Most of the time we think love completes everything. Sometimes it needs trust to make it work.
...
Cedie’s POV
nasa kotse nakami ngayon at papunta na sa bahay nila.
"ano laman paperbag na dala mo?"
"ahh ito, extra na damit baka kasi kailangan formal. tapos may dala din akong chocolate para sa kapatid mo."
tumawa si luke as in tawa!
"bakit ka tumatawa?!"
"chocolate?! hahaha iba na gusto non."
"bakit di mo sinabi para nakabili ako?"
"hahaha tiganan mo nalang pag nakilala mo na utol ko"
pagdating namin sa bahay nila sobrang namangha ako. ang ganda ng bahay nila. simple pero napaka Elegante. ang theme ng bahay ay modern.
"ang laki naman ng bahay niyo luke."
"sus, parang yung bahay niyo hindi malaki ah?"
tawanan kami. dito ko nalang idadaan ang kaba ko.
pumasok na kami sa bahay nila, naglakad kami sa pathway patungo sa bahay mismo. malaki kasi ang garden nila. meron pa ngang greenhouse eh.
pagpasok namin dumiretso kami sa sinabi na ni luke na 'gaming room' nila ng kapatid niya. nagdala nga ako ng chocolat.
pagpasok namin bumungad sakin ang isang lalaki na siguro mas bata lang ng isang taon sakin. naglalaro ng Xbox
"asan yung bata mong kapatid luke?"
"ayan na yun."
"akala ko bata?!"
"wala ako sinabing bata uy."
"sabi mo mahilig maglaro ng video games?!!"
"mahilig naman talaga, ayan oh. luciano! may chocolate na dala si ced para sayo hhahahaha"
nagtawanan ang dalawang gagu. magkapatid nga. parehong bugok.
binigay ni luke yung chocolates kay luciano. kaagad na linantakan yung chocolate.
"salamat haha. ako nga pala si luciano kent. mas gwapo ako kay kuya!"
"lul!" sabi ni luke sabay batok.
"ikaw pala si ced. syota ni kuya."
alam niya?! akala ko bang hindi pa legal si luke? ano nangyayari?
"ay oo nga pala. alam ni luciano. partners in crime kami niyan eh."
"ahh ganun ba" binatukan kong pareho yung magkapatid. nagtawanan naman sila.
pinagmamasdan ko sila naglalaro. wala pa daw kasi magulang ni luke. nasa office pa.
halos mura ang naririnig ko sa magkapatid. Lord patawarin mo sila.
gwapo si luciano, halos magkaHeight lang sila ni luke. medyo payat nga lang ng konti si luciano kay luke. si luke moreno si luciano naman maputi. may tatlong hikaw at may tatto na star sa kamay.
tawanan lang kami habang tinitignan ko sila maglaro. ang cute nila. lalo ako naiinlove kay luke. kahit gago to minsan, sweet naman siya.
di ko napansin na nakatitig na pala ako kay luke and he's staring back at me while smiling.
"gutom ka na ba?" tanong ni luke.
"a-ah hindi pa naman, bakit?"
"kase parang gusto mo ko kainin.. hahahaha!"
what the?!
"lul! bwiset!"
"that is so gay.." singit ni luciano kent
bigla naman akong sinunggaban ni luke at napahiga kami sa sahig, kinikiliti niya ako! is this my end?! nooo
"s-stop! *hingal* ayoko na *hingal* please!!"
tawanan naman ang dalawa. hinawakan ako ni kent sa kamay habang kiniliti ako ni luke!
unfair! dalawa sila!
"i will let you go, sabihin mo muna 'ang sarap ni luke', dali na! hahaha"
"nooo waay!! kadiri ka!" juso po! pano ko malalagpasan ang pagsubok na ito! ang laki nilang tao! unfair!
"oo na! sasabihin ko na!-"
hindi ko nasabi ang dapat kong sabihin ng bumukas ang pinto.. s**t. mommy ba ni luke to?
nakakahiya :(
"what's this?" cold niyang pagsabi.
"uhhm mom, we were just playing around." sabi ni kent.
"oh. last time i checked your not kids anymore.. dinner is ready, bumaba na kayo."
sinara niya ang pinto at bumaba na. grabe nakakatakot siya. terror. maganda siya kahit may edad na, she looks very elegant. she's wearing a black dress and black peep-toe heels. she reminds me of my mom pero hindi ganun na nakakatakot mama ko.
"sorry ced. ganun lang talaga yun" sabi naman ni luke.
"hayaan mo na siya ced, ganun talaga pag nagmemenopause na."
nagtawanan kami. nagayos muna kami bago bumaba para kumain.
pumunta kami dun sa mas maliit na dining are, good for six people lang pero malaki pa din yung glass table.
shit. daddy ni luke ba yun? ang gwapo naman. may pinagmanahan pala itong dalawang gago.
he looks, very kind. maamo ang mukha. akala ko pa naman ang daddy ni luke ang kakatakutan ko. but i was wrong. naka black suit si mr. montemayor.
"are you going to watch us eat or are you joining us, hijo?" mr. montemayor asked while smiling. ako na lang pala ang nakatayo at nakatitig na sila sakin.
"oh. sorry sir" pinaghila ako ng upuan ni luke sa katabi niya. umupo na ako.
"dad, mom. si cedie po pala, best friend ko."
"god evening sir, mam." magalang kong pagbati
"good evening din hijo. kanina ka pa ba cedie?" tanong ni mr. montemayor.
"medyo po, sir."
"cut the 'sir', tito henry nalang." ang bait naman ni tito :)
"who are you again?" mrs. montemayor asked. every words she says sends shiver. her voice is really cold.
"mam, i'm cedie villegas."
"oh, how are you related to Dawn and Cedrick villegas?"
she knows my parent?
"they are my parents, mam."
"oh i see. Ikaw pala ang tagapagmana ng D&C Villegas Company. magaling talaga pumili ng kaibigan si luke"
"hon please-"
"we both know na hindi ako pumipili ng kaibigan mom. so please, enough with your company related shits"
"enough! may bisita.. let's eat." awat ni tito.
ramdam na ramdam ko ang tensyon sa hapag kainan. si kent lang ata ang relax. gagong to patawa tawa pa. halatang suwail na bata! hahaha
after ng dinner pumunta kami ni luciano and luke sa backyard nila. grabe ang swimming pool nila. ang laki!
"ang laki ng pool niyo luke.."
"halos magkasing laki lang naman.ng sainyo ah."
oo nga pala, nung last weekend ay siya naman ang nasa bahay. pero di niya naabutan parents ko dahil meron silang Company Party noon. inilibot ko siya sa bahay namin.
nakaupo kami ngayon at kasalukuyang silang umiinom ng beer. pero yung light lang. chill lang. habang ako juice at cookies. oh diba. lakas makagago ni luke. pinagtawanan pa nga ako ng magkapatid eh. buysit. di ko nga alam kung boyfriend ko ba talaga ito o ano? hahaha pero ang saya nila kasama. kahit lumaking mayaman hindi sila mayabang. jologs nga eh.
"alam mo ba nung bata pa kami, itinali ko si kent sa puno. tapos yung paa niya ay nakakbabad sa yelo! hahaha!"
"ano?! jusko po! wala ka naman siguro planong gawin sakin yun?"
"wala. mahal kita eh." sabay kindat ni luke. naibuga naman ni kent yung iniinom niyang beer.
"cheesy! so gay hahahaha!"
"pakyu! hahaha kaw kasi puro kalaswaan alam mo eh!"
"oh so, di na pala baby si kent! hahaha kwento mo naman!" pangaasar ko kay luciano
"yoko nga! di na talaga ako baby! marunong na nga akong gumawa ng baby eh! hahaha sobrang galing pa!"
"eww! hahaha gago ka." pinisil pisil ko pisngi ni luciano, nakakagigil! hahaha feeling ko bata kausap ko pero hindi na pala.
"magkatabi kwarto namin sa 3rd floor. rinig na rinig ko yung sigaw ng babae! hahaha" sabi ni luke
"hala! tong batang to! haha ilan na ba nadala mo dito?"
"siguro... 5?"
"what?! your just 17! oh my God.. ikaw luke?!"
"wala ah!"
"siguro si luke mga 18 girls na nadala niya dito. pero ikaw palang pinakilala niya." kantyaw naman ni kent
hindi ko alam kung masisiyahan ako dahil ako pa lang pinakilala or maaasar kasi 18 na ang nagalaw ni luke! oh la la
"luke, 18?! seriously!"
"past is past. di sila magaling"
"so kapag di magaling iiwan mo na?"
"hindi naman. kapag di ko mahal iiwan ko na.. mahal kita kaya malayong iwan kita."
napanatag naman ako sa sinabi ni luke. haayy.
"ay ced i texted your mom pala sabi ko makikisleep over ka dito samin. pumayag siya."
"at pano mo nalaman number niya luke?"
"i got it from your phone :) "
"i smell sex..." sabi ng gagong si luciano
"hoy luciano, ikaw na bata ka ano-ano iniisip mo ah." sabi ko sabay pisil sa pisngi niya
"gago, di mo ko katulad na ganyan iniisip! isa kasing s*x addict." sabi naman ni luke
"more on s*x god hhahaha! punta nako sa room ko. i have a party to go. nice meeting you bro? ate? sis? no, dude nalang. since you are part of our family. sorry pala about kay mom. see you around ced!"
umalis na si luciano. ang cool niya talaga. i know it's rude pero siguro sa daddy nila sila nagmana ni luke. mabait, ma-charisma at magalang. though gago sila minsan.
"speaking of my mom, sorry pala babe ha. ganun talaga yun.. she's very cold. pero never siya nagkulang samin"
"pagod lang siguro siya luke. i understand naman eh."
biglang lumabas isa sa mga kasama sa bahay nila luke. may dalang juice at cake.
"pinapabigay po si sir henry. may card po pala siy para kay sir cedie." iniabot ni ate yung card.
'alam ko di ka masyado nakakain kanina. sorry if you had to witness that. i'm very happy na ikaw bestfriend ni luke. you look very kimd and gentle. Good influence ka pa. enjoy the cake! tito henry"
awwww ang bait talaga ni tito! grabe lang. nakakatouch siya :) swerte ni tita.
"anong sabi?" tanong ni luke. pinabasa ko lang sakanya yung card then i kept it.
"ano pala pangalan ni mama mo?"
"ah, Lucia Marie. Pang kontrabida no? hahaha"
"hey, wag ganyan. She's your mother."
"biro lang po. tara sa room ko?"
binuhat namin yung cake at juice papunta sa room ni luke na nasa 3rd floor pa. dalawa lang ang kwarto sa floor na ito. ang mga kwarto lang nila. kaya sobrang spacious ng mga rooms nila. ang pagitang ng kwarto ay Isang mini-sala na puno ng Family portraits at baby pictures nila.
meron sila picture nu luciano na nakahubad! hahahaha
"ang cute niyo naman dito luke! hahahaha tignan niyo yung pototoy niyo ni luciano! hahaha ang cute!"
"cute ka diyan. di na cute yung sakin.." he took it in a perveted way ".. gusto mo tignan?" he added while looking at me.
ahh, you want teasing mr. luke montemayor huh? i will give it to you later, i always win.
"maybe later? mas gusto ko tong cake." sabay upo ko sa kama niya.
"later? why not now?"
"cause i need scissors to cut that thing."
"aw! kala ko pa naman makakapuntos na ko! hahaha joke lang. love you baby."
"whatever hahaha. pahiram ako damit."
"pili ka na lang diya sa closet ko. pagpasok mo yung drawer sa middle drawer andoon yung mga pambahay ko."
pumasok ako sa walk-in closet niya. andami niya shoes! kumpleto niya ata yung mga pambasketball. i opened the drawer he said, shet. underwear lahat! jusko po.
"luke! underwear to!!"
"oops! hahaha sa ibaba pala ng niyan"
pagbukas ko pambahay na talaga ang nakita ko. haaay. i chose one of his white t-shirts. ang laki naman. tapos i wore one of his basketball shorts na malaki din. actually mahaba lang. mas matangkad kasi siya sakin eh.
"oh saan laban mo ng basketball?" sabi ni luke paglabas ko ng closet niya.
"wala ka namang normal na shorts eh. pambasketball lahat."
"pwede naman kasi matulog ka na lang nakaboxers tulad ko."
"duh. ayoko magka sakit! ang lamig kaya, di ka man lang magti-tshirt?"
"hindi na. mainit."
"haaayy. nagyeyelo na po."
"later, paiinitin natin" wink
"nakakaquota ka na sa green jokes mo!"
"hahahahaha biro lang po"
humiga na kami sa kama. luke turned on the T.V. sakto naman Horror ang natipuhan niyang panoorin.
Ayoko ng mga nakakagulat na yan! i need to reason out para ilipat niya..
"a-ayoko niyan. boring. lipat mo"
"weh? Takot ka lang."
"B-baka kasi mapadigaw ako marinig ng mom mo."
"Don't worry, malayo ang kwarto nila."
shet. we continued watching, well actually he's watching while i cover my face with the thick comforter. i hate this movie, It's the Exorcism of Emily Rose. Baka mapaniginipan ko pa siya! Lord God, help me please.
"WAAAHHHHGG!!! TANGINA!" napasigaw ako bigla! eto nanga ba eh! nagulat ako nung bigla na lang siang nagsisigaw!
"hahahaha! good thing i chose this movie. nakaka-tsansing ka sakin ah."
di k namanlayan nakayakap na pala ako sa katawan niya! eww! wala pa man din siyang damit!
"utut mu! di ko naman sinasadya eh! patayin mo na kasi yang T.V! "
"wag, maganda yan eh"
i need to use my powers.
"ahh sige, dun muna ako sa labas. tawagin mo nalang ako pag tapos ka na."
in an instant namatay ang T.V. o diba! Power of Love! So gaaayy!!
"papatayin din pala eh!" naiwan na lang na ilaw ngayon ay yung backlight galing sa likod ng headboard ng kama ni luke.
"baka maatake ka sa puso eh. sayang naman.."
"anong sayang?!"
"sayang naman kung agad ka mawawala sakin. diba?"
"ewan ko sayo. your so turning into gay."
bigla na lang siyang pumaitaas sakin! ano naman to?!
hinawakan niya yung magkabilang kamay ko.
"gay? di na ako astig ganun? sagot!"
"hahaha still gay"
hinalikan niya ako sa lips, it was fast but still passionate and warm. it still sends shiver and tingles to my tummy. i gave in, i kissed him back.
after minutes of making out, he pulled out. we were panting and trying hard to catch our breathe.
"still gay?"
"no, manly na."
"good."
"uhmm, i can feel your boner."
"oops hahaha." humiga siya sa tabi ko and joined me inside the warm comforter.
"you know i'm not ready yet luke"
"i know, kaya nga pinipigilan ko. just t show how much i love and respect you."
"thank you. i love you too" i hugged him. he's very warm and cuddly. i feel safe and complete whenever he hug me. his embrace gives alot of feelings. jake and i do not sleep together before. we just do the 'did' if you know what i mean. simula nung sinagot ko siya di ko na naramdaman ang love and affection niya nung nanliligaw pa lang siya.
"matutulog ka na ced?"
"hmm, di pa. 10:30pm palang eh."
"gusto ko pag mayaman na ako, kapag may sarili na akong pera, papakasalan kita. sa new york, las vegas o kung saan man legal. ibibili kita ng malaking bahay. ibibili kita ng resthouse malapit sa magandang beach. ibibigay ko lahat ng makakapagpasaya sayo ced."
i never felt this before. to be loved genuinely. his love is too much for me but i can take it all.
"wala pa nagsabi sakin niyan dati, na papaksalan niya ako. mahal kita luke sobra, pero mas lalo pa kitang minahal. i can't believe i will inlove to you even more."
"aww. di pa ako tapos. kapag kasal na tayo mag-aadopt tayo ng bata."
"boy or girl? awww gusto ko both."
"ikaw kung ano gusto mo. i will be the daddy of course! hahaha you get to do the grocery shopping tho"
"whatever hahahaha!"
"tapos gusto ko hindi ka full time sa company niniyo, para may time ka sa mga bata."
"pero ako lang ang magmamana sa kompanya ng parents ko."
"i know. hindi ko naman sinabi na hindi ma magtatrabaho sa company niniyo, you just don't have to complete the working hours. ikukuha kita ng the best managers para kahit wala ka uusad pa din ang company."
"aww. you make feel so excited!"
"yan ang mga pangarap ko para sayo.. may iibigay pala ako"
tumayo siya, umupo naman ako sa end ng kama. may binuksan siyang drawer na nakalock. may kinuha siyang kulang blue na maliit na box.. wait..
lumuhod siya sa harap ko.
binuksan ang box.
may lamang silver na ring na punong puno ng diamonds.. it was beautiful.. it's shining on me..
"will you marry me?"
"YES"
End of Chapter 12.
Comment? ♥