“Anak, mukhang ang saya-saya natin, ah?” Napalingon si Cara sa ina na naghuhugas ng mga pinggan sa lababo. Nakatingin ito sa kanya na nakataas ang isang kilay. “Ano po, ‘Nay?” Tanong niya dito. Hindi niya kasi naintindihan ang sinabi nito. “Hay, ang pag-ibig talaga nakakabingi.” Tatawa-tawang sagot nito. Hindi niya rin napigilang matawa sa sagot nito. “Ano po ba’ng sinasabi n’yo, ‘Nay? Hindi ko po kayo narinig kanina kasi busy po ako sa pagsasalin nitong mga ulam.” Palusot pa niya. Napailing ito. “Ang sabi ko, ang saya-saya mo yata ngayon. Iba ang kinang ng mga mata mo.” Tila may laman ang sinabi nito na agad naman niyang nahulahan ang ibig sabihin. “Pa’no n’yo naman po nasabi, ‘Nay?” Patay-malisya na biro niya rito. Sandali siya nitong tinitigan. Biglang sumeryoso ang anyo nito. “K

