“Please, Suzette! Nakikiusap ako sa’yo. Sabihin mo na sa ‘kin kung nasaan si Aries. I want to talk to him.” Pangungulit ni Kharen sa pinsan ni Aries na si Suzette. Ilang araw na niya itong pinupuntahan at pinipilit pinapaaamin kung nasaan ang binata. Pero sadya yatang matigas ito dahil kahit pabalik-balik na siya ay hindi pa rin nagbabago ang sagot nito. “I’m sorry, Kharen. But I’m not my Kuya’s keeper. I don’t know Kuya’s whereabouts.” Hindi nito itinago ang inis nito sa kanya. Halos ayaw nga siya nitong kausapin. Ni ayaw pa siyang harapin noong una. Kungsabay, noon pa man ay mabigat na talaga ang dugo nila sa isa’t-isa. Nang makita nga siya nito kanina ay agad itong umiwas at nagkunwaring hindi siya napansin. Dire-diretso itong naglakad palayo at bahagyang itinungo ang ulo. Pero hinab

