Chapter 2

1321 Words
"What the hell is he thinking?" sabi ni Nadiah sa dalawang lalaki na nakapalibot sa kanya. Parehong matatangkad ang mga ito at pareho ring may dalang tig iisang armalite at pareho ring nakasuot ang mga ito ng bonnet. Just like the other guy. The guy that, for a moment, had sounded exactly like-- "Alpha Boss." anang lalaking nasa kanan niya na tila may kinakausap ito sa kanyang earpiece. "Bumalik ka na dito bago kita kaladkarin diyan sa impyernong pinasukan mo." Alpha Boss? Baka siya yong lalaking nagligtas sa kanya. "May tao pa kasi sa loob...si Jun..." mangiyak-ngiyak na saad ni Nadiah. Sumiklab na rin ang apoy mula sa loob ng gusali. They were at least two hundred feet away from the fire now. But she couldn't stop shaking. These men had saved her, and she'd sent one of them right back to face the flames. Hanggang sa narinig niya ang isang ungol. Pero hindi siya sigurado kung saan iyon nagmula. May bigla namang isang itim na van na huminto sa harapan nila. The van back doors flew open. "Let's go!" a woman's sharp voice ordered. Mabilis naman siyang pinasakay sa mga lalaki sa van at tumalima agad siya sa mga ito. "Nasaan si Alpha Boss?" untag ng babaeng driver sa mga kasamahan. Napaturo lang sa umaapoy na gusali ang lalaking nasa gilid niya. "Shit." The woman's fist slammed into the dashboard. But as Nadiah glanced back at the fire, she saw a figure running toward them. Ngunit hindi lang niya masyadong naaninag ang mukha nito dahil kumagat na ang dilim. Nagsimula ng umusog ang van kaya napahawak siya ng maigi sa gilid ng sasakyan. Teka...aalis na ba sila? "Sandali!" "We can't." baling sa kanya ng babaeng driver. "That fire will attract every eye in the area. Kailangang umalis na tayo ngayon na." Pero--- Pero malapit ng makaabot sa van yong taong nakikita niya. Hanggang sa narinig nila ang malakas na pagkalabog sa pinto ng van. Nadiah's heart nearly pounded right out of her chest. Pinukpok pala ng lalaki ang pinto ng van para pagbuksan ito. But her hero was alone. Kung ganon, nasaan si Jun? "Si Jun?" agad na tanong niya pagkapasok ng lalaki sa van, tumabi ito sa kanya. Napapailing lang ang lalaking nagligtas sa kanya. "Bryant, what the hell?" segunda naman ng babaeng driver. "You were supposed to be point on extraction, hindi ka dapat bumalik doon sa--" Bryant? Tama ba ang narinig niya? Pero samakatuwid, marami naman sigurong nagngangalang Bryant sa mundo. Just because her Bryant had left her ten years ago that didn't mean... "Walang sinyales na may ibang bihag pa roon." sabi ng lalaking nagngangalang Bryant. Tila nanginginig naman ang buong katawan niya sa narinig. Napatitig nalang si Nadiah sa lalaki ngunit di talaga niya makita kahit ang mga mata nito dahil bukod sa nakasuot ito ng bonnet, hindi rin binuksan ang ilaw ng van. "Siyempre, wala naman talagang ibang hostage!" sabi pa nong babae. "Siya lang ang sibilyan sa gusaling iyon. Sinabi ko na yan sayo. Wag mo ngang pagdudahan ang napag-alaman ko." Balik namang napatitig sa kanya ang lalaki. "Maari mo bang tanggalin yang suot mong bonnet?" pakiusap niya rito. Tumalima naman agad ang lalaki ngunit halos hindi pa rin niya ito makita. Ang tanging naaanig lang niya rito ay ang strong jaw nito. She needed to see more. "Ligtas ka na ngayon." sabi nito sa kanya. "Hindi na sila muling makapanakit pa sayo." Subalit nagulat na lamang siya sa susunod na ginawa nito dahil bigla nalang hinaplos nito ang pisngi niya. Her eyes closed at his touch and Nadiah's breath caught because...His touch is so familiar. There were some things a woman never forgot - one was the touch of a man who'd left her with a broken heart. Si Bryant kaya ito? Hindi, imposible. "Salamat." aniya, saka siya pumitlag dito. Tumakbo na ang van at hindi niya alam kung saan ang kanilang patutungohan. A heavy numbness seemed to have settled over her. Jun hadn't made it out. "Mga mabubuting tao kami." biglang sambit ng lalaking nasa likuran nila. "Pinadala kami rito ng ama mo para iligtas ka. Before you know it, you'll be home safe and sound. You'll be--" Rat-a-tat-a-tat..... Napasigaw ng malakas si Nadiah nang bigla silang inambush, at natagpuan na lamang niya ang sarili na nakadapa sa sahig ng van at may mabigat na katawan na pumaibabaw sa kanya. "Cindy, umalis na tayo rito, bilis!" sabi ng lalaking nasa likuran. Nadiah could barely breathe. Dahil bukod na mabigat ang lalaki, sobrang dikit din ng mga katawan nila. "Hold on," bulong ng lalaki sa tenga niya. "Just a few more minutes..." Naramdaman nalang niya ang ihip ng hangin mula sa loob ng van. Someone had opened the back door! Nawawala na ba sa katinuan ang mga ito? Bakit hindi nalang nila imbitahin ang mga shooters at-- Sunod-sunod na malalakas na putok ang naririnig niya mula sa loob ng van. Kung hindi siya nagkakamali, nakipagpalitan din ng mga bala ang mga taong nagligtas sa kanya sa mga taong tumitira sa kanila sa labas. Three more bullets. Then...silence. "Got them." anang lalaki sa kanilang likod. The van lurched to the left, seeming to race away even faster. Napatingala naman si Nadiah. Her eyes had adjusted more to the darkness now. She could almost see Bryant's features above her. Almost. "Bryant, baka naman nabibigatan na sayo si Miss Cordero." anang lalaki sa likuran na tila nanunudyo. Pero hindi pa rin gumagalaw si Bryant. "Missed you." Mahina ang pagkakasabi non kaya hindi talaga niya masyadong narinig ang sinabi ng lalaki. Ayaw din niyang mag assume sa narinig niya. Dahil kahit baligtarin paman ang mundo, hinding-hindi na babalik si Bryant. Kung bumalik man ito, sana noon pa. Eh sampung taon na ang nakalipas, masyadong matagal na. "Ligtas na ba tayo?" yon nalang ang nasabi niya. Napatango ito. "Sa ngayon." Yon din ang naisip niya sa oras na iniligtas siya ng mga ito, pero hindi pa pala tapos. Katunayan diyan ay inambush pa nga sila. Buti nalang at magagaling din sa pakikipagbakbakan ang mga kasamahan ng nagngangalang Bryant. "Then, if we're safe..." aniya saka itinulak niya ang lalaking pumaibabaw sa kanya. Tila yata pader ang itinulak niya ah, ang tigas. "Get off me, now." He rose slowly, pulling her with him and then positioning her near the front of the van. Kinakabahan pa rin naman si Nadiah sa maaring mangyari sa kanila hangga't hindi pa siya maiuuwing ligtas ng mga ito. "Kung makakalabas na tayo rito sa Malaysia, baka doon pa sila titigil sa paghahabol sayo." sabi pa sa kanya ni Bryant. Napalunok lang si Nadiah. Tila may bikig pa rin sa lalamunan niya. "When...exactly...do we get out of Malaysia?" Ngunit walang ni isang sumagot agad sa kanya. "Twenty-four hours from now." sagot ni Bryant sa wakas. What? No way. They could get out Malaysia faster than that. "Hindi natin pwedeng maliitin si Guevarra hangga't naririto pa tayo sa Malaysia. Malakas kasi ang koneksyon niya rito." sabi sa kanya ni Bryant, his voice flat. "Then...how?" "We're gonna fly, baby." Baby. Bigla siyang nanigas sa narinig. Kinikilabotan kasi siya pag may ibang lalaking tumatawag sa kanya ng ganon. Ngunit kinailangan pa rin niyang maging thankful sa mga ito, kung hindi dahil sa mga ito, baka grabeng pagto-torture ang inabot niya sa mga kamay ng dumukot sa kanya. "Palihim tayong sasakay ng eroplano. At dapat walang lokal na pulis na makakaalam. Baka ilan kasi sa kanila ang may koneksyon kay Guevarra." Sounded good, except for the whole waiting for twenty-four hours part. "And until then? Ano ng gagawin natin?" She felt a movement in the dark, as if Bryant were going to reach out and touch her, pero natigilan lang ito. Then after a tense moment, he said. "Basta ito lang ang tatandaan mo. We do our best to keep you alive." *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD