Alodia Hindi ko alam kung saan kami pupunta ni Ethan. Basta masaya ako dahil magkasama kami ngayon. Huminto muna kami sa isang convenience store para bumili ng makakain para raw habang nasa biyahe kami. Habang pumipili kami ng mga chips na nasa estante ay napatingin ako sa kanya dahil napuno agad ang cart na dala dala namin. "Sobrang haba ba ng biyahe natin? Ang dami nito." Sabi ko "I loves chips. Saka baka di mo mamalayan maubos mong lahat yan." Sabi nya "Uyy, grabe sya! Parang sinabi mo naman na ang takaw ko." Pagmamaktol ko Nakangisi lang sya sa akin habang nagdadagdag pa ng mga chips sa cart. "Ikaw ang nagsabi nyan Baby." Wika pa nya. Nakanguso ako habang sinusundan ko sya. Nang magawi kami sa estante ng mga tsokolate ay hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at kumuha ako ng isang

