“So, ‘yon ang nangyari.” Sabi ni Cara matapos niyang maikwento sa kaibigan niyang si Andeng ang mga kaganapan sa naging pag-uusap ni Aries at ng mga magulang niya. Hanggang ngayon ay para pa rin siyang nakalutang sa ulap. Hindi pa rin mawala sa sistema niya ang kilig sa mga mga sinabi ng binata. Naalala niya ang mga sumunod na usapan nila pagkatapos ng madamdaming kaganapan. Masigla silang bumalik sa hapag-kainan at magana ng ipinagpatuloy ang pagkain. Pero bago tuluyang makabalik ang Tatay niya sa upuan nito ay hinawakan nito sa balikat ang binata. “Aries, anak,” Pukaw ng Tatay niya sa binata. Bigla ay naging seryoso ang tinig nito at nawala ang pakikipagbiruan sa anyo nito. “una sa lahat ay gusto kong makasiguro. Ikaw ba ay talagang seryoso dito sa anak namin?" Nakataas ang kilay

