Tahimik na pinagmamasdan lang ni Aries si Cara na noon ay abala sa paggagayat ng mga gulay na pansahog sa lulutuin ng Tatay nito. Wala namang okasyon pero inimbitahan kasi siya ng mga magulang ng nobya para sa munting salu-salo sa bahay ng mga ito. Nagprisinta siyang tulungan ang dalaga pero ayaw nitong pumayag. Ayaw naman niyang maupo na lang at wala man lang maitulong kaya sinundan pa rin niya ito sa kusina at inagaw ang mga gulay na kinukuha nito. Inuunahan niya ito sa lahat ng dapat nitong gawin. “Ako na sabi d’yan, eh.” Inis na sabi ng dalaga. Binalatan niya na kasi ang mga patatas na dapat sana ay kukunin nito. “I told you, I want to help. I can do this,” Pagmamayabang niya. What he told her was the truth. Kahit kumukuha siya ng kasama sa bahay, ang pangunahin namang gawain ng m

