mabuti na lang at walang malalim na nararamdaman ang puso ko para kay Ethan. Dahil kung ang magulang ni Enzo ang may ganitong pag-uugali ay marahil na katapusan na ng mundo ko. Mas pinili ko na lang ang manahimik dahil baka makaapekto pa ito sa scholarship ko. Hin

