Alodia Nasaksihan ko na lang ang sarili ko na nasa loob na ng kwarto ni Ethan. Napalunok ako ng dalawang beses nang marinig ko ang paglock ng pintuan. Parang biglang napako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko. Si Ethan ba ang kasama ko ngayon? Bakit parang pakiramdam ko ay si Galvert ang nasa tabi ko. Parang may gagawin syang masama sa akin. Dalawa lang kami sa kwarto nya ngayon? Ano ba ang balak nyang gawin? Pumikit ako. May tiwala ako kay Ethan. Alam kong hindi sya kagaya ni Galvert na hayok sa laman. Ngunit hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa nyang panloloko sa akin. Saan o kanino ba nya ibinibigay ang mga regalo ko para kay Enzo gayong hindi naman pala ito natatanggap ng baby ko? Naiinis ako sa tuwing maaalala ang reaksyon ng mukha ni Enzo kanina, galit na galit sya sa akin. Nag

