Cedie's POV
Enrollment.
ang araw na ayaw ko. una nakakatamad kasi sign ito na kailangan ko nanamang pumasok. katamad lang! haha pero mas enjoy ako sa school kesa sa bahay. when i say nageenjoy ako sa school i mean yung, kwentuhan, asaran, bonding with friends. hindi enjoy ang lessons. never.
nakakasar ang enrollent kasi ang haba ng pila at ang daming kailangang gawin. di ba pwedeng isang ipakita ang mga kailangan tapos bayad na lang. pero hindi, kailangan kausapin si dean. magpa-access. papirma kay ganito. pila. ang masama pa diyan aabutan ka ng tanginang Lunch break! Taksyapo!
andito ako ngayon sa pila sa business office. nakikinig ng music. ang daming bagong students. new students means new victims! hahaha
"uhm, excuse me po" sabay kalbit sa may tagiliran ko.
"anaknang. ano?!" nakiliti ako eh!
"sungit. pwede magtanong?"
"aba! kung makalabit kase sa tagiliran ko! ano?"
"saan yung foodcourt? gutom nako"
pakelam ko kung gutom ka? did i ask him if he's gutom? no.
"malapit sa gym."
"okay. salamat sungit." aba at kinurot pa talaga ang tiyan ko!
"leche to! humanda ka pag nakita ulit kita!"
kaasar yun. kala mo kung sino, di naman kami close a! ni hindi ko siya kilala.. ay transferee siguro. mukhang balagura ang mokong.
finally tapos na ang enrollment/pahirap. i'm on my way to the mall, gutom nako and i have to buy my basic "needs". like sabon, facial wash and manymore na di niyo dapat pang malaman at dapat ipagpatuloy ko na ang pagkekwento.
pagdating ko sa mall, i went straight to my favourite resto, max's! i love their chicken! ang simple pero sobrang sarap. umupo ako sa may sulok since ayokong umupo malapit sa salamin. masyadong 'Live'. lahat ng dumadaan nakikita kang sumubo ng pagkain. katabi kong table ay isang babae na may anak.
eto nanaman ako. me being EMO. kapag kasi nakakakita ako ng mag-asawa na may anak tapos ang saya nila, naiingit ako. di naman yung inggit talaga. ako kaya magkakaanak? pano kung tumanda akong single? sino magaalaga sakin?
assuming magkatuluyan nga kami ni luke. pano kung pangarap pala niya magkaanak siya? kung maging kami obviously hindi ko siya mabibigyan.. what if.. what if magising siya and marealize na babae gusto niya? pano kung gusto niya pala ay mag-asawa at magkapamilya? haaay..
gutom lang to!
After ko kumain i decided na umuwi na. maggagabi na din eh.
habang naglalakad ako papuntang sakayan nakita ko yung kotse ni luke sa may entrance ng mall. parang may kasama siya? pumasok ako sa isang cafe malapit sa entrance at pinagmasdan sila.
babae ang kasama niya. infairness maganda at sexy siya. maputi din kahit papano. lumabas sila sa kotse at pumunta dun sa parang park ng mall. sinundan ko sila ng pasimple. parang ang saya nila tignan. naguusap nagatatawanan. ang aliwalas ng mukha ni luke. parang ang saya niya.. sino kayu yung babae? tatayo na sana ako para umalis ng biglang hinalikan ni girl si luke sa cheeks. tumayo na akong tuluyan at umalis.
pagsakay ko ng jeep natulala lang ako. ang bigat ng pakiramdam ko. parang pakiramdam ko dinaya ako? di naman kami ni luke pero parang sa nakita ko nawalan ako ng gana. hindi ko alam pero ganun yung nafefeel ko.
...
three days nalang may pasok na! excited din ako kahit papano. nakakainip na kasi dito sa bahay at nakakasawa na din ang mall.
sa sobrang inip ko sa bahay nabasa ko na ang iba't ibang books ni mama. napanood ko na din halos ang mga DVD sa bahay kaya ang pinagtiyatiyagaan ko ay ang CSI las vegas season 7. gusto ko kasi tong mga to eh, para kapag pumatay ako walang proof na makikita ang mga investigator! bwahahaha.
habang nanonood ako ginambala ako ng cellphone kong nagriring.
si chloe pala.
"nasan ka?" bunad agad niya
"bahay. bakit?!"
"tara beach!"
"b***h ka din! tatawag para tawagin akong b***h!"
"gaga! B-E-A-C-H. beach!"
"aahh. saan? subic?"
"tumpak! empake ka na. overnightp tayo."
"okayyyy"
...
on our way, di mawala sa isip ko si luke. akala ko ba seryoso siya? asan na siya ngayon? parang balewala namn yung mga sinabi niya na "liligawan kita" di ko mafeel. tsaka sino kaya yung babaeng kasama niya?
speaking of luukkkee. tumatawag siya
"hello." matamlay kong sagot
"i miss you ced!" bungad niya with his happy tone
"kumusta?" tanong ko naman.
"ayos lang. parang may sakit ka? ang tamlay moo."
"ah wala inaantok lang."
"naabala ba kita?"
"ay. hindi naman. nasa kotse kami ngayon eh"
"saan kayo pupunta? sino kasama mo?"
"subic. sina chloe and mga kabarkada namin"
"ahh. yayain panaman sana kita. sige ingat nalang."
"sus. sa busy mo na yan?"
"busy? di naman ahh.. sorry kung di ako masyado nagpaparamdam ced. sensya na talaga"
"okay lang yun. bakit GIRLFRIEND mo ba ako para sabihin mo lahat sakin" diniin ko talaga yung girlfriend. para emphasize.
"wala ako girlfriend-"
"defensive?"
"h-hindi.. baket?"
"hahaha! wala. sige bye."
binaba ko na ang phone. nararamdaman ko na eh. ramdam na ramdam ko na.
after an hour nakarating nakami ng subic. nang makapagayos nakami sa villa dumiretso nako sa pagpalit ng damit. gusto ko na magswimming eyyy. 4:30 na din kaya di na masyado mainit. i mean di na ganun kaharsh ang init ng araw.
...
LUKE's POV
paano ko sasabihin kay ced tungkol kay chelsea? nahihirapan na akong magtago. paano ko pa itatago ang katotoohan? parang nararamdaman na ni ced. alam ko masasaktan siya kapag nalaman niya. kasalanan ko to eh! kasalanan ko!!
"arghhh!" sinuntok ko ang pader. balewala angsakit na to sa sakit na mararamdaman ni ced dahil sa akin. ang gago ko! ang hina ko! bakit hindi ko sinabi kay chelsea na ayoko na? na may mahal na akong iba? ang hina ko! maysado akong mahina! kasalanan ko ito! ang tanga ko kasi!
akala ko nung nakipagbreak siya tapos na kami.. cool-off lang pala. maling akala.
inaamin ko nung una, NUNG UNA, hindi ako seryoso kay ced pero habang tumatagal minamahal ko na siya. mahal na mahal. handa kong ibigay lahat para sakanya. kung hihilingin niya na ipagsigawan ko sa buong mundo gagawin ko.. hell i will do anything he will ask me to do.
hindi ko na mahal si chelsea. wala na akong feelings sakanya sakanya. alam ko naman na nakipagbalikan sa akin si chelsea ng malaman niyang ako na kumikita na ako ng sarili kong pera. nung hulingaraw na nagmall kami, doon ko napatunayan na isa talaga siyang gold digger. wala ako magawa kundi ibili ang mga gusto niya. akala niya masaya ako na kasama ko siya pero ang totoo napipilitan lang ako. kung ipapakita ko na napipilitan lang ako para ko na rin siyang binastos. babae pa din siya, nirerespeto.
bukas sasabihin ko na sakanya na hindi ko na siya mahal. ayoko nang magpanggap pa. mahal ko si ced. mahal na mahal.
...
Cedie's POV
patapos na summer pero andami pa ding nagsi-swimming. ang daming hotttt! haha. lilibangin ko nalang ang sarili kesa naman magmukmok ako sa isang sulok.
habang nagluluto ang mga kasama ko ako naman ay sarap buhay hahaha! boss eh no.. shet. boss. may naalala ako.
haaay. panira ng mood. napano ba kasi siya? parang may tinatago siya. nararamdaman ko talaga eh.. yung tono niyang may alinlangan lagi. ayoko na masaktan pa ulit ayoko na. nasaktan na akong maraming beses hindi pa sila kuntento sa mga naranasan ko? hindi pa ba?!
akala kasi nila na hindi ako nasasaktan eh. hindi ko lang pinapakita. lagi nilang sinasabi "bilib ako sayo, ang lakas mong tao" bakit kilala ba nila ako? hindi. they only know my name but not my story. they don't see the inner meaning of the feelings of others, they only judge what the naked eye can see. ako malakas? ha, akala nila. bakit nagtanong ba sila kung kaya ko pa? hindi. nang mga panahon na yun i wanted to give up. i wanted all the bad things to end. pero binigiyan ako ng lakas ng mama ko at ng mga kaibigan ko.
sa tingin ko pagkatapos ng lahat ng nangyari sakin nakaya ko, kung ano man ang malalaman ko kay luke sigurado ako kakayanin ko. kaya ko! san ba ako magaling diba sa pagtago ng tunay kong nararamdaman?
"ced! tara merienda" anyaya sa akin ni chloe
"andiyan na ba yung iba niyong niyaya?"
"ahh oo. andiyan na yung dalawang papables yumminess. pak na pak yung isa." aba tignan mo nga naman tong malanding to
"hoy! magaral ka muna! landi. kanino ba kasi barkada yan?"
"kay danico. kasama daw niya lumipat sa school natin."
pagdating namin sa villa kaagad na kaming kumain ng barbeque. the best talaga si chloe pagdating sa lutuan. frustrated cook yan eh, ako naman frustrated singer.
sa kasarapang paglantak ko sa barbeque ko aba'y may kumurot sa aking tiyan.
"small world ah?!"
filiar to eh.. kidnapper? masyadong hot to para maging kidnapper.. wait.. alam ko na!
"ikaw yung gutom na transree nung enrollment!"
"yupp. that's me. the oh so awesome kelvin"
"lul! awesome ka diyan."
"oh eto!" sabay bato ng coke in can.
"pwede naman iabot! asar!"
"kk!"
tarantadong yun.
so after ko kumain tinulungan ko sina chloe magligpit ng pinagkainan. baka akala nila tamad ako sa personal. bait ko kaya.
nagyayang maginuman ang mga kaibigan ko pero pass muna ako. ayokong uminom kapag may ganito akong pinagdadaanan. baka kasi kapag nalasing ako bigla nalang akong umuiyak dun.. nakakahiya sa ibang tao..
"sis. ayoko talaga uminom eh. masama pakiramdam ko. dun muna ako sa may beach ah?"
"osya sige. maguusap tayo mamaya."
naglakad na ak papunta sa may dalampasigan. magdidilim na din eh. ang saya naman tignan ng mga pamilyang enjoy na enjoy.
haaay. eto nanaman po ako. makapagyosi na nga lang.. nakakamatay to alam ko. pero narerelax ako pag nagyoyosi eh. hindi ko alam kung baket pero everytime na humithit ako parang nawawala lahat ng naiisip ko, consentrated lang ako sa pag-buga.
"pahiram lighter." bulong ng isang lalaki a tumabi sakin. di ko na nilingon masyado akong nagsesenti eh.
"salamat. ano nga pa lang pangalan mo?"
kulit din nito ah-
"i-ikaw?! jusko naman kelvin!"
"oh oh chill lang. kung maka react ka parang inaaway kita."
"bakit ka naman kasi pasulpot-sulpot atsaka bakit hindi ka umiinom dun?"
"wala pa ako sa mood uminom eh.. pwede naman siguro ako magsenti din dito no?"
"di naman ako nagsesenti!" sinungaling ko lang. tsk.
"edi hindi. ako magsesenti. kung ayaw mong tirisin kita wag ka na maingay."
"aba't napaka yaban-" di ko natuloy ang sasabihin ko ng takpan niya ang bibig ko.
"pls. kahit ngayon lang wag muna tyo magbangayan."
tumahimik nalang ako at tumitig sa palubog na araw.
makalipas ang ilangsandali.
"ano pa lang pangalan mo?"
"cedie"
"baduy naman niyan."
"eh sa yun pinangalan sakin eh!"
"hahaha! ayaw mo kumain cedie?"
"ayaw. maya nalang."
di na siya sumagot at tumayo na lamang. itinuloy ko naman ang pagmumuni ako.
binigyan ko ng pag-asa si luke pero di ko naman maramdaman na nanliligaw siya. gagung yun.
*phone ringing*
oh kita mo nga naman.. tumatawag ang gagu.
"hello?"
"ced.." parang malungkot ang tono niya?
"luke bakit?"
"i'm on my way diyan. may kailangan akong sabihin sayo. importante"
"a-ano? di ba pwede bukas nalang? or sa phone."
"no. i need to explain."
"o-osige ingat ka luke."
kinakabahan ako. kung ano man ang sasabihin ni luke sana lang kayanin ko. mukhang bad vibes eh.
"hoy!" sabay tapik ni kelvin
"ano?!"
"oh.. pinagdala na kita pagkain. di ako yung kumuha. pinadala lang sakin ni chloe"
"salamat ah? alis na"
"yoko nga. uupo pa ako sa tabing dagat eh."
inimpasahan ko nang kainin ang pagkaing 'pinahatid-ni-chloe' habang nakupo ako sa buhanginan.
"ayaw mo niyan?" sabay turo sa inihaw na paa ng manok.
"di ko alam pano kainin eh."
"sus! amin na nga yan. ang arte."
"hoy! di ako maarte! di ko lang talaga alam pano kainin! wala naman laman yan eh!"
"blah blah blah. says the brat"
"utut mo!"
di na sia sumagot at tinuloy na namin ang pagkain.
9pm
pagkatapos namin kumain ay nagyaya na pabalik si kelvin sa mga kasama namin. ngayon ay umiinom na sila habang ako naman nilalantakan ang mga pulutan nila:))) mehehehe
pipilit nila ako uminom pero ayoko talaga.
*phone ringing*
"hello luke?"
"meet me at the lobby of the resort. we really need to talk now."
"okay"
"uhm. chloe nasa lobby na si-"
"oo alam ko na. kinausap na niya ako. Go! punatahan mo na!"
end of chapter 8
salamat po sa lahat ng nagbabasa! sana po di kayo magsawa and sorry din po pala kung matagal update busy sa school eh.