Alodia “Hey, anong problema? Bakit parang gulat na gulat ka na aaminin ko na kay Enzo na ako ang nagpapadala sa kanya ng mga regalo at sulat araw-araw? Na ako si mystery girl.” tanong ko kay Ethan. Napakamot sya sa kanyang batok. “Padalos-dalos ka naman kasi ng desisyon. Bigla ka na lang magpapakilala kay Enzo? Are you serious? Ngayon pa talaga, kung kelan gusto nyang ligawan ang kaibigan mo? Guguluhin mo bigla ang nararamdaman nya?” aniya Napanguso ako at parang gusto kong magmaktol dahil sa mga sinasabi nya. “Ang hina mo naman kasing tulay namin ni Enzo eh. Naunahan na tuloy ako ni Athena.” Halos mangiyak ngiyak na banggit ko sa kanya. Napaupo muli ako sa mahabang silya dito sa cafeteria at nag-isip ng malalim. “Kulang pa ba ang mga regalo ko? Ano ba kasing reaksyon nya sa tuwing

