Alodia Sinundan ko si Enzo sa may locker room. Kagaya ng nauna kong plano ay magtatapat ako sa kanya. Hindi ko pakikinggan ang payo ni Ethan na huwag kong ipagtapat ang nararamdaman ko sa leader nila. Ito ang gusto kong gawin. Mas masaya ako sa plano kong ito. Kailangang makilala ni Enzo kung sino ba talaga ako. Kailangan nyang malaman ang totoong nararamdaman ng puso ko. Hindi na ako makapaghintay sa magiging reaksyon nya. Umaasa ako na magiging maganda ang kalalabasan nito. Umaasa ako na magiging boyfriend ko sya sa future. My ghad! Ang taas naman talaga ng pangarap ko. Habang naghihintay ako sa labas ng locker room ay kinuha ko ang maliit na salamin sa aking bag. Naglagay ako ng kaunting lip balm dahil tila nanunuyot ang labi ko. Nakakahiya namang humarap sa lalaking pangarap ko k

