Alodia Tapos na ang game ng Black Fire Trio. Tapos na ang pagiging lucky girlfriend namin ng mga kaibigan ko. Sa miyembro ng BFT, tanging si Galvert ang nakapagpalit agad ng girlfriend. Hindi sya talaga mabubuhay ng walang babae. Si Ethan naman ay nanatili bilang matalik kong kaibigan. Ngunit ramdam na ramdam ko ang espesyal na pakikitungo nya sa akin. Ayokong sirain ang pagkakaibigan namin kung kaya't mas mabuti nang maging ganito na lang kami. Kagaya naman ng sinabi ni Enzo ay ipinagpatuloy nya ang panliligaw kay Athena. Sobrang sakit na makita ang lalaking pinapangarap ko ay nababaliw sa kaibigan ko. Wala naman akong magagawa kundi tanggapin na lang ang lahat ng ito at patuloy na umaasa na mapapansin din ako ni Enzo. “Hey girl, basta huwag mong sasaktan ang baby Enzo ko, please? Ma

