Chapter 39

2143 Words

Ethan Kaagad kaming nakipag-usap ni Yashie sa aming mga magulang. Nakipagkita kami sa paborito nilang restaurant upang ipagtapat ang mga naging desisyon namin. Kitang-kita ko sa mga mata nila ang labis na kaligayahan ng masilayan nila kaming magkasama at magkahawak kamay. Sa sobrang kaligayahan nila ay hindi na sila nagulat kung bakit ba biglaan naming naisipan na sundin namin ang kanilang plano. Masyado silang nabulag sa pansamantalang kaligayahan nila. “I’m so sorry po sa inasal ko last time. I just can't hide my feelings po. Pero gaya nga ng napag-usapan namin ni Ethan, we must obey our parents. Mas alam nyo ang mas nakakabuti sa amin. I’m sorry po.” Saad ni Yashie habang nakayuko sya at seryosong humihingi ng tawad. Bahagya pang naluha ang mommy ni Yashie dahil sa mga nasabi nito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD