Chapter 9: Drama begins 1.1

1041 Words
Cedie’s POV pagdating ko sa lobby nakita ko kaagad si luke. di ko maunawan yung mukha niya, parang di matae na kinakabahan na walang tulog na pagod na natatakot na ewan. "luke.. may problema ba?" "uhm. kailangan nating magusap.." kinakabahan ako. it must be really important. "okay sige.." naglakad lakad kami papunta sa may dalampasigan. nakakatitig lang siya sa nilalakaran namin. kinakabahan na talaga ako. lakad pa din kami ng lakad. parang wala namang patutunguhan tong ginagawa namin. nahihiya naman akong magtanong kung ano talaga ang sasabihin niya. baka kasi isipin niya na masyado akong atat. malayo na rin nalalakad namin mula sa villa. "ced.. naalala mo pa ba nung una tayong nagkakilala?" "oo naman. sa sm baguio. nakatunganga ako tapos bigla nalang may nagbato ng bola sa akin" "alam mo naman na hindi ko sinadya yun diba?" "oo, naipaliwnag mo na diba." "naalala mo pa ba yung sinabi ko about sa mga naging ex ko?" "oo. di naman ako nagkaamnesia no! diretsuhin mo nga ako." bigla na lamang tumulo ang luhang kanina pa pala namumuo sa mata niya. "cedie sorry talaga.. sorry.." "para saan? nguguluhan na talaga ako." "di ba sabi mo kaya ka lumayo dahil gusto mong makalimot sa ginawa ni jake? ganun din ako.. nasaktan ako ng nakipaghiwalay ang gf ko sa akin.. ang alam ko hiwalay na kami.. pero pagbalik natin sa pampanga.. sinabi niya na kami na ulit.." ano daw? "mahal mo ba siya?" "ced patapusi-" "mahal mo ba siya?" mahinahon kong tanong.. nasasaktan ako.. hindi ko alam bakit.. namumuo na luha ko pero hindi ko ito papayagang pumatak.. "hindi ko na siya mahal.. hindi na." "bakit ka pumayag? bakit luke?!" "wala na ako magawa.. ayoko na talaga. everytime na makipagbreak ako sakanya lagi na lang nauudlot.. akala ko talaga hindi na niya ako babalikan.. akala ko." "luke maraming namamatay sa maling akala.. maraming nasasaktan sa malaking akala" "sorry.. sorry talaga. hihiwalayan ko na siya. ikaw ang mahal ko. ikaw." pagod na ako. ayoko na masaktan pa. tama na. "luke.. ikaw ang bahala. kung di mo na talaga siya mahal sigurado ako hindi ka pumayag.. tapatin mo nga ako luke.. mahal mo pa ba siya?" naglakad ako palayo.. sumunod siya. pero tuloy pa di ako sa paglakad. "naguguluhan ako-" "yun.. yun na.. pag-isipan mo muna kung sino ba talaga ang mahal mo.. at wag na wag mo akong sasabihan na mahal mo kung may mahal kang iba." "ced please.." tuloy ako sa paglakad "ced.. why don't you let me to explain?" tumigil ako. "hindi ba sabi ko naman sayo.. pagisipan mo muna.." tumakbo na ako papasok sa villa. ramdam ko na ang pagbagsak ng mga luha ko. sinabihan ko sina chloe na sabihin kay luke na umuwi na. nagkulong lang ako sa kwarto. bakit ganon? kailangan lagi ako nasasaktan? sawang sawa na akong umiyak.. sinabi ko sa sarili ko na hindi na ako iiyak! pero ano to ngayon? ayoko na.. masakit eh. pano ko ipaglalaban tong relasyon namin ni luke kung wala naman akong pinanghahawakan.. hindi ko siya boyfriend.. alam mo anong mas masakit? babae kalaban ko. babae.. tumingin ako sa orasan. 1am na pala. ako palang nasa kwarto kaya sigurado ako nagiinuman pa yun. sumali ako sa inuman. nagtatanong sila kung ano nangyari pero ang sabi ko lang wala. tumabi ako kay kelvin since yun lang ang bakanteng lugar. "ayos ka lang?" tanong ni kelvin. medyo lasing na to. mukha ng zombie eh. "o-oo naman. bakit naman ako hindi magiging ayos?" "eh k-kung kailangan mo ng kausap a-andito lang ako." "salamat.. tama na nga yan inuman na!" nagpabili pa ako ng dalawang bote ng iniinom nilang gin. bahala na ang hangover bukas. "sa tingin niyo, sino mas mahal ng lalake yung gf niya o yung pangalawa niya?" tanong bigla ni patrick. di ko napigilan ang sarili ko. pumatak na lamang ang mga luha ko. di naman nila nahulata kaya ayos lang. natatakpan naman ako ni kelvin kaya di nila mapapansin. sino nga ba ang mas mahal ng lalaki? "sa tingin ko mas mahal ng lalaki yung pangalawa.. kasi kung mahal niya yung una bakit pa siya hahanap ng iba?" sabi nung isa nming kaibigan. "malay mo hindi seryoso yung sa pangalawa?" tangina. hanggang dito ba naman. nagpaalam ako sakanila na iihi muna ako. pero ang totoo lalayo lang ako. pupunta ako sa may shore. "b-bakit?! tangina naman! ako na lang ba lagi ang nasasaktan?! ako na lang ba!" sigaw ko sa dagat. inilabas ko iyak ko na pinipigilan ko.  umupo ako iyak lang ng iyak ng may humagod sa likod ko. "ayos lang yan. ilabas mo." si kelvin iniyak ko lang ng iniyak. masakit eh.  pakiramdam ko nilaro ako ng wala akong laban. kinubukasan umuwi na kami. naikwento ko na lahat kay chloe. maging siya ay naguluhan. may pasok na pala bukas. kaya pupunta ako ng mall ngayon para bumili ng notebook at mga gagamitin ko. pagkatapos namin kumain sa isang restaurant sa mall ni mama ay humiwalay na siya dahil may work pa siya. sinamahan lang ako maglunch. dumiretso na ako sa national bookstore para sa mga bibilhin ko. pagakatapos ko bilhin lahat ng mga kailangan ko pumila na ako.. ano ba ang normal na gawin pag nakapila? edi tumayo. may biglang nakabunggo sakin sa likod. isng babae. "ay sorry po. nagmamadali kaai ako." sabi nung babae "ayos lang." sabi ko naman sabay smile at itinuloy ko na ang pagpila ko. pagkatapos ko mabayaran lahat ng binili ko palabas na sana ako ng marinig kong pinagalitan nung babae yung cashier. "dahan dahan kase! yan na nga lang trabaho mo!" di naman magkanda-ugaga yung kahera sa pagsorry. tsk. maldita pala yung babaeng yun. buti nalang pala siya nakatama sakin at hindi ako. sigurado ako kung ako nakatama baka nasampal ako nun. nagtxt na ako sa driver ni mama since nahatid na niya si mama papasundo ako. habang hinihintay ko yung driver naglakad lakad muna ako. bumibilo ako ng inumin ng magtxy ang driver na nasa parking lot na siya kaya pumunta na ako. kotse ni luke yun ah? sino yung kasama niyang babae? ay oo nga pala.. may gf siya. pasakay na ako ng kotse ng mapansin kong parang nagaaway sila.. "ced?" shit napansin ako ni luke! dapat kasi sumakay na ako. "ced. wait!" lumapit siya sakin. "bakit?" sumunod yung babae... yung babaeng kasama ni luke.. siya yung babaeng umaway sa kahera. "luke.. una na ako." sabi ko "luke! ano ba tara na! sumakay na sa kotse yung babae. "ced.. can we talk?" "siya ba yung girlfriend mo?" namutla si luke.. "o-oo. pero hiniwalayan ko na siya!" "hiniwalayan? ganyan na pala yung magex. nagsusunduan." "hindi ko siya sinundo.. nakita lang niya ako-" "tapos wala ka nanaman magawa kundi ihatid siya? enough luke. enough" sumakay na ako ng kotse. hindi ko na pinakinggan sasabihin ni luke. ayoko na. end of chapter 9
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD