Chapter 11: I may not be the best

3264 Words
They always want things to go their way and whenever i'm against what they want. They were like thinking that im never good enough. ... Cedie’s POV "oohh! espiritu ng Tulog! lubayan mo si cedie! lubayan mo!!!" sigaw ng isang babae. "oh espiritu! lubayan mo siya!" lintik na!.. wait babae? sa kwarto ko?! "waaaahh!" sabay naming sigaw "utang na loob chloe! bakit ka nandito?!" "duh. saturday ngayon. you know, jogging for sexy body." "ay oonga pala. tarantado ka talaga, kung maka espritu ka! hahahaha" kahit papano good vibes ang bumungad sa akin. kahit na gaga at baliw tong bestfriend ko eh minsan may silbi kapag depress ako. minsan lang. kase pag minsan sumosobra. pagkatapos naming mag jogging ni madam chloe eh naligo muna kami sa bahay. habang nasa almusal ay nagkontsabahan ang nanay ko at si chloe sa pang aasar sakin. kesyo depress ako baka lumayo nanamn daw. kung makatawa sila parang di napagdaanan to. after naming kumain umuwi na si chloe dahil tatapusin niya pa ang mga dapat tapusin dahil siya ang president sa block namin. siya ang aayos ng mga list of names at marami pang kaartehan. ako naman ay naglinis ng kwarto. "ate sabell paabot nga ng zonrox." "ano gusto mo sir yung lemon or ung original scent?" "lemon nalang! dali lilinisin ko pa tong banyo ko!" "eto na po. ako nalang kasi maglinis ced eh" "ako na. alam mo namang kwarto ko lang kaya ko linisin." "sabagay ced, kami nga ni trining eh di na magkandaugaga sa paglinis ng bahay niyo. atleast man lang mabawasan kahit iang kwarto lang" "sabell, nakatikim ka na ba ng zonrox?!" "di pa sir." nagbuhos ako ng zonrox sa tabo. "inomin mo para matamhimik ka." "to namang si ced, di mabiro." "kung ayaw mong ipainom ko to umalis ka na dito. tatawagin na lang kita pag may kailangan ako" "sus, tong alaga ko, may mens nanaman! to na aalis na po. kaloka ka ced!" "nakakastress ka! jusko po bigyan niyo ko ng pasensya" aba'y tinawanan lang ako! minsan talaga pakiramdam nakikitira lang ako sa bahay nila. nakakabaliw! after kong maglinis. naligo na ako at bumaba upang kumain. since weekends ngayon sigurado nasa spa si mama bonding with her sisters. kaartehan. may nagtext. si luke. "we need to talk." ugh. i don't need to. but i have to. "okay" i replied. "will pick you up around 2pm?" "okay." naghanda na ako. hindi dahil excited ako kundi dahil 1:30 na. pagkatapos ko magbihis nanood muna ako ng t.v. *knock knock* "sino yan?" "cedie may naghahanap sayo iho. "sino manang?" "di ko kilala eh. pero gwapo iho. dalian mo baka mainip siya" sino pa nga ba. edi ang kampon ng kasamaan hhahahaha BITTER Pagbaba ko pinagbuksan ko ng pinto si luke at pinatuloy. siyempre mabait ako. "luke can we talk here? ayoko lumabas eh. " "is it okay?" "manang pakuha naman ako juice.. pakidala sa t.v room. " kulob kasi doon at walang makakarinig sa usapan namin. "let's go. para matapos na to." dagdag ko. habang papunta kami sa t.v room iniisip ko na kung ano ang mga dapat kong sabihin.. pano ko dapat tapusin ito. pagdating namin sa kwarto. umupo kami. tahimik. walang kumikibo. nang akma na siyang magsasalita bigla namang kumatok si yaya trining para iabot ang juice. uminom muna siya bago magsalita "ced.. about kay catherine-" "luke sabihin mo na lahat ng kailangan mo sabihin. pero siguraduhin mong totoo lahat yan" "oo. nung nasa baguio tayo nakipagbreak siya sa akin.. kaya nung nakilala kita nung una inaamin ko.. laro lang. flirt. pero ngayon iba na. ibang iba na. mahal na talaga kita. ngunit nung bumalik tayo dito bigla na lang siyang nakipag balikan. ayoko na talaga pero ipinilit niya na try namin. pero ayoko na talaga." "alam ko na yan. ngayon ano gusto mo mangyari?" "forgive me.. please." "okay. i forgive you. hanggang dun na lang yun" "what do you mean?" naluluha ako.. ang sakit para sa akin na sabihin ito. "friends. yan na lang kaya ko ibigay. ayoko na masaktan pa..." "w-what? no no no. gagawin ko lahat ced. please. mahal kita ced. mahal na mahal!" tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. masakit na eh. "n-no luke.. mas may nararapat pa sayo. siguro this is a sign na di talaga tayo pwede.." "i don't give a f**k about those sign! mahal kita.. liligawan kita kung kailangan papatunayan ki lahat.. di ko to normal na ginagawa lalo na sa lalake pero mahal talaga kita eh.." "di ko naman sinabing gawin mo yan. di kita pinilit." tumayo siya.. "if that's what you want.. i love you ced.. but you keep on pushing me away from you. di ko alam kung ano gagawin ko.. di ko na alam.." "sumusuko ka na ba?" "bakit gusto mo bang sumuko ako?" "pano kung sabihin kung oo?" pumatak ang mga luha niya. "giving up is a sign of weakness.. malakas ako. kahit huling hininga ko ibibigay ko sayo mapatunayan ko lang na mahal kita." lumabas siya ng pinto at umalis na. hindi ko na siya pinigilan pa. pumunta ako ng kwarto at umiyak hangang makatulog. sana pagising ko ayos na. ... dalawang linggo na mula nung huli naming paguusap ni luke. madalas siya tumawag para kumustahin ako. sa mga araw na hindi ko siyanakikita narealize ko na mahal ko nga siya. mahal na mahal. sa bawat araw na dumaan lalo akong kinakain ng guilt ko.. nasasaktan ako kapag naiisip ko yung nangyari pero sa tuwing maisip ko yung pagiyak niya... naluluha nalang ako.. ramdam ko yung sakit. kaya nagpasya ako mamaya makikipagkit na ako sakanya. nasasayang ang oras. mahal ko siya at sinabi naman niyang mahal niya ako. i texted vin to get his schedule for me. since magkaklasi sila. nagkita kami ni vin sa parking lot ng school nila. pagbaba ko pa lang ng kotse ay agad ng bumungad sakin ang mga soccer players. Syet. i came here para makipag-ayos hindi para lumandi! haha. minsan di ko talaga mapigilan. pero dahil may mahal na ako at alam kong mahal ako di na ako titingin pa sa iba kahit alam kong nakatingin sila sakin hahaha kapal ng mukha ko T.T "anong oras break ni luke?" kaagad kong tanong kay vin pagkakita ko palang "break namin. kung gusto mo samahan na kita papunta sakanya. nasa varsity quarters siya." "osige. pero daan muna tayo sa food court niyo. bili lang akong lunch niya.. di pa naman siguro kuamain yun no?" "sus. di nga kumakain sa school yun eh. laging walang gana." nagpunta na kami sa kanilang foodcourt. andaming pagpipilian kaya tinanong ko si vin kung saan madalas kumain tong si luke. sabi naman niya paborito daw niya yung. steak sa isang stall. so pumunta kami dun sa stall. woah, may nakikita akong ahas. sino pa nga ba edi si catherine. "well, well, well. look who visited us" sabi ng alipungang dagat sa mga alipores niyang nakamura sa blush-on. tumawa ako. "meron palang alagang sawa ang school niyo vin? at pakalat kalat pa." humalakhak naman si vin. "how dare you b***h!" "wait. i did not mention any name. bakit ka nasasaktan?" inirapan lang ako. "bakit ka bumisita dito?" "i came here for look at hindi para magsight seeing sa mga pets ng school. kaya excuse me bibili ako ng lunch" tinangka niya akong buhusan ng hawak niyang coke pero siyempre inagaw ko ito at ibinuhos sakanya. nagsigawan ang mga alipores niya. "putangina ka talgang bakla ka!" kinuha niya yung hawak na coke ng isa niyang alipores at tinangkang ibuhos sakin. inagaw ko ulit at ibinuhos sakanya. tinawanan siya ng mga tao at tarantang tinulungan siya ng mga alipores niya. "hindi pa tayo tapos!" sigaw nia habang umiiyak. "kung gusto mo tapusin natin?" *PAK* sinampal ako ng ahas! "yan lang kaya mo?" *PAKK* sinampal ko siya. hindi porke babae siya eh siya lang ang may karapatang galangin. lahat ng tao may karapatang galanganin. ng tangkang sasampalin ulit niya ako biglang dumating si luke at hinawakan ang nakaambang kamay ng ahas. "tama na cath! kung ano man ang meron tayo dati it's over." "no luke! mahal kita and i know maal mo din ako!" "nawala na ang pagmamahal ko sayo simulang nalaman ko na pera lang ang habol mo sakin" sinampal ni catherine si luke at umiyak na patakbo si catherine. kahit papano ay naawa ako sakanya. bit she deserves it. lesson na din sakanya yun i guess. "ikaw naman. bakit ka nandito?" luke said while keeping a "galit face" "edi aalis na. bye vin. sayo nalang tong steak." nagkunwari ako na paalis na. tumalikod ako at akmang lalakad na palayo pero hinila ako ni luke. "to naman di mabiro! dito ka nga!" sabay yakap sakin "gagu ka kasi. tara na gutom nako tsaka tignan mo pinipicturan na tayo oh. baka magkaFans club pa tyo." "deHins nalang. parang Kathniel naman tayo nun!" tawanan kami. i love kathniel kaya! "ulul. tara na. di pa tayo bati wag ka msyado umakbay" Pagpasok ko ng qusrters nila agad na bumungad sakin ang makalat na mga kwarto. "upo ka muna. ayusin ko lang tong lunch." yaya ni luke jusko po. naiimagine ko kung ano ginagawa nila dito. kung ilang babae na ba ang nadala dito. nakakakilabot T.T may 3 kwarto ang quarters nila. bawat kwarto ay may 2 double deck bed. lahat ng kwarto makalat! hahaha boys. habang hinihintay ko si luke sa dinning area nila may umupong 2 lalake. basang basa ng pawis. "hi. ikaw pala yung ced. ako nga pala si paolo ito naman si ian. pasensya na ha kakatapos lng namin magpractise." "ayos lang." i gave them a warm smile. "hoy tabi nga diyan. maligo kayo amoy aso kayo!" bulyaw ni luke. nagtawanan naman yung dalawa at nagamuyan ng kili-kili! haahaha jusko po. "pasensya na sa dalawa ced. kupal mga yun eh." "ayus lang.. bago tayo kumain.. may sasabihin muna ako" "uhm ano yun?" "luke, gusto ko magsorry sayo.. kase kaagad ako nagduda sayo.. alam ko naman mahal mo ako eh diba?!" "hindi eh." "ano?! aba! edi kase! uwi nako!" "hahahahahaha! to naman! binibiro lang kita" "ulul! kapag nagiinarte ako wag ka tatawa tawa ha!" "bakit? hahahaha binibiro ka lang eh." "ang hirap kayang kiligin kapag galit! hahahaha!" "pero ced mahal na mahal kita.. as in mahal kita.." "sus. gutom lang yan tol!" "hahaha! tol? babe na!" "kailangan ganun kasweet?" "oo naman!" "alam mo di ko alam kung seryoso ba to o biruan." "saken seryoso. siguro ikaw biro lang..." "ayun eh! eng erte erte me! seryoso syempre. o dali subuan kita ng steak." "ayaw!" "hala ka. ang laki mong tao oy! di mo bagay." "yoko na." "osige.. bahala ka.. IAN! PAOLO! DITO DALI KAIN TAYO!" agad naman lumapit yung dalawa pero binigyan lang sila ng tingin ni luke at lumayo na agad! aba! "ambilis mo ko plitan ah?! hahaha sige na kain na tayo!" pagkatapos namin kumain ipinakilala ako ni luke sa mga kateam mates niya. ang nakakagulat pa ay 3 sa mga kateam niya na Bi din at may BF! tanggap na tanggap nila. wala lang. masaya lang. pagkatapos ng gaguhan namin sa quarters naglaro naman kami ng basketball. actually ang tanging ginawa ko dun ay pumalakpak! hahaha pinapractise kase nila yung exhibition game nila. lahat sila magaling magdunk at magshoot! ano pa kaya ang ibang kayang ishoot ni luke? i wonder. hmmm so ayun official na kami. June 28, 2012.   ... tama nga siguro sinabi nila, kapag mahal mo ang isang tao kaagad mo siyang mapapatawad. kahit anong gawin naming maging normal na magsyota ni luke cannot be eh! laging parang abnormal. masaya lagi. ayoko din naman nung sobrang sweet. nauumay ako hahaha mas gusto ko to kasi di kaagad nakakasawa. minsan parang gaguhan pero seryoso hahaha. kung naguguluhan kayo. ako din naguguluhan hahahahaha! ... namimiss ko na si baby boy:( nasa tagaytay kase sila para sakanilang team building. 3 days sila dun at 2nd day palang nila ngayon! isang araw nalang makikita ko na si baby ko. namimiss ko na talaga siya eh:(( Oh diba nakakairita kung ganyan kasweet?! nakakaumay diba kung ganyan na normal ko hahaha! pero nasa tagaytay talga sila.. tinawagan niya ako kagabi para itanong ano gusto ko pasalubong, ang sabi ko naman ay wag na sige kase nakakahiya, aba ang gago sagot ba naman sakin: sigurado ka ha? yes! nakatipid ako wohoo! kaya love kita eh! nagpapakipot lang ako eh! sana palang nagpabili ako ng kahit buko pie lang okaya key chain nalang sige haha. heto kami ngayon ni chloe nasa mall at nagpapalipas ng oras sa isang tea house. nagshopping kasi kami dahil kailangan na daw mapalitan ang wardrobe ko. and guess what! kung dati yung jeans ko na skinny lang. ngayon skin tight na ata! jusko po. parang leggings nalang. uso daw kasi sabi ni chloe. sabi ko naman di porke uso eh nakikiuso ka na. bagay bagay din. kaya 2 nalang binili ko dun sa 'leggings' na pantalon at 3 skinny jeans at 5 shirts. etong si chloe eh di pa kuntento sa napamili namin. siya nga eh halos heels binili niya. ako naman dalawang sapatos lang.. we even bought sunglasses kahit tapos na ang summer. "oh em. ced alam mo na ba ang latest chismis sa school?!" "hindi. kailan ba ako nakichismis ng kusa? lagi mo lang naman sinasab sakin yung latest eh." "whatever. yung ex ni patrick nabuntis daw! hahahaha bobang babae hindi alam kung sino tatay, yung bang present BF niya or yung kaibigan ng BF niya! jusko po. "ganyan na ba talaga mga babae ngayon?! sino pa malinis?!" "eeeexxcuuuse me lang huh!! ako mismo malinis na babae!!" "chill hahaha makareact!.. uy si kelvin yun ah!" tinawagan ni chloe si kelvin. wala siya kasama. may binili lang daw. mukhang naiinip din sa bahay ang mokong. nagkwentuhan muna kaming tatlo. at sa sobrang inip namin nagkayayaang kumain. pero di sa mall tutal daw eh dala ni kelvin kotse niya. bumiyahe pa kami ng halos 40 mins din papunta sa isang kainan malapit sa school nila luke which is nasa angeles city. grabe ang daming inorder ni kelvin. threat daw niya. habang kumakain naguusap kami. nabuksan namin yung topic about kung sino gusto ni kelvin. "wala eh.. minsan talaga may mga panahong wala akong gustong tao hahaha!" "parang gago kausap to." sabi ko "totoo nga. alam niyo gutom lang yan!" pagkatapos namin kumain naglibot libot pa kami. pumunta kami sa isang street sa Angeles na andaming mabibili. sa sobrang excited ni chloe mamili nakabili siya ng mga kularete tulad ng hikaw, braceletsss, banglessssss at kwintas. bumili din siya ng mga shorts na halos 'below the Belt' na sa sobrang ikli. bumili naman ng maraming korean noodles si kelvin. kasi yun daw madalas niya kainin pag tinatamad magluto. ako naman bumili ng 6 Maliit na halaman. yung parang bonsai.. actually bonsai ata talaga yun. binigyan ko si chloe and kelvin. sabi ko para naman may touch of nature ang mga kwarto nila. bumili din ako ng noodles, seewee. after ng aming shopping spree pumunta kami sa isang frozen yogurt shop. ang daya din pala kasama ni kelvin. di ko namalayan ang oras. halos magdidilim na kaya nagpasya na magdinner na kami. kain nanaman?! hahaha pumunta kami sa Funside Manukan malapit sa marquee mall. grabe. ang sarap ng barbeque nila, at ang sauce? ulam na! after ng papagiging matakaw namin nagpasya nang umuwi. ... monday ulit?! i hate mondays! pero ang monday na ito ay medyo special kahit papano naman. ngayon na uwi ng kuripot kong syota. magkikita daw kami mamaya sa mall eh. kain daw kami dinner. pero syempre aral-aral muna. fist subject palang halos isuko ko ang ang pagkatao ko. Statistics b naman! isinusumpa ko yung prof ko. pinasagot ako sa board. malay ko sagutin yun! ang hirap kaya. halos ginamit ko na lahat ng formulas di ko pa din makuha! leche. afterng 3rd subject nagbreak muna kami ni chloe. break as in vacant period ha.. lumabas muna kami sa tambayan naming tindahan sa tapat ng school at nagyosi. pampatanggal stress. sensya na. WAG TULARAN PLEASE! hahahaha after ng break ay tuloy tuloy nanaman ang klase namin hanggang sa 6th period tapos uwian na. since may date si chloe at pat at ako naman ay makikipagkita kay luke ay naghiwalay nakami ng landas. as in hiwalay ng daan ha? ... pagdating ko sa mall pumunta muna ako sa banyo ayoko namang humarap kay luke na mukhang haggard. bakit ganun sa cubicle di pwedeng walang "buhok" sa toilet?! hahahaha wala lang. sino kayang nagbubunot ng "buhok" nila sa ano habang nagcCr?! hahaha napakabaliw ko lang T.T pagkatapos ko magbaliwbaliwan sa CR nagkita na kami ni luke. wow ha. may dala pang bag. di pa ata umuwi to? "ano yan? di ka pa dumiretso sa bahay niyo?" "galing nako sa bahay.. naglayas ako." "weh?! gagu ka bakit?!" "sa puso mo nalang sana ako titira?" "ha-ha-ha sobrang natawa ako! ano laman niyang bag?" "di man lang kinilig. sayo to. lahat ng laman ng duffel bag sayo. pasalubong ko." "totoo?! hahahaha" napayakap ako sakanya. akala ko kasi talaga titipirin ak ni luke. "sus. sa banat ko walang reaction pero sa pasalubong kilig na kilig" "to naman. syempre masaya lang ako. kala ko kasi talagang kukuriputin mo ako." "ikaw pa?! sus. i may not be the best boyfriend in the world, pero ipinapangako ko sayo na hinding hindi kita titipirin lalo na sa pagmamahal" "yhhhhh hihi! asus. nag team building lang naging cheesy na!" after ng kaartehan nagpunta na kami sa parking lot para pumunta sa isang kainan na paborito naming pareho. edi Bubusuk! isa lang siyang simpleng kainan pero napaka sarap naman talaga. hindi siya yung sosyaling kainan pero sobrang sarap talaga. "oy nasan yung phone na binigay ko sayo?" tanong ni luke. "oy nasa bahay. masyado malaki tsaka nabuysit ako sayo kaya di ko na ginamit." "arte. gamitin mo yun sayang naman.." "oo na." tahimik kami. nakaupo kami ni luke sa isang bench sa park ng kinainan namin. "uhhm. luke?" "ano?" "pagkagraduate mo.. ahh.. saan ka magtatrabaho?" "sa firm ng Dad ko. linya kasi ni Dad yun. si Mommy naman Sakanya yung mga business." "wow. yaman niyo dude." "dude? tae naman. babe nalang!" "hahahaha tut mu." "eh ikaw san kamagtatrabaho?" "sa company ni mama and papa ko. gusto ko kasi magpahinga na lang sa bahay or magbakasyon nalang si mama and papa." "sweet na anak pero pagdating sakin ang sungit!" "asuuus.. luke natatakot ako baka dumating yung panahon na magsawa ka sakin.. maghanap ka ng babae." "alam mo cedie mahal kita. hinding hindi ako magsasawa sayo lalo na't di pa kita natitikman-" "bastos ka! Salbahe ka" "biro lang po. hindi ako magsasawa sayo. babae? mas gusto ata kita kesa sakanila." "ata?!" "yang mga babae kase masyado maarte sa katawan. sus. yoko nun. simple lang gusto ko. ewan ko nga bakit pinatulan ko si catherine eh. di ko naman type yun." "ano type mo?" "yung isa kong ex, sabi nga nila boyish siya. kala ko nga nun tibo eh.." "ahh lalake pala gusto mo hahaha!" "ikaw lang lang lalakeng gusto ko" sabay kindat "utut. uwian na oy! gabi na." hinatid na ako ni luke sa bahay ko. pagbaba ko sa tapat ng gate bigla namang ding bumaba sa kotse si luke. "oh dito ka din nakatira?" "kung pwede lang.. teka may sasabihin ako.. sa sabado papakilala kita sa family ko ha? uhm pero as a bestfriend muna.. soryy ha.. alam ko naman naiintindihan mo" "sus. oo naman! kaw pa.. pero pano kung may masabi sila about sakin?" "pakelam ko. mas mahalaga ka ngayon kesa sa sasabihin ng iba" nang makaalis na si luke pumasok na ako sa bahay namin, naligo at nagready na para matulog. ... anakanang tofu! andaming ginagawa! nakakasawa! punyemas na business math yan. ayoko pa stress hanggang maari syempre ayoko magmukhang nanganak ng limang malalaking balyena! hahaha "hoy! nababaliw ka nanaman ata? makatunganga dude?" kaartehan ni chloe "lul. napagod lang. kainis yung math na yun!" "sus. di lang ata yun iniisip mo eh.. para kang kinakabahan" "tss. sa sabado kase papakilala ako ni luke sa family niya.." "te sabado na bukas." "yun na nga eh.." "wait legal ba siya na BI siya?" "hindi.. kaya papakilala niya ako as a bestfriend." "sus. ano ba yang si luke, ang laking tao takot sa magulang! tss." "ano ka ba. di naman ganun kadali ang umamin sa magulang no. tska panganay siya sigurado mataas expectations sakanya." "nakoo. kaya ka inaaubuso ng mga nagiging bf mo eh masyado ka maintindihin." natahimik ako sa sinabi ni chloe. ganun ba yun? pag masyado mabait inaabuso? haaay. "tara na nga uwi na tayo. gusto ko na humilata sa kama ko" anyaya ko kay chloe. ... saturday handa naba ako? paano kung mahulata nila na kamini luke? paani kung tutol sila samin? paano kung ayaw nila sakin? haaay.. amg sakit mg ulo ko. hindi kasi ako nakatulog ng maayos. iniisip ko kasi kung ano iisiping family ni luke.. hindi ko alam pero parang kinakabahan ako.. pakiramdam ko may maling mangyayari.. "hijo, andiyan na si luke sa baba." sabi ni manang isabelle "opo manang, pakisabi ho pababa na ako" pagbaba ko ng hagdan ang kaagad bumungad sakin ay ang nakangiting si luke. "ready?" "hmm.. oo naman tara na?" sagot ko sakanya to be continued.. end of chapter 11  Comment? ♥
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD